Epilogue

259 5 6
                                    

A/N: Hinga nang malalim. hahaha. Ewan ko kung anong klaseng ending tong naisip ko. Sorry, sabaw talaga ko eh. Sana magustuhan niyo.

Epilogue

Denielle's POV

 "Uy, ano na? Nakuha mo na ba?"

"Sandali lang. Hindi kasya yung kamay ko. Ah..ayaw makuha T.T" Pilit kong kinukuha yung bagay na nakapa ko kanina lang. Curious talaga ako kung ano yun. 

"Denielle, ang tagal naman. Ako na nga kukuha niyan." Sabay hila sakin ng kakambal ko.

"Watch and learn ka kapatid." Kumuha siya ng maliit na patpat para masungkit namin yung mahiwagang bagay.

At sa wakas nakuha niya rin. Biruin niyo, mukha na kaming lupa kakahukay dito sa bakuran namin.

Alam kong bata lang ang gumagawa nito. Bakit ba, 12 years old pa lang naman kami ah? Kakambal ko si Chloe kaya kahit anong laro game siya. Sorry naman, ito ang napagtripan naming laruin.

Kanina pa kami nagtretreasure hunting sa bakuran.

"Denielle, tingnan mo oh. Ang gandang box." Kumikinang ang mata ng kakambal ko habang tinitingnan yung nakuha naming kayamanan. Nilinis namin yung box at doon lang namin nakitang may nakaukit na letters C at D.

Sakto saming dalawa yung letters. Yung D para sa Denielle at C para sa Chloe.

"Ipakita natin 'to kay Mama!" Sabay naming sabi.

"Mga anak, andito na si Papa. Maligo na kayo at kakain tayo maya-maya."

Tumakbo kami papunta sa loob ng bahay nang marinig namin si Mama. Agad kaming lumapit sa kanya at ipinakita yung box. Nung makita niya yun, parang nagulat siya tapos biglang ngumiti samin.

"Nakita niyo pala 'to."

"Ano po ba yan Mama?" Atat na tanong ni Chloe. Kanina pa siya hindi mapakaling malaman ang nasa loob nun. Nakita kami ni Papa at lumapit saming tatlo. Tumabi siya kay Mama at ganoon din ang naging reaksiyon niya nang makita yung hawak ni Mama.

Binuksan niya ang box. Kinuha niya ang nasa loob nito. Dalawang singsing na parehong pareho ang disenyo tapos may papel na nakatupi. Binasa iyon ni Mama saming dalawa. Tumingin samin si Papa nang nakangiti.

"Whatever s/he is, I still can say that s/he is love. Let our love last forever." Ngumiti ulit si Mama at tumingin kay Papa. Naguguluhan kaming magkakambal sa kanilang dalawa.

"Sa aming dalawa ito ng papa niyo."

-----------------------------------------

-ilovemYOUsic :)

Thank you. Bow. Next is special update---->

S/He is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon