Di ko akalain 💞

153 1 0
                                    

May sasabihin ako pero di ko alam kung pano sisimulan,
Kaya eto na makinig ka para di ka maguluhan.
Alam mo bang Mahal Kita lumakas man ang ulan!?
At di kumpleto ang araw ko pag di ka nasusulyapan.

Ang magkagusto sayo ay talagang di ko akalain.
Ewan ko ba pero biglang ikaw ang sinigaw ng damdamin.
Di mo man ako laging mapansin...
Sisiguraduhin kong pang matagalan kitang mamahalin!

Minsan ikaw ang laman ng aking isip...
Ay teka mali! Pati pala sa aking panaginip.
Ikaw ay pasikretong sinisilip,
Hanggang sa ang hangin ay patuloy ng umiba ng ihip.

Oo ako'y nahulog na nga sayo
Di mo alam dahil magaling ako magtago.
Ayokong Malaman mo kaya mananatili itong sikreto
Dahil natatakot ako na baka isang araw ika'y biglang lumayo...

Random poem & spoken word poetryWhere stories live. Discover now