Moments? Or a bummers?

17 0 0
                                    

Chapter 13: Moments? Or a Bummers?

Nicker's POV

Nandito ako ngayon sa usual spots ko gaya ng dati nakahead set na naman ako pero patay. At kung bakit? Wala lang.

At dahil cool ako.

Naglalakad ako habang nakapamulsa. Kunwari nakikinig ng music pero ang totoo inoobserbahan ko sila.

Like before marami na naman nakatingin sakin. Di pa ba ako masanay?

Kahit ano naman sama ng tingin ko wala din tsss wag lang sila lalapit sakin baka di ako makapagpigil masapak ko pa sila.

And then habang naglalakad ako may nakita akong magandang eksena. Nakita ko yung babaeng nagtaray sakin nitong last JS Prom namin. Kasama yung kambal nya. Tapos may inaaway syang babae na mukhang mga bangkay na binuhay dahil sa nasobrahang make-up nila sa mukha.

Yung amazonang babaeng ano nga ba ulit ang pangalan nya. Yame? Oo Yame yun yung sabi nung kakambal nya e.

Dahil sa natutuwa ako pinanuod ko muna sila. Tumayo ako sa gilid at sumandal sa pader.

"Hoy anong karapatan mong makielam dito huh???Hindi porket siga ka dito pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo pati samin!" Sigaw nung leader ata ng the zombie girls. Yan na lang tawag ko sa kanila gaya nga ng sabi ko mukha silang bangkay na binuhay.

Nagcrossed arms naman si basagulerang babae. At tumaas ang kilay. "Tss! Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha babaeng mukhang bangkay na binuhay??? At ikaw sino ka naman para pahirapan ang mga kawawang estudyante dito huh?!!" Ma-awtoridad nyang sabi.

Wow....

Impressive

parehas na parehas talaga sila ni bunso.

I'm sure kapag nagsama ang dalawang to magkakasundo. I unknowingly smiled At the thought of that.

"Ikaw porket isa ka sa student council, o pinsan ka ni Troy eh mayabang kana. Di hamak na mas maganda ako sayo!" -zombie leader

"Wow really? San mo ba hinugot yang mga pinagsasabi mo? Di ko nga alam kung bakit ikaw yung napili ng pinsan kong makadate. Tss siguro nga dahil wala na sya mayayaya nagtiis sya sa pangit na tulad mo! At FYI eto tatandaan mo hindi porket isa ako sa student council eh mayabang na ko. Ang pinakaayoko sa lahat ang mga pangit na ugaling tulad mo! Kawawa naman si Troy at pinagtyagaan ka nya. Tss. Poor him!"-amazona

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan! FYI din hindi nya ko pinagtyagaan! Bwisit ka!" Galit na sigaw ni leader zombie.

"Really? Gaano ka ka-sure?" Pangasar ni amazona sa kanya.

"Y-you!!!"Pero dahil matigas ang mukha ng mga zombie girls na to. Di sila nagpatalo. Sa inis susugod na sana sila kay amazona girl pero napapigil ng.

"Subukan nyong lumapit na tatlong mga zombie kayo! I wont hesitate to ripped your stupid ugly face out with my beloved Katana." Banta ni amazona habang hinahanda nyang ilabas ang Katana nya.

Wow talagang maangas talaga tong babae na to.

-/smirks/-

Napasabunot naman sa inis ang tatlong zombie. "GRRR. May araw ka din sakin amazona ka!!!At kayong mga inggitera kayo pasalamat kayo! Arghhh!" Sigaw ni leader zombie sa mga binully nya ata kanina. Nagtago lang sila sa likod ni amazona. Pagkatapos lumingon naman si leader zombie sa mga kapwa nya zombie. "TARA!!!" Iritang sigaw nya sabay walk out.

Nagsmirked naman si Amazona. "Tss mga walang binatbat tss."

"Ate...ah I mean Yame naman-" nagsalita yung good kakambal ni amazona kaso hindi na nya pinatapos war freak talaga.

Unforeseenly Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon