Minsan 💔

92 1 0
                                    


Spoken word poetry...

Minsan na akong nagmahal,
Minsan na nga lang lubha pang nasaktan.
Minsan lang akong magkagusto,
Minsan na nga lang pinagmuka mo pang tanga.
Minsan na akong lumaban,
Minsan na nga lang di mo pa pinahalagahan.
Minsan naisip ko kung ano nga bang mali?
Tama nga sila, walang mali sayo dahil sinunod mo lang naman ang puso mo.
Pero minsan na rin akong nagising,
Wala nga palang TAYO dahil ang meron lang ay KAYO.
nakalulungkot isipin na minsan akong nagpakatanga,
Nag pakabulag at pipi ng dahil sayo.
Pero nakatutuwang isipin na...
Minsan akong nauntog at bumalik sa katinuan.
At ito na ang araw na iyon.
Nais kong mag pasalamat sayo.
Salamat sa di mo pag pansin sa akin.
Salamat sa pambabalewala sa akin,
Salamat. Salamat kase ng dahil don,..
May nakilala akong mas better sayo.
Kaya salamat.
At sana pag dumating ang araw
Na marealize mo lahat ng effort ko para sayo,
Di ka iiyak sa harapan ko at sasabihing...
"Sana ako nalang ulit, sana ako nalang ang may hawak ng mga kamay mo ngayon, at sana tayo nalang ulit..."
Dahil Ni-Minsan HINDI NAGING TAYO!!!☺🔫👊

Random poem & spoken word poetryWhere stories live. Discover now