HAZARDOUS ACADEMY: SCHOOL OF REBELS
CHAPTER 7BLYTHE'S POV
"Hey, Blythe! Kanina ka pa tulala dyan. Ano ba yang iniisip mo?" sita sakin ni zinnia.
Nagspace na pala ako, I sighed.
Si Scarlett? Nasaan kaya yon? Bakit wala pa? Tapos na yung class nya pero wala pa sya ano kayang nangyari dun.
"Bwisit!" speaking of Scarlett here she comes.
"San ka galing?" Tanong ko habang siya ay galit na umupo sa upuan sa harap ko,
Lumipas ang ilang minuto ay tahimik parin kaming naka-titig kay scarlett na nakadukdok sa lamesa.
"Scarlett?" tawag ko sakanya pero nakadukdok parin siya sa lamesa. Ano bang nangyari at ganito ang inasta ni scarlett di ako sanay na ganito sya.
"Scarlett White" pagtawag ko sa buo nyang pangalan ilang sandali ay dahan dahan nyang inangat ang kanyang ulo and tears started to stream from her eyes down.
"Blythe," mahinang nyang bulong pero sapat na iyon para marinig ko.
Alam ko kung bakit nagkakaganito siya dahil sa walang kwentang lalaking yun. Binalaan ko na siya dati pero di parin siya nakinig mas pinairal nya pa ang puso kaysa sa utak pero di ko siya masisi minahal nya ng sobra sobra yung lalaking yun. I sighed for the second time.
Tumayo ako sa aking inuupuan upang puntahan si Scarlett at niyakap.
Sinulyapan ko saglit sila Zinnia, mukang naguguluhan si Yesha dahil nakakunot ang kanyang noo at si Zinnia naman napapailang nalang marahil alam nya na kung bakit nagkakaganito si Scarlett.
Humarap ako kay Scarlett at hinimas ang kanyang likuran.
"Hush, don't cry." sabi ko habang hinihimas ko parin ang kanyang likuran.
Masayahin na tao si Scarlett, parang happy go lucky sya pero sa loob loob nyan sobrang nasasaktan na yan. Pinipilit nya lang maging masaya kahit masakit na, Ayokong ayoko ang nakikitang siyang umiiyak ng dahil lang sa walang kwentang lalaking yun.
Kinabukasan
Napagdesisyonan namin na magsabay-sabay dahil pare-parehas naman kami ng first subject for this day.
"Faster!" inis kong bulyaw sa mga kasama ko paano ba naman ang bagal mahuhuli na kami sa first class namin.
Naunang lumabas si Yesha galing sa kwarto nya,
"Sorry, Blythe." sabi niya habang nakayuko.
"It's okay."Ang tagal naman ng dalawang yun.
"Scarlette! Zinn!" I hissed."Coming!" the both of them shouted in chorus.
Pagkatapos pa ng ilang mga minuto ay lumabas na din sa wakas ang dalawa, nauna si scarlett at sumunod naman si Zinn.
"Finally." I said in relief. Nang makalapit na sila, Agad na kaming lumabas sa dorm namin at agarang pumunta sa building kung saan ang aming unang klase para sa araw na ito.
6:50 na at 7:00 ang start ng klase ang bagal kasi ng dalawang ito. 10 minutes to go. Di ko alam kung makakaabot pa kami dahil medyo may kalayuan ang Building Z.
YOU ARE READING
Hazardous Academy: School of Rebels
Misteri / ThrillerShe's confused She needs answers Entering this academy will change what she knows Will change her life But will that change will cost a life? Who knows. ON-GOING