XIII.

214 3 5
                                    

XIII.

Now Playing: Just So You Know ------------------------------>

Claude’s POV

“I shouldn't love you but I want to

I just can't turn away

I shouldn't see you but I can't move

I can't look away.”

Ilang beses ko nang gustong sabihin sa’yo ang nararamdaman ko pero lagi akong nawawalan ng lakas ng loob. Sa tuwing makakasalubong kita, yumuyuko ka.

Gustuhin man kitang batiin, inuunahan ako ng takot na baka hindi mo ako pansinin. Sa totoo lang, ilang beses na rin akong sumuko pero hindi kita kayang pakawalan nang ganun lang.

Mahal kita eh.

“And I don't know

How to be fine when I'm not

'Cause I don't know

How to make a feeling stop.”

Nang malaman kong pinopormahan ka ng Michael na yun, sobra akong naaasar sa sarili ko. Pigilan ko man ang sarili ko, hindi ko kayang makita kang kasama niya. Hindi pwede!

“Just so you know

This feeling's takin' control

Of me and I can't help it

I won't sit around

I can't let him win now

Thought you should know

I've tried my best to let go

Of you but I don't want to

I just gotta say it all before I go

Just so you know”

Hindi ko kayang panoorin kayong dalawa na magkasama. Ako dapat yun eh.

Ano man ang maging desisyon mo pagkatapos nito, tatanggapin ko nang maluwag sa dibdib. Hindi ko lang talaga kayang itago ‘to habangbuhay.

“It's gettin' hard to be around you

There's so much I can't say

Do you want me to hide the feelings

And look the other away

And I don't know

How to be fine when I'm not

'Cause I don't know

How to make a feeling stop”

Ang pagpapanggap na bakla lang ang naisip kong dahilan para maging close tayo. Pero nung naging bakla ako, parang mas naging mahirap ang sitwasyon. Inisip mong bakla nga talaga ako. T.T

Hindi talaga ako ok sa patagong nararamdaman ko sa’yo Denny.

“This emptiness is killin' me

And I'm wonderin' why I've waited so long

Lookin' back I realize it was always there

Just never spoken

I'm waitin' here

Been waitin' here”

Nung makita ko kayo kanina ni Michael sa wedding booth, biglang sumikip ang dibdib ko. Ang hirap palang huminga kapag hindi kita kasama. At mas mahirap huminga kapag siya ang kasama mo.

Parang mamamatay ako sa nakita ko.

Ang tagal ko nang naghihintay sa pagkakataong ‘to at hindi ko na ito papalagpasin.

Nang matapos ko ang kanta, hinawakan ko ang kamay niya.

“Denny, alam kong masyado akong mabilis. Pero gusto ko pa ring itanong sa’yo ‘to…

…pwede ba akong manligaw?”

.

.

.

O.O

.

.

.

Ano na Claude?

Hindi pa rin siya sumasagot.

Hindi rin siya makatingin nang diretso.

Ibig bang sabihin

BASTED AKO T.T

Gusto ko nang mamatay!

S/He is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon