Chapter 3

24 1 0
                                    

Sabia's POV

Pagbaba ko sa kotse noong hambog na lalake ay dumeretcho agad ako sa loob ng Café.  Ano nga ba ulit yung pangalan nya?

Jack Gusing? Yeah! I think that's it. Well, I don't care! 'Wag lang talaga ulit magku-krus ang landas namin kung hindi babangasan ko talaga siya! Akala niya madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya?! Pwes! A BIG N-O! NO! Bungalan ko pa siya! Tignan natin kung makangiting aso pa siya! Naku! Naku! Nangigigil talaga ako sa lalakeng iyon.

Tumawag ako sa bahay kanina nagba-baka sakaling may sasagot kahit isa sa mga kaibigan ko para magpapasundo nalang sana ako dito. Kaso walang sumasagot, meaning, wala pa sila sa bahay. Ayoko naman sila tawagan sa personal number nila para lang magpasundo.

Naisip kong 'wag munang umuwi dahil hindi pa naman sila umuuwi. Wala din akong kasama sa bahay. Kaya papasyal muna ako. Kahit pilay ako, walang pakakapigil sakin mamasyal.

Lumabas ako ng Café at sumakay ng taxi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng mapansin kong parang dinaanan na namin 'to kanina. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mayghad! Saan ako dadalhin ng driver na 'to? Baka matulad ako sa mga sinasalvage.

"K-kuyang driver! Saan mo ako dadalhin ha? Paikot-ikot tayo! Dinaanan na natin 'to kanina ah!" Sigaw ko sa driver.

Pasimple kong kinuha ang pepper spray sa bag ko. Magagamit ko na rin 'to sa wakas. Kailangan kong maging handa baka mamaya kung anong gawin sa akin nitong driver na ito. Mahirap na!

"Kasi Maam! 'Di niyo naman sinabi kung saan tayo pupunta." Naweweirduhan na sagot sakin ng driver. Napatingin pa 'to sa hawak kong pepper spray at napapailing. Agad ko namang tinago ito sa bag.

Pakiramdam ko napahiya ako! Sabagay totoo naman. Panay ang tanong niya kung saan ako ihahatid kanina. Ang palagi kong sagot 'dyan lang'. Kasi 'di ko talaga alam kung saan ako pupunta.

Anong oras na ba? Tinignan ko ang relo ko at nakitang mag-aalas-diyes na pala. Siguro nasa bahay na ang mga iyon. Makauwi na nga lang.

"Manong, pahatid po sa village." Sabi ko sa driver.

"Saang village Maam?" Tanong ng driver sa akin.

"Dyan lang." Sagot ko. Nagulat na lang ako ng biglang nagpreno si manong driver.

"Maam naman!" Kumakamot sa ulo na sabi ng driver sakin. Napipikon na ata.

"Sa High Street Triangle Village, manong! Ito naman di mabiro. He-he" Alanganin kong tawa. Baka mamaya pababain pa ako  nito sa gitna ng daan. Kamusta naman yun!? Pilay pa naman ako.

Huminto ang taxi sa tapat ng bahay. Inabot ko ang bayad at bumaba agad.

Maaga pa kaya nakapasok ako sa bahay kahit walang dalang susi. Gising pa yung tatlo at pagpasok ko naabutan ko silang nanunuod ng isang tv series. Dadaanan ko na lang sana sila kaso mabagal ang paglalakad dahil paika-ika ako.

Lalagpasan ko na lang sana sila kaso dahil sa nangyari sa paa ko, paika-ika akong naglakad sa harap nila.

"Sam, what happened?" Rinig kong tanung Tia.

Ayan na ang mga imbestigador ng bayan.

"Ha?" Pakunwri kong sagot. I know they referring to my feet.

"'Yang paa mo." Sabi naman ni France.

Eto na umpisa na ng imbestiga nila.

"Care to tell us kung bakit ganyan kang umuwi, Sam." Sabi ni Tia habang nakatingin sa may benda kong paa. Hindi iyon isang tanong pero isang payak na pangungusap na naghahangad ng ekspalansyon.

Sexpedient CarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon