<3 GPU *two*

902 14 7
                                    

♥  GPU *two*

___________________________________________________________

"ANAK!! LALA!! GISING NA!! TANGHALI NA!! MALE-LATE KA NANAMAN!!"

*bugs bugs bugs*

aaahh.. anu ba yan.. natutulog pa yung tao eh.

Mama ko yun. Siya alarm clock ko. Araw-araw sya sumusigaw sa labas ng kwarto ko para gisingin ako. Araw-araw rin nya dinadamba ng pagka OA OA ang pinto ng kwarto ko. Tulog mantika kasi ako. Hirap gisingin. Kaya kelangan talaga mag effort kung effort pag gigisingin ako.

"ANAK!! SIGE NA TUMAYO KA NA JAN!!" sigaw parin ni mama.

Di yan titigil hanggat di ako nagbubukas ng pinto kaya napilitan nalang akong tumayo na parang zombie at naglakad papunta sa pinto. I opened the door.

"Good morning, Lala anak!!" with all smile na bati ng mama ko.

Parang walang nangyareng sigaw sigaw effect noh. Bati agad.

"Morning, Ma." sabay kiss sa pisngi ni mama.

"Kumilos kana, malalte kana, ha?!" then tumalikod na sya.

Ganun na nga ginawa ko. Naligo ako, nagbihis at bumaba na. Dumiretso na ako sa kusina. Nagugutom na ako eh.

"Bunsoy!"

"Hi bunsoy!"

"Bunsoy, kain na."

"Morning bunsoy!"

Mga kuya ko. Bunsoy tawag nila sakin obvious naman siguro kung bakit, ano? Ako lang ang nag-iisang babae saming magkakapatid.

"Morning!" masaya kong bati.

Umupo na ako sa upuan ko. Tinignan ko ang mga nakahapag sa mesa namin.

hmmm.. may hotdog, egg, loafbread, fride rice, gatas, kape, somai at MAGGO FLOAT???

"Hala! Aga-aga maggo float agad??" gulat kong sabi. Alam ko na kung kanino yan.

"Wala ngang pakealamanan, bunsoy!" sabi ni Lenard.

Tawanan naman sina Kuya Loyd at Kuya Lee.

"Baliw ka talaga! ewan ko sayo. ang weird weird mo! manggo float?? breakfast?? anu yun?"

"heh!" yun lang sagot nya at inirapan ako.

"Chos! may pa irap-irap ka pang nalalaman ha! Kuya Loyd bakla si Lenard!!"

"Anong bakla! Sapakin kita jan eh!"

"Hahaha! Lenard??! "sabi ni kuya Lee at ngumiti ng nakakaloko.

"Isa kapa! Sapakin ko kayo eh!" asar ng sabi nito. Tumayo ito at padabog na iniwan ang kusina.

"Pikon!" sigaw ko.

"Shut up! dafuq!" walang lingong sigaw nito.

"Hahahahahahahahaha!" sabay namaing tawa ni Kuya Lee nag apir pa kami.

Ganito lang kami araw-araw. Kulita, asaran, talo ang mapikon. Pagdating sa asaran walang pakundangan hanggang sa may mapikon. Pero ok lang yan, maya maya cool na yan. MAhal na mahal ako ng mga kuya kong to. Palagi akong pinagtatanggol kahit kanino kahit ako pa may kasalanan. At ganun din naman ako sakanila. KAhit mga baliw tong mga kuya ko, ok lang. Masaya sila kasama. Yun daw yung masaya kasama eh. yung may sayad. hahaha. palaging happy.

Girl Pick-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon