Meet Mr.cassanova and Mr. Hyper virus

49 4 0
                                    

Chapter 2: Meet Mr.cassanova and Mr. Hyper virus

Still Dhanie's POV

Matapos ang madramang pangyayari kanina nagsimula na kami maghanap ng magiging dress namin for the JS Prom next week.

"Sorry na Dhanie. Hindi ko naman alam na bibili kayo ng dress for that JS eh. Sabi mo kasi date eh." Pagmamaktol ni Bakla. Shonga talaga naniwala.

Sinabi na kasi namin ni Shaia ang dahilan kung bakit kami nagpunta dito. And tutal kasi andito na din sya. May choice pa ba?

"Haist. Masyado ka kasing O.A Kyle eh." Komento ni Shaia. Tama I agree!

"Ihhhh sarreh na nga eh. Namumulas na beauty ko kakasarreh dito oh." Dagdag pa ni bakla.

Nagbuga ako ng hangin mula sa bibig ko at tumingin sa kanya. "Fine! Apology accepted. Wag kasing O.A. " sagot ko at natawa naman si Shaia. Well kakampi ko yan nuh.

Nagpout naman si Bakla jusko wag kang magpout baka hilahin ko yang nguso mo at gupitin nakakainis bakit mas mapula pa labi nito sa amin??

Dahil ba sa lip gloss nya?

Oo baka siguro nga.

"Oo na hindi na po atihhh..." Tinignan ko xa ng masama at akmang sasapakin.

Maka ate ay atihhh wagas!

"Ayy wag po koya~ masaket yan!" Malanding sabi nya sabay yuko at harang ng kamay nya.

Tsss ULOL.

"Anyway guys. Nagtext Si kuya Blaze sabi nya if pede ba daw tayo magmerienda sa bahay. Nagbake kasi sya at nagluto eh. Ayun at gusto nya din kayo makilala." Nakangiting sabi ni Shaia.

Nagblink kami ni Drew sabay nagnod. "Sure~" sabay naming sabi sa kanya.

"Okay. I'll text my kuya back para sabihing umoo kayo." At ayun nagsimula na kami maglibot libot para tumingin ng dress habang naglakad etong si Drew lalaki ang nasa isip.

Talandi talaga to. Tanungin ba daw ba ko kung Gwapo o hot ang kuya ni Shaia?

Eh malay ko ba?

Eh hindi ko pa nga din nakikita yun eh. Eh pano they're always at my house kaya. first time lang namin sila makikita although iisa lang ang school na pinapasukan magkaiba naman ng time ang klase namin nuh.

"Ei, Sure ka? Eh three years na kayo magbestfriend nyan tas di mo alam?" Bulong sakin ni Drew.

"Ihhh ang kulet mo naman ihh. Sinabi nang hindi pa nga." Banas na response ko sa kanya.

Ngumuso na naman sya. -__- bakit ang hilig nyang gumanyan. Tsk.

Nagmake face naman ako. "Tsss. Arte."

"Hmp! Kahit maarte ako maganda ako!" Irap nya sa akin.

"Che!"

Ilang minuto din kami palakad lakad ng wala man lang magustuhan tss. Lintek na JS talaga yan.

Haist ayoko talaga pumunta paksyet naman eh. Ayoko magdress >\\\<

That is sooooo NOT my style! :/

"Oi mga gurls dali eto mukhang maganda dito boutique dress nato. Maraming babagay sa inyo!" Hila sa amin ni Drew papasok sa isang Dress shop di ko na nakita yung pangalan ng boutique tsss.

Mas excited pa sya kesa sa amin eh.

Baklang to talaga.

"Excited? Excited much ha bakla?!" Pagtataray ni Shaia ayun wag mo nga pala gagalitin o inisin yan kundi tay tayo jan na kahit si atapang atao di papalag jan.

Unforeseenly Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon