kasalanan ba?😭💔

79 0 0
                                    


(Spoken word poetry)

Kasalanan ba ang mahalin ka o aking sinta?
Kasalanan ba ang kagustuhan kong mapaligaya ka?
Kasalanan ba ang umasa na mamahalin mo rin ako?
At kasalanan din ba ang suklian ako sa pag mamahal na alay sayo?
Dahil kung hindi? Handa akong tahakin lahat ng  daan...
Kung sa huli nmn ay makakapiling ka ng walang hanggan.
Pero alam kong lahat ng to ay balewala sayo.
Dahil alam ko namang imposibleng maging Tayo!.
Tawagin mo man akonh tanga? Bulag? O parang langaw?
Pasensya kana aking sinta, ikaw lang naman ang hanap ng pusong ligaw.
Bakit? Kasalanan bang mag pakatanga sa pag ibig?
Kasalanan ba na ika'y naging bukambibig?
Kasalanan ba ang magpakabulag ng dahil sayo?
At kasalanan ba na umasang magiging tayo?
Siguro nga KASALANAN pa ang lahat ng to para sayo!
Pero alam kong darating ang araw na hahanap-hanapin mo,
Ang lahat ng to pag ako na ang kusang Lumayo...
At pag ako na ang lumayo, pakiusap wag mo kong hahanapin at sasabihing...
"Huli na ba para maging TAYO?..."

Random poem & spoken word poetryWhere stories live. Discover now