III.

362 6 0
                                    

III. Tiis-ganda

Claude’s POV

“Ano ba, wag mo ngang banggitin yan dito. Baka masira ang image ko. Di na matutuloy ang plano.”

“Ok.” Yan lang sabi ni Gino, kabarkada ko.

“Ang hirap na nga nitong sitwasyon ko eh. Konting tiis na lang talaga.” Sa totoo lang, ayokong gawin to pero ito na lang ang naiisip kong paraan. Pero ngayon ko lang narealize na pinahirap ko lang ang sitwasyon.

“Sino ba kasi ang nagsabing gawin mo yan? Ikaw kasi eh. Di mo na lang sabihin nang diretso sa kanya.” sagot ni Gino sakin.

“Gusto kong mapansin niya ang effort ko na kahit ano gagawin ko para sa kanya.” Iyon naman talaga ang pinakamagandang paraan na naisip ko noon. Oo, noon lang yun. Kasi ngayon pinagsisisihan ko ang planong ito.

Pag tingin ko sa harap, si Denny pala. Narinig kaya nya? Wag naman sana. Wag muna. Sobrang lapit na niya sakin. Ang bango ng buhok niya. Ano ba? Parang bading naman ako sa naiisip ko.

“Kelan mo kaya ako mapapansin?” Naibulong ko na lang sa sarili ko habang naglalakad at nakatingin sa kanya. Magkasunod lang kami.

 "Sus! Korni mo 'tol. Manligaw ka na kasi. Oh, ayan nasa harapan mo na." Sikuhin ko kaya 'to? Baka marinig ni Denny. Patay ako, baka wala na akong mukhang maiharap. Torpe na kung torpe pero ganito talaga ako.

Paano nga ba niya ko mapapansin kung bakla ako? Asar lang talaga pero kelangan ko na tong panindigan dahil nasimulan ko na. Gusto kong mapalapit sa kanya.

Sa paraang yon, pwede ko nang sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad. Muntik pa nga siyang madapa kanina sa catwalk. Mukhang nagmamadali.

Sabay kaming umakyat ng hagdan papunta sa mga room namin pero hindi pa rin nya ako pinapansin. Bago ako pumasok, lumingon muna ako sa gawi nya.

Ang cute niya! Kahit anong ayos bagay sa kanya. Keri niya lang! Ok. Nababading na naman ang salita ko. Itigil ko na kaya to? Ang sagwa talaga.

 Nauna na kong pumasok sa room ko kasi parang natigilan siya dun sa pinto. Baka kinakabahan kasi late na sya. Kinabisado ko ang sched niya para naman alam ko kung kelan ko siya pwedeng makita at makausap.

Sana ok lang siya palagi. Maya-maya, narinig ko ang hiyawan galing sa kabilang room. Ano kayang meron? Napatigil ang discussion. Lumabas ang prof namin at pumasok sa room nila. Siguro sasawayin niya dahil sa ingay nila.

+Break time+

Paglabas ko, nakita ko siya at may kasamang lalaki. Tumigil ako sa paglalakad para malaman kung ano ang pakay nun sa kanya.

Si Michael. Nabalitaan kong may crush yun kay Denny. Badtrip lang talaga! Pero wala naman akong karapatan kasi ni hindi nga nya ako kilala at lalong hindi nya ako boyfriend. Kung kaya ko lang sanang aminin sa kanya.

Maya-maya, hinila niya si Denny pababa ng building. Gusto ko sanang sumunod sa kanila dahil baka madapa siya kakahila ni Michael. Kapag nangyari yun, sasapakin ko siya.

Dahil hindi ako mapalagay, sinundan ko na sila gaya ng binabalak ko kanina. Hindi ko matiis dahil baka magkatotoo ang iniisip ko pero pagbaba ko, wala na sila.

Ganun ba kabilis tumakbo si Michael? Grabe, baka mapano si Denny. Nakakainis! Wala akong ibang nagawa kundi mainis.

"Uy, Claude. Anong meron?" Tanong ng isa niyang kaklaseng babae nang makita ako. Si Lorraine na kaibigan niya rin.

"Ah, wala teh. Asan si Gurlie?" Sabay ayos ko ng buhok. Ang hirap magpanggap sa harap nila.

"Ah, si Denny ba? hahaha. Ikaw ha. Huwag ka nang magpanggap. Nasabi na samin ni Anna. Huwag kang mag-alala, kakampi mo kami." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hay, buti naman. Ang hirap umarte! Salamat. Aasahan ko ang tulong niyo." Sabi ko kay Lorraine.

"Gusto mo siyang makita? Kasama kanina ni Michael. Lagot ka, baka maunahan ka nun." Kinabahan ako sa sinabi niya.

"Bakit? Nanliligaw na ba sa kanya yun?" Napa-closed fist ako.

"Ahm, parang ganun na nga. Nagsabi rin kasi samin yun na crush niya si Denny." Walang buhay sa sagot ni Lorraine. Pagkatapos nun, napatakbo ako papuntang canteen.

Pagpunta ko dun, nakita ko silang dalawa na nag-uusap. Nakayuko si Denny tapos minsan tinitingnan niya si Michael. Nagseselos ako habang pinapanuod silang nagtatawanan. Mukhang nauunahan na niya ako.

Asar talaga! Hintayin mo lang na maging lalaki ulit ako at itutumba kita. Mwahahahaha (evil laugh)

 -ilovemYOUsic

S/He is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon