(A/N: Hii mga bebelabs. Again samahan nyoko sa chapter ng buhay ni Allison or ni Allyshia. Mwuah. Again support nyoko ah .AH LAB MAH SELP = ̄ω ̄= -atengShingnainlabツ )
CHAPTER 1: Normal Life
Allison's POV
"Nay, nandito na ang dyosa nyong anak" masaya kong litanya
Agad naman akong sinalubong ni inay ng yakap.
"Musta naman ang pasok mo nak? " tanong nya
Binaba ko na muna ang bag ko at hinarap si inay.
"Ok lang nay, ganun parin naman po walang pagbabago" sabi ko
binubully parin nila ako... But still I don't want it to say. Tiis tiis lang Allison..
"Oh sya, kumain ka muna at ipaghahanda kita ng makakain" sabi ni 'nay
"Akyat po muna ako 'nay, magbibihis lang po" paalam koTumango si inay at ako naman'y umakyat na tungo sa aking silid. Agad 'kong tiningnan ang aking repleksiyon sa salamin.
Maamong mukha, chinitang mata at 'di gaanong kahabaan na pilik mata. halimaw 'daw' ako...
"Wala namang problema sa mukha ko, pero bakit ako ang lagi nilang pinaguusapan?" sambit ko sa sarili ko
Ayokong ipaalam kay inay ang mga nangyayari sa'kin, atsaka wala naman akong pake sa kanila kaya ko namang tiisin ang pang-aapi nila sa'kin.
Ewan ko ba, nang mapadpad ako sa eskwelahan na'yun, walang may gustong makipagkabigan sa'kin except Zeb. Panget ba'ko? Hindi rin eh. Aish! Makababa na nga, kumakalam na'din sikmura ko.
Naabutan ko si inay na nagluluto ng turon. Wow ^_^ paborito ko...
"Oh 'nak, kumain kana tapos magpahinga na" sabi ni inay
Umupo na'ko at sinimulan lamunin este kainin ang turon.
"Nay, kumain kana din. 'Di ka mabubusog nang kakatingin sa mukha ko"
Natatawa pa nga'ko habang binibigkas 'yun, pero si inay seryosong seryoso 'di nya nga ata narinig 'yung sinabi ko.
"Nay?" pagtawag ko habang kumakaway sa harapan ni inay.
Natauhan siya bigla.
"Parang ang lalim ng iniisip nyo 'nay" sabi ko
"Naiisip ko lang ang tatay mo" bigkas nyaNatahimik ako dahil naalala ko na naman ang walang kwenta kong itay.
Pa'no ko nasabi? Basta... Napatayo ako nang marinig ko 'yon kay inay. Dire-diretso akong lumabas, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko muna ay mapag-isa, yung tipong hangin lang ang nararamdaman ko. Hayss, kung bakit pa kasi kami tumakas ni inay.
Umupo ako sa isang swing, pinagmasdan ang mga damo. Buti pa ang damo, malaya walang tinatakasan kahit na natatapakan. Napatingala ako kasi yung mga luha ko nagbabadya ng tumulo.
Halimaw talaga 'yan...
Halimaw na mangkukulam pa..
Tsk. Tao ba'yan e green ang mata...
San kaya 'yan pinaglihi?
Napabuntong hininga nalang ako kapag naalala ang mga pangbubully nila sa'kin.
"Miss, kailangan mo ng tulong?" tanong ng isang boses lalaki
Hindi ako sumagot bagkus tumulo nalang ang aking luha.
"Uy miss, 'wag ka ngang umiyak baka sabihin nila pinaiyak kita"
Hindi pa'rin ako kumikibo hanggang sa inabutan nya 'ko ng panyo.
"Oh, punasan mo nga 'yang luha mo"
"Salam--"Hindi ko na natuloy ang sasabihan ko nang wala na sa paningin ko yung lalaki. Sino 'yun? Guni-guni ko lang ba 'yon? Napayakap nalang ako sa aking sarili nang biglang humangin ng malakas. Napapikit nalang ako sumasakit na naman yung ulo ko.
"Nak..."
Boses ni itay... Pero, pero bakit siya nandito? Nasa ibang bansa siya diba... Dumilat ako at nakita ko nga si itay.
"Nak" seryoso nyang tawag
"Ba't kapa nagpakita? T-tungkol na naman ba sa pagpapakasal sa isang matandang mayaman?" sarkastiko kong tanongKung dahil na naman 'yan sa fix marriage, sana 'di na siya nagpakita. Tanggap ko na, wala na'kong tatay. Buhay nga siya pero parang wala ang presensiya niya bilang ama.
Niyakap niya 'ko ng mahigpit. Gusto ko siyang itaboy kaso nanlambot ang katawan ko.
"Nak, pumayag kana kasi" mahina niyang saad
Nak pumayag kana kasi...
Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko. Agad ko siyang naitulak."Kung nagpunta ka dito para sa walang kwentang bagay na 'yan, sana sana 'di kana nagpakita. Ama ba talaga kita? Parang hindi! Parang hindi kasi mas gusto mong masunod ang luho mo kaya pati anak mo ibebenta mo. Tay! Tanggap ko pa sana kung hihingi ka ng tawag. Alam mo 'yun, ansakit eh. Ansakit na inaakala ko na hihinga ka ng tawad at aayusin ang pamilya natin pero WALA. Magsama kayo ng pera mo!!" sigaw ko
Agad akong tumakbo. Nagpunta lang pala siya dahil sa bagay na'yon. Iniisip ko nga na baka ampon lang ako kasi pati sarili kong ama kaya akong ibenta.
Biglang sumakit 'yung ulo ko, umiikot na'din ang paningin ko. May bigla nalang akong narinig na busina.
*blackout*
Yndra's POV
Kailangan nya munang mapag-isa, masyado pang sariwa sa kanya ang nagawa ng tatay niya. Naaawa ako sa anak ko, hindi naman ganitong pamilya ang hangad ko. Natigil ang pag-iisip ko ng may tumawag na unknown number sa cellphone ko.
"Sino ho sila?" tanong ko
(Ate Yndra si Zeb po ito, si a-ano po kasi si A-allison n-nasa o-ospital. Nakita ko po siya sa may kalsada na nakahandusay kaya tinakbo ko na po agad siya sa ospital.) sabi sa kabilang linyaPinatay ko na agad ang tawag at dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na pagamutan dito sa'min.
>>>- - -
Agad kong nakita si Zeb na nakaupo.
"Nasa'n na si A-allison? N-nasa'n n-na a-ang a-anak k-ko? A-ano n-ng n-nangyari s-sa kanya? Diyos ko, pagalingin niyo ang anak ko"
Napahagulgol nalang ako.
"Magiging okey din po ang lahat, 'di naman po hahayaan ng Diyos na may mangyaring masama kay sis" ani Zeb
Hinintay nalang namin ang doktor. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig namin. Puro dasal lang ang binibigkas ko sa'king isipan.
"Uhm, sino ho ang kamag-anak ng pasyente?"
Agad akong lumapit sa isang doktora.
"Ako ho ang ina ng pasyente. A-ano h-hong l-lagay n-ng a-anak k-ko?" kinakabahan kong tanong
"Critical po ang lagay ng pasyente, and she need to take a test, kasi nadamage ang head part nya" paliwanag ng doktora"S-salamat ho dok" sabi ko
Pumasok na ako sa loob ng silid ni Allison. Nakita ko si Zeb na hawak-hawak ang kamay ni Allison. Umupo ako saglit para magpahinga.
Zeb's POV
"Sis..." bulong ko
Sana gumising na si sis. Hays, wala ng bruha na magdadrama tuwing inaasar siya na halimaw.
"Huhu.. Di naman ako panget diba? Diba sis?" umiiyak na sabi ni Allison
"Hmm. Di ka naman panget bruha. Ang ganda ganda mo kaya sis" sabi ko
"Eh ba't lagi nila akong binubully?" tanong nya
"Pa'no ba kasi sis, insecure sila sa napaganda mong hazel green na mata" sabi ko
I miss her... I miss my bestfriend.
"Bruha, gumising kana" sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/122118018-288-k852027.jpg)