<3 GPU *31*

469 4 16
                                    

<3 GPU *31*

_______________________________________________________________

Eto na! This is it! Araw na ng paghuhukom. ahaha..

Mantakanin mo yun?! 4 palang ng umaga gising na ako! Ganun ako ka excited sa contest! Habang naghihintay akong magising ang mga tao sa bahay namin lumabas ako at nag jogging muna. Nakaka 20 minutes palang ako hinihingal na agad ako. Ewan ko ba. hindi talaga tumatagal ang katawan ko sa takbuhan. Kaya nga halos mamatay matay ako kahapon sa pag akyat hanngang rooftop eh.

Di naman ako nakalayo sa bahay. Pabalik balik lang kasi ako eh. Mula sa playground malapit samin pabalik sa bahay ang ginawa kong jogging. Ayos diba?

"Anak, Aga mo atang nagising."

"Haha.. excited ma eh." sagot ko dito at umupo sa sofa.

Si mama tuwing five gumigising para ipaghanda kami ng almusal namin. Sya narin yung taga gising samin.

"Good luck anak ha?" sabi ni mama at nilapag ang hinandang almusal para sakin sa lamisita.

Ngumiti ako kay mama. "salamat po ma! Mananalo po ako para sa inyo!!"

Kanino ba talaga Lala? sa mama mo oh kay Sky??

eeee.. silang dalawa na.. haha

"Hahabol nalang kami dun ng mga kuya mo anak ha. Sobrang aga nyo kasi kelangan nandun eh. Atsaka 7 pa papapasukin ang mga audence." sabi ni mama at humigop ng kape nito.

"OK po. Mga after 6 dadating na po si Sky para sunduin ako." kelanagan kasi naming magsabay. Alam mo na. Baka magkawalaan at saka partner kami.. helloooo.. Ayyyeeeeeiii.. lumulusot pa eh.. ahahaha

"Alam mo anak gusto ko si Sky!"

"NAko naman mader! Wag mong sabihing makikihati kapa sakin?!"

"Hindi no. Ano kaba. Gusto ko sya as a person. Gusto ko syang maging kaibigan mo."

"Ehh son-in-law mama ayaw mo?"

Pinalo ako sa braso ni mama. "Kaw bata ka! Kebatabata mo pa son-in-law na agad nasa isip mo!"

"To naman oh. Dun din naman kami papunta ni Sky ma eh."

Open ako sa mama ko. alam nyang gusto ko si Sky. Wala namang problema yun kay mama basta wag ko lang daw pababayaan pag aaral ko. 

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay naligo na ako at nag prepare. Uniform parin yung susuotin ko kahit sabado ngayun. syempre kasi nga diba kami yung representative ng school namin.

"Ready kana bunsoy?" tanong ni Kuya loyd sakin.

"Asus. ako pa tinanong mo!"

"Yabang!" sabi ni Kuya Lee.

"Walang badvibes please!" sabi ko sakanila. ayoko ng asaran ngayun. Gusto ko GV ako para masaya! ahaha..

Maya maya dumating na si Sky. Ayeeeeeeeeii ang gwapo ng Skybebe ko sa umaga. Mas masarap pa to sa agahan ko kanina. ^____^

"Hijo, Kain ka muna." yaya ni mama dito.

hmmm.. nag nakakafeel na ako dito kay mama ha! hahahaha

"Di na po ma'am. Thanks nalang po. Kelangan na po kasi naming umalis." tanggi nito.

Girl Pick-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon