104

69 1 0
                                    

Chapter 104

Aki Seiji’s POV

Bubuksan ko na sana yung gate kaso bukas na pala ito. Una kong naisip si Aki. Siya lang naman ang pwedeng magbukas nito eh. Hinanap ko kaagad siya.

Nandoon siya nakaupo sa may dining table. Nakatalikod siya sa akin. Nandoon si Wiggles. Una ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang nkiya ako nililingon.

“Aki??” pero nakayuko pa din siya. hindi niya ako tinitignan. Nakita kong may mga pagkain sa table.

“Niluto mo ito? Mukhang masarap ah.” Sabi ko with a happy tone. Pero NR pa din siya.

“Aki? Is there’s something wrong?” Hinawakan ko siya sa may balikat niya. hinawakan niya ang kamay ko pero unti-unti niya itong binaba. Tumayo siya para harapin ako. Nagulat ako nang makita ko ang mata niya na namumula.

“What happened to your eyes??” tanong ko.

“Gusto mong malaman?” sabi niya. galit siya. pero bakit? Tinignan ko lang iya sa mga mata niya umiiyak na naman siya. hanggang sa nakita ko yung notebook sa isa niyang kamay.

“Saan mo nakuha iyan?” tanong ko. owshet. Nakita niya na.

“Sa kwarto mo.”

“Pero..”

“Paano mo ito napunta sa iyo? Binigay niya sa iyo?”

Tumango ako.

“kaya ka ba lumipat ng PUP kasi hinahanap mo ako?!”

“...”

“Kaya ba alam mo ang mga paborito ko kasi sinulat lahat ni Euan dito?”

“..”

“Noong nagsoccer tayo! Alam mo na talagang marunong ako magsoccer di ba?”

“...”

“Noong nasa hospital ako at noong tinext kita na kung pwede ay puntahan mo ako kasi brownout ay pumunta ka kaagad kasi alam mong takot ako sa dilim. Hindi ba?!”

“....”

“Kaya mo ba ako inaya sa MOA Eye kasi sinabi niya dito na mahilig ako sa mga ilaw?”

“...”

“Alam din ito nina Lolo, ita at tito di ba? Kaya ang bait bait nila sa akin?!”

“...”

“At yung letter na galing kay Euan na sabi niya ay mahal na siyang iba, ikaw ba ang nagsulat noon?!”

“...”

“Sumagot ka?!” nagyon ko lang ulit narinig na sumigaw si Aki. Deserve ko naman kasi hindi ko kaagad sinabi sa kanya. Umiiyak siya. sinubukan ko siyang yakapin pero bigla niya akong tinulak.

“Huwag na huwag mo akong yayakapin! Manloloko kayo! parehas lang kayo ni Euan!”

“Hindi kita niloloko.” Naramdaman kong umiiyak na din ako. “Aki, please, maniwala ka sa akin hindi kita niloloko.”

“anong hindi?! Kung hindi ko pa ito nalaman siguro ay habang buhay mong itatago sa akin na ikaw ang pinagbigyan ni Euan ng puso niya!”

“Oo. ako nga iyon. Siya mismo ang nagsabi sa akin na huwag ko munang sabihin sa iyo. May mga pagkakataong gusto kong sabihin sa iyo kaso baka magiba ang tingin mo sa akin.”

“Tama ka! Nagiba nga ang tingin ko sa iyo. Ang galing mo palang umarte? Ano ito? Kaya mo ako minahal kasi sinabi nI Euan? Sabi ni Euan ganito, sabi ni Euan ganyan?!”

Adore (Be the One I'm Looking For) -- Continuation (^___^)vTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon