Chapter 1: Meet the jerk
Before- naalala lang ito ni Dhanie okay. Flashback
Author's POV
First day ng klase sa mga graduating student ng elementary . It means nahalo halo na naman ang ibang studyante sa bawat seksyon.
Nanahimik na nakaupo si Kyle Drew Amaro ng may biglang lumapit sa kanyang babae.
"Hi gusto kita." Sabi ng isang grade six elementary na batang babae na mukhang bagong classmate nya. Singkit , Maputi, maganda at may mahabang buhok na curly sa dulo.
Nagulat naman ang lalaki sa sinabi nito. "Ay, girl sorry. Lalaki din kasi ang tipo ko eh." Sagot nya sabay ngiti.
"Huh? Lalaki? Ibig sabihin. Bading ka? Omo eh. Ang gwapong bading mo naman haha." Tawa ng batang babae. "Saka wait bakit yan yung sagot mo? Eh ang ibig sabihin ko lng naman dun. Gusto kita means gusto kitang maging kaibigan." Pagpapaliwanag nya sabay tawa uli
"G-ganun ba? Sorry naman akala ko kasi isa ka sa mga babaeng may gusto sakin eh." Sabi ni drew na napakamot na lang sa ulo nya.
Natigil sa pagtawa ang batang babae."Eh? Ako? Napagkamalan mo may gusto sayo? Impossible yan eh pusong lalaki kaya ko. By the way,I'm Dhaniella Nickel Amarticio. But you can call me Dhanie, Ikaw?" Pagpapakilala ni Dhaniella.
Dhanie pronounce as Deyni para malandi haha joke.
"Huh? Ibig sabihin tomboy ka?sayang naman girl. Anyway ako nga pala si Kyle Drew Amaro. You can call me Kyle for short. Nice to meet you Dhanie." Nakangiting sabi ni Drew.
"Talaga, friends na tayo?" Masayang sabi ni Dhanie at inilapit ang mukha kay Drew na napaatras na lang.
"Ugh, Dhanie anu ka ba masyado ka atang m-malapit. Tsaka oo friends na tayo." Nangangatal na sagot ni Drew.
Natatawang lumayo naman si Dhanie. "Yay, thanks Drew!" Sigaw nya at sabay niyakap ang nagulantang na si Drew.
"Okay , okay na. Tama na yakap nakakadiri na saka Kyle ayoko ng Drew masyadong manly. Di bagay sa beauty ko." Sabi ni Drew
Nagpout naman si Dhanie. Kaya naman lumabas ang pagkacute nito lalo. "Eh bakit ayaw mo mas bagay nga sayo eh. Basta Drew na tawag ko sayo." Pagpumilit nya.
"Okay okay whatever!"
End of reminiscing. Back to present.
Dhanie's POV
Haist. Naalala ko na naman pala yung dati kung pano ko nakilala ang bestfriend kong bakla haha.
Oo bakla at yun nga si Kyle Drew Amaro. Gwapong bakla. Tsss.
Sabi ko matapos ibalik yung unang picture namin dati sa blue vintage box ko at inilagay to sa ilalim ng kama ko.
Sayang talaga yung baklang yun gwapo sana eh juding lang.
Oopss wait lang huh di ko sya type hanggang magbestfriend lang kami nuh.
Baka kasi isipin nyo may gusto ako sa kanya.
Wala nuh. As in WALA.
Saka ASA pang mahulog sakin yun. Eh mas malandi pa nga sakin yun eh
And me? Boyish ako nuh! Di ko trip mga lalaki ewan ko ba. Kaya siguro nilapitan ko sya dati kasi baka naramdaman ko agad na alam nyo na may pusong babae sya. -___-
Anyway fast forward na nga tayo. Nakalimutan ko may lakad nga pala kami ng isa pang bestfriend ko.
Sya si Ashaia Shayne Andrade. Shaia for short. (Ashaia pronounced as Ashaya.)
BINABASA MO ANG
Unforeseenly Complicated Love
RomancePaano kung biglang dumating ang LOVE ng di mo inaasahan? Biglang tumibok ang puso mo sa maling tao oras at panahon? Tatanggapin mo ba? O Hindi? Kasi ako at ang mga kaibigan ko hindi din namin alam eh. Dahil... Kami ay nasa sitwasyon ng.... . . . . ...