Sabia's POV
Papasok ako sa trabaho ngayon. Feeling ko babagsak ang talukap ng mga mata ko. Ilang araw na akong ganito. Haaay buhay.
"Abi?" Narinig kong tinawag ako ni manager kaya nilingon ko siya.
Kita ko ang naging reaksyon niya ng makita ako, nanlaki ang mata nito at napahiyaw pa. May mali ba sa itsura ko?
Naglakad ako palapit sa kanya na parang zombie. Napa-atras pa ito sa paraan ng paglakad ko. Natakot ata.
"Jusko Abi! Ikaw ba yan?" Eksahiradang sigaw nya sakin. Yung tipong parang hindi makapaniwala. Bakit? Anong meron?
Hindi ko siya sinagot. Tinitignan ko lang siya habang patuloy siyang nagdadadada. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya. I mean nila. Kanina kasi sa bahay habang kinakausap ako ng mga kaibigan ko ni isa sa mga sinabi ni ay wala akong maintindihan. Parang hindi nagpa-process ung utak ko ngayon. Feeling ko pagod na pagod ako.
"Hoy bruha! Okay ka lang ba? Mukha kang kinapos mag-evolved na zombie." Sinisigawan niya na ako pero wala akong lakas para okrayin siya. Kinapos talaga? Siya nga, muhkang evolve na evolve na talaga!
"Yung totoo Abi! Naka-drugs ka ba?! Gumagamit ka ba ng droga ha! Sumagot ka!" Sigaw niya habang niyu-yugyog ang balikat ko. Ang OA din minsan nito eh! Sarap sapakin!
Ganun na ba ako kalutang at bangag ngayon? Pagkamalan ba naman akong addict! Nitong mga nakaraang araw kasi kinukulang ako sa tulog. Hindi ako makatulog ng maayos. Gabi-gabi kasi napapanaginipan ko ang lalaking yun. Lalo na yung eksenang hinalikan ko siya! Nanaginip pa ako ng ano... na... yung... ano... ganon... nag-ganon kami! Argh! Basta yun! Para sakin bangungot yun! Kaya ito ako ngayon, ipon na ipon na ang eyebags. Kung titignan mo nga naman ang itsura ko ngayon, pagkakamalan talaga akong addict.
Naalala ko ang mga eksena kanina sa bahay. Si Madz, kita ang gulat sa mukha niya ng pinagbuksan ko siya ng pinto ng kumatok ito sa kwarto ko. Bumungad ba naman sayo ang isang magulo ang buhok, gusot ang suot, at bangag ang mukha; aba! Sinong hindi magugulat? Kalaunan pinagtawanan niya ako na parang wala ng bukas. May pahiga-higa pa habang pinapalo ang sahig. Muntanga lang! Ayaw niya na daw magbar at baka matulad pa sa itsura ko. Akala niya dahil sa bar. Hindi niya alam dahil sa lalaki! Pati si France, na nabitawan ang hawak na baso ng makita ako sa kusinang nakatayo sa pinto. Akalain ba namang multo daw ako? Nagsisisigaw pa! Baliw lang. Buti pa si Tia! Inayusan ako at nilagyan ng make-up ang mukha ko. Wala kasi akong lakas para mag-ayos kanina. Siguro sa sobrang awa niya sa itsura ko kaya nagpresinta siyang ayusan ako. Pero maya-maya sabi ba naman, "Sammy, hindi ata makuha sa make-up ang itsura mo ngayon." Malumanay pero iba eh! Iba ang dating sakin. Aba! Katindi naman, pati make-up hindi tumatalab sa eyebags ko.
This is all his fault!! Argh! Kaasar talaga!
***
Jacques Austin's POV
I wear the darkest shade of my sunglasses for today. It doesn't matter, its daylight. And I just need it!
Pumasok ako sa office ng Dad ko. Ako ang pansamantalang papalit sa kanya to manage our company here. He's in Europe for our business. Anyways, this will be my company in the future. It also served as my training ground.
I get shock when the telephone beside my table ring. I answered it immediately.
"Yes?" Tanong ko.
"Ah Sir, your friends are h-here." It's my secretary. Alanganin pa itong magsalita dahil kabilin-bilinan ko sa kanyang na kapag may naghahanap sakin lalo na kapag kaibigan ko sabihin na wala ako. I don't want to show my face right now.