I.

509 11 6
                                    

I. Denny Denny :>




Denny’s POV





Di ko talaga alam kung ano ang problema ng lalaking yun.

Este ng bakla palang yun.

Hindi naman siya ganun dati. Ang ibig kong sabihin, hindi naman siya dati bakla. Astig kaya nun. Kaso ewan ko kung bakit nagkaganun.

Nagulat na lang ako isang araw biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kumbaga sa bagyo, biglang pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility at naghasik ng lagim.

Maraming nasirang pangarap dahil sa bagyong dala niya.

At sa totoo lang, hindi ko nagugustuhan ang pagbabago niyang yun. Ang gwapo kasi niya at maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya.

At isa na ko dun. Pero sa patagong paraan. Patago ko kasi siyang minamahal.

Puso ko lang ang nagkakandarapa para mahabol ang puso niya. Palagi kaming naghahabulan kaso ako ang palaging taya =_=

Maiparating man lang nito kung anong nararamdaman niya para sa puso ni CLAUDE at kahit kailan hindi nito naiparating gusto niyang sabihin dahil mabilis tumakbo ang puso niya.

“Den!” Malayong malayo pa lang sumisigaw na sina Jasmin at Anna.

Third year na ko ngayon sa college at isa akong iskolar ng bayan. Di ko na sasabihin kung anong course kasi baka matunton niyo ko. Char. Para saan pa kung malalaman niyo kung sino ako di ba? Baka ipamalita niyo lang sa buong mundo na nagkagusto ako sa bakla. Joke lang.

“Nakita ko kanina si Claude ah. Mas babae pa yatang kumilos kesa sayo. Hahaha. Pero in all fairness, gwapo pa rin sya. Nakasilay ka na ba? Yieee!” sabi ni Anna.

-_________-

“Hindi pa nga eh. Tara na sa room baka nag-aattendance na si Miss.” yan ang palagi kong sagot sa kanila kapag nahuhuli akosa balita tungkol sa mahal ko. Para naman hindi nila mahalatang naiinis ako pag nauunahan nila.

Mula 7:30 AM hanggang 6:00 PM ang klase namin ngayon.  Tindi no? At sa buong araw na yun wala akong nakitang Claude. Hindi yata tugma ang sched namin. T.T Lumipat kayo ako sa kanila? Hahaha.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso na lang ako kwarto para magpahinga. Wala na kong energy. Feeling ko anytime mawawalan na ako ng hininga dahil hindi ko siya nakita.

Si Claude lang kasi ang nagbibigay sakin ng lakas. Ang harot di ba? Hahaha. Hanggang sa pangarap na lang yan kaya Denny itulog mo na lang yan.

Pero bago ako matulog, nagbukas muna ako ng fb. Nagbabakasakaling online siya. Syempre kapag sanay ka sa ganitong gawain, dapat alam mo kung kelan siya online. :D

Eh ano naman kung online siya? Di ko naman siya kayang i-chat.

UMAYGAHD! OL nga siya. Ano na? icha-chat ko ba?

Hindi, hindi pwede. Bakla yan teh. Lalaitin ka lang niyan na parang si Vice.

Claude Fuentes…Search

Click!

Gusto ko talagang malaman kung ano nang balita sa kanya. Napapikit ako habang kini-click ang pangalan niya.

O.o ---> ako yan nung bisitahin ko ang wall nya. Di ko pala nasabi sa inyo, stalker niya rin pala ako. Pati sa kwarto ko may picture niya ako. Wahahaha!

“Di ko siya nakita today :(”

Ila-like ko ba yung status niya???

>.<

Hindi! Baka isipin niyang masaya ako dahil hindi siya nakasilay sa papa niya.

Malungkot siya?? Oh em. Ayokong ng ganun. Pero naiintriga ako sa status niya. Sino kaya ang maswerteng GUY? Ang sagwa. Para sakin ka lang CLAUDE! Mapapaslang ko kung sino man siya!

 -ilovemYOUsic

S/He is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon