CHAPTER 7

118 4 0
                                    

                "Stranger guy"

kanina ko pa sinasalo lahat ng kantyaw galing kay sam at taylor. Sinabi ko lang naman kase sa kanila ang nangyari kanina.

"Akalain mo? May naawa sayo at pinakopya ka"

kanina pa talak ng talak yang si taylor at sam

"Nakakahiya talaga yun no? First day of school"

"nangopya na agad"

"Hahahhaahhahahhahahah"

Durog na durog na ang steak dahil sa ginagawa ko. Kinuha ni Sam yung tinidor mula saakin at tumawa ulit

Tinaasan ko sila ng kilay

"Maawa ka naman sa steak carson"

Bumuntong hininga ako at Nagsimula ng kumain. Nandito kami sa jolibee malapit sa school
Brooke is not around di pa kase tapos ang klase nun at panigurado pag nalaman nya ang nangyari sakin kanina. Hindi lang siguro kantyaw ang aabutin ko dun! Alam naman nating yang si brooke matagal nakaka get  over at binabalik balikan pa talaga ang mga nangyari

"Stop it guys! di na nakakatawa"

Yes hindi natalaga nakakatawa. For the mean time nakakahiya na talaga dahil nagtitinginan na ang mga tao saamin

"By the way Carson Bakit nga pala di ka sa Don Mariano nag aral?"

pag iiba ni samantha ng topic

I don't know why? si lolo kase ang nag ayos lahat ng school papers ko. Hindi ko alam kung bakit binalik nya ako sa skwelahang ito?

"Hindi ka na ba nasasaktan sa tuwing na aalala mo yung nakaraan mo dito?"

"Besides napamahal na din sakin ang skwelahan nato. So why not?"  ngumiti ako ng pilit. I don't wanna cry here. Ayaw kung may makakitang umiiyak ako. Because I'm strong. Strong enough and matured enough
maiintidihan ko din to  sa madaling panahon

"Mag na night out kami mamaya sama ka?" ani taylor

"Hmm.. Pag iisipan ko pa" nagkibit balikat ako at tinuloy ang pag kain ng steak

"sige na cars! Please? Napaka homebody mo talaga. Tapos para naman makapag bonding tayo diba?"

ou nga naman no? 3 days pa nga lang ako dito sa CDO tapos stress na stress na ako. I think i only need night outs. Para makapag relax din

nakakastress kase ang school. Lalo na yang Chemistry nayan

nabalik ako sa sarili kung ulirat ng tumikhim si Samantha

"Malalim ang iniisip?"  sarkastiko nyang sabi

Tumayo naako at sumunod din naman sila. May klase paako

"Bye. Call me later?"

"Okay! Bye sam and tay"

pagkatapos kung magpaalam sa kanila dumiretso ako sa locker para makapag palit ng P.E uniform

Habang naglalakad sa hallway napansin kung may sumusunod sakin

Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa tumakbo na talaga ako. I really hate strangers. Baka naman kase may masamang balak yan sakin

Habang hinahabol ko ang aking hininga napa lingon ako sa kung saan ako dumaan kanina

"wala naman pala"

Pagkasabi ko nun. Hinanap ko na agad ang pangalan ko sa mga locker. Masyado talagang napag handaan ang pagdating ko.

"Carson Ryle Carceda"

basa ko sa nakapaskil. Binuksan ko iyun at may nakita akong sulat na nakalagay sa kulay pink na sobre.

"What's this?"

nagtataka kung binuksan iyun

"WHO ARE YOU?"

Sulat kamay ito. At kanino naman galing?
Wala ng ibang nakasulat maliban sa 'who are you' na yan. Nilukot ko iyon at tinapon sa kalapit na basurahan

I need to change.

pagkatapos kung makapag palit dumiretso naako sa Gym kung saan nandon ang mga kaklase ko at yung coach namin.

D E S T I N YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon