95

143 1 0
                                    

Chapter 95

“Saan ka galing kahapon?”

“Ahmm. Sa .. Library..”

“Wala ka sa library.” He said coldly.

“....”

“Saan ka galing? Kay Eros?” What? How did he know?

“Yeah.”

Hinigit niya ang wrist ko at nakita ko ang mukha niyang galit na galit. “Anong ginawa ninyo?”

“Nagusap lang.”

“Tungkol saan?”

“Basta.”

“anong basta?! Pwede ba yun?!”

“Teka. Nasasaktan ako. Tsaka bakit mo ba ako sinisigawan?”

“Dahil naiinis ako! Di ba sabi ko lumayo ka doon.”

“Bakit?! Masama ba siyang kausapin?!”

“Oo. at ano bang malay kung hinalikan ka niya ulit?!” dirediretso niyang sabi.

“Ano?!” napatayo ako sa kinauupuan ko. kinalas ko ang kamay ko sa kanya at saka siya sinampal. Alam kong malakas iyon kasi biglang namula ang pisngi niya.

“Anong sabi mo?! Bakit?! Ganoon ba ako sa paningin mo kapag magkasama kami ni Eros?! At isa pa, may tinanong lang ako sa kanya. Masama ba yun?! Arghh!” at saka ako nagwalk-out.

Nakakabanas! Kung alam lang niya yung intention ko kung bakit talaga ako pumunta kay Eros eh. Bakit ba kasi napakanarrow-minded niyang tao!??

ARGHHHH!

--------------

Aki Seiji’s POV

For the first time ay sinampal ako ni Aki. Ganoon pala ang feeling kapag sinampal ka ng babae? And to think na girlfriend ko siya. masama bang magselos? Malay ko ba?! Masama ba yung nasabi ko? naalala ko kasi yung sa may hospital eh.

ARGH!

“Hoy pare?!”

“Oh?” tss. Si Yuz. Aasarin na naman ako nito.

“Anong oh? Bakit ang sungit mo na naman dyan? PMS?”

Umiling lang ako.

“LQ.”

“...”

“Ahhh! Alam na!”

“Baka naman inaway mo?!” tanong naman ni Athan.

“Hindi.”

“Naku! Ayusin niyo yan! Naku!” panay naman ang iling ni Yuz.

“Paano kasi kasama niya si Eros. Ni hindi man lang niya sinabi. Nagsinungaling siya.”

“Ang babaw mo naman?!” binasag ni Athan ang iniinom niyang alak. Nga pala, nasa bar kami. Hindi yung bar na pinagtatrabahuan ko ah. Yung wild pa.

“Anong mababaw doon?! Eh sa nagseselos ako eh.”

“Naku naman Aki Sieji Layson. Nagiisip ka ba o talagang tanga ka lang? Magseselos ka kasi nalaman mong magkasama sila? Bakit may masama ba silang ginawa?”

“Ewan ko.”

“Hindi pwede yun. Dapat alamin mo muna bago mo siya i-judge. Malamang magagalit talaga iyon. Tamang hinala ka eh.” Gatong ni Athan. Teka, ako ang kaibigan nila dito ah. Dapat ako ang kampihan nila. Err.

“Iinom mo na lang yan pre.”

Uminom nga ako para mawala ang inis ko.

Maya-maya ay biglang dumating si Raven at may dala-dalang papel.

Tss. Alam ko na iyan.

“Ano? Sali tayo?” sabi niya na parang naeexcite.

“Tanga ka ba?! Tignan mo, pito ang kailangan eh, lima lang kaya tayo. Ibig sabihin kulang pa ng dalawa.” Sabi ni Asher na nasa likod niya. kakarating din niya.

“Isa na lang.”

May biglang nagsalita sa may likod nina Raven at Asher. Dahil ako ang nasa may dingding ay ako kaagad ang unang nakakakita sa kanya.

O______O

“PAOLO!!!!!!!!~”

Sigaw ng barkada pati na rin ako.

Group hug!~

------

Aki Seiji’s POV

Umupo si Paolo sa may couch. Pa-U kasi yung style ng upuan. Ako yung sa gitna.

“pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo nakausap ahh.” Sabi niya.

“Hmm. Bakit nga ba?” tanong ko sabay shot.

“May inasikaso kasi akong mahalaga.”

“BB?” tanong ni Asher?

Ano yun?? Lahat kami hindi alam yung sinabi niya.

“Huh?”

“BB. As in Business at Babae.” He said.

“Ahhhh.” Sabi naming apat.

“Hahaha. Parang ganoon na nga. Tama ka sa dalawa.”

“So alam na namin yung business. Eh sino yung babae?” he asked suspiciously.

Naiilang si Paolo sabihin kasi si Asher ang nagtatanong. May something kasi eh. Bawal pa sabihin. Abangan sa susunod na story ni author :D

“Si Reyn at Megan.”

Lahat kami ay nabilaukan sa sinabi niya. As in. Sinabi niya talaga?? O___O

“Ito ah. Kaibigan pa din ang turing ko sa iyo Paolo pero kapag ako ang pinili ni Megan, walang talo-talo ah.” Sabi ni Asher in a mayabang way.

“Haha. O sige.” Iyon lang ang nasabi ni Paolo. Gets na namin kung bakit hindi niya kami malapitan. Dahil nga sa love square nila. Awww. Ang daldal ko.

“Nga pala. Isa na lang kulang natin.” Biglang inopen ni Yuz yung topic sa contest.

DEAD SILENCE.

“Kung isali kaya natin si Eros?” tanong ni Paolo. Napatingin ang lahat sa kanya maliban sa akin.

“Hmm. Ewan ko lang.” Sagot naman ni Yuz habang nakatingin sa akin. Ako naman ay panay lang ang shots dahil naiinis ako kanina pa.

“Sa tingin ko Seiji, oras na para ibalik ang BLUSTAR sa dati.” Narinig kong sabi ni Paolo.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Aki kanina..

Flashback

“Sali kayo doon bhee?”

“Hmm? Hindi. Lima lang kami eh.”

“Sali na kayo, malay mo dito na ulit kayo mabuo?”

 “Ewan ko.”

End of Flashback

Adore (Be the One I'm Looking For) -- Continuation (^___^)vTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon