<3 GPU *18*

462 5 12
                                    

<3 GPU *18*

__________________________________________________________________________

( Sky Simon )

Esssh.. asan na naman ba yung babaeng yun?? 10 minutes na akong nagihintay dito sa lab pero wala parin sya. Excuse naman sya sa Math subject ah! Kakainis talaga yung Lala'ng yun..

Sa lahat ng ayaw ko yung pinaghihintay ako! My time is precious! Sa 10 minutes na to marami na akong ginagawa dapat. Inis! Bakit kasi palagi syang late?! Palibhasa wala yung iniintindi sa mundo.

Maya maya nakita ko sa bintana ng lab ang best in late na tumatakbo.

"Hala! sorry I'm late!" hinihingal na sabi nito at pumasok na sa lab at nilagay ang bag sa table.

"Your always late.."

"sorry na nga diba?"

"Anong magagawa ng sorry mo? Mababalik ba nyan ang oras ko na sinayang mo!"

"Hindi.." nakayukong sabi nito.

"pssh.. o sige na mag start na tayo." sabi ko nalang para di na humaba ang discussion.

"ay teka.." hinawakan nya braso ko.

"Kumain kana??" nakangiting tanong nito.

"Hindi pa.. After the this."

"ay ganun.. Kawawa ka naman. Ahm.." Lumapit ito sa bagpack nito na nakalagay sa table. May inilabas itong topperware at binukasan ang cover nito. Iniharap nya yun sakin. "Kain ka muna bago tayo magsimula. Mahirap na baka malipasan ka." *ngiti*

Tinignan ko yung pagkain. "No thanks."

"Ayy.. Sige na, Sky. Kumain kana muna. Baka mamaya bigla kang gutumin, Di maganda sa katawan yun." pilit nito sakin.

"Hindi na nga!"

"eee.. Kumain ka! Sige na! Ikaw rin baka magka ulcer ka. Masakit sa tiyan yun. tsk tsk."

Ang kulit talaga ng kutung lupang to.

"Ok ok! Fine!" pagpayag ko. ang kulit. siguradong di ako titigilan nyan pag di ako kumain.

"YEY! Good boy." masayang sabi nito at inilapag sa mesa ang pagkain..

May pagka adik talaga tong kutung lupang to.

Umupo ako. hmm. mukhang masarap to ah. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Eto oh!" sabi nito at inabot sakin ang spoon and fork. Inabot ko naman yun.

"san mo nakuha to?" tanong ko.

"Ahh.. jan lang."

"Hindi ako kumakain ng mga pagkaing jan jan lang.."

"Ang arte.. Binili ko yan." sagot nito.

"Wala ba naman tong lason? Gayuma o what?"

"Ano!? Baliw. Wala no. Di na kaylangan yang mga gayuma gayuma na yan no. Kaya kitang makuha ng sarili kong sikap."

"Ha?! Ano?!" naguguluhan kong tanong. Anong pinagsasabi ng isang to? Baliw na ata to eh!"

"Ha! ahh.. ehh. hehe.. wala wala. Don't mind me. Kain kana. GO!"

"Sigurado ka ha!"

"Ang kuleet??"

"I'm just making sure." sabi ko at tumusok na ng pagkain.

Hmmm.. ansarap nga talaga.

"Sarap noh?" tanong nito.

"OK lang."

"Asus kunwari kapa."

Di na ako sumagot. Kumain nalang ako.

Nakakailang lang na nakakatitig sya sakin habang kumakain ako.

"Wag ka ngang tumitig jan!"

"DI ako sayo nakatitig. sa pagkain."

Napatingin ako sa pagkain ko.

"Hingi.." sabi nito na parang bata.

"Yoko nga! Bili ka ng iyo!"

"Hala! Akin kaya yan! Binigay ko lang sayo!!" aakma itong aabutin ang pagkain pero nilayo ko yun.

"Andamot mo! Hingi ako!" sabi nya.

"Bili ka ng iyo! akin nato! Binigay mo na to sakin! Pagbinigay na di na pwedeng bawiin!"

"kfine." sabi nito at nangalumbaba.

"Damot damot.." bulong nito.

"Ano yun??"

"Wala.. sabi ko enjoy your eating.." sabi nito at tinugtungan ng "mabilaukan ka sana.." mahinang sabi nito pero nainig ko.

"Ano?"

"Wala.." tumayo ito at lalabas ng lab.

"Hoy san ka pupunta!"

"Sa puso mo.."

nagulat ako.

"Hehehe.. joke lang.. Di ako kakasya jan. Bibili lang maiinum mo. Baka mabilaukan kapa jan." *ngiti* at umalis na ng tuluyan.

Anong nangyayare sakin? Bakit ako nagugulat? sa tuwing binabanatan nya ako or sasabihan ako ng mga sweet word, nagugulat ako. Napapatigil ako. Tapos parang lumalakas kabog ng dibdib ko. Nakakainis. Parang ewan. Bakit kasi sya ganun. Lokong kutung lupa. At saka habang tumatagal ko syang nakaksama nagiging magaan na yung loob ko sakanya. Nagiging kompotable na ako sakanya.

++++

Nakabalik na si Lala at may dala itong dalawang plastic bag.

Natapos na rin akong kumain.

Nilagay nya yun sa mesa at inilabas.

Dalawang Coke in can isang mineral water at isang nasa styrofoam. Pagkain ata ang laman.

"what's this??" tanong ko tukoy sa styrofoam.

"styro.."

"esshh.. I mean what's inside it?"

"Food.kakain rin ako noh. Baka magutom ako. MAhirap na. Di lang ikaw may karapatang kumain ng lunch." sabi nya sabay abot ng water sakin

Inibot ko naman yung tubig. "Di kapa kumakain? Tapos bumili ka na nga pagkain para sakin?"

"Ah.. wala lang.. Di pa kasi ako gutom kanina.. oo di pa ako gutom kanina." sai nya sabay bukkas nung styro.

"Di naman yan pang lunch eh." sabi ko. Manggo float kasi yung laman nun. Nakakabusog ba yun?

"on diet ako eh.."

 "Ang weird mo!"

"Anong namang weird sa pag dadiet--"

"Sky??" putol ng kung sino sa pagsasalita ni Lala.

"Kara.." mahina namang sabi ni Lala.

Magkakilala sila?? Pano?? Bakit di ko alam na magkakilala sila??..

====================================================================

 note: 

Vote? comment kung di ka po busy.. XD

Thanks for reading XD

Girl Pick-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon