Pangako mo na ako'y iyong iibigin hanggang kamatayan,
Pangako mo na ako'y hindi bibitawan,
Pangako mo na ako'y hindi mo sasaktan,
Pangako mo na ako'y iyong ipaglalaban,Mga pangako mo na napako,
Mga pangako mong bigla nalang naglaho,
Mga pangako mo na ako'y sinasaktan,
Mga pangako mong walang patutunguhan,Ako'y nagtiwala sayo ng buong-buo,
Puso ko'y pinagkatiwala ko sa iyo,
Ako naman 'yung tanga'ng naniwala sayo,
Naniwala ako sa mga pangako mo,Ako'y patuloy paring naghihintay sayo,
Kahit wala namang kasiguraduhan 'to,
Mahal ka niya mahal mo rin siya,
Kaya sana sinta mapalaya na kita.