103

63 1 0
                                    

Chapter 103

Mikkan Akira’s POV

August 7, 20**

It’s already September. So it’s two years ago. Ano naman nangyari noong August 7??

Excited na akong puntahan siya. Augut 7, 20** ngayon.  Two months lang ang nakakalipas simula nang umalis ako. Naging masaya naman ang buhay ko sa Korea kasi may mga bago akong kaibigan na nakilala. Ang alamng parents ko ay  babalik ako ng Pinas pero hindi nila alam na ngayong araw na ito yun. Hindi DIN niya alam na uuwi ako. She’s the one who always give me a reason to come back- my heart.

Noong nasa Korea ako. Lagi ko siyang namimiss. Lagi kong iniisip na “Paano kaya kung nandito siya? masaya siguro ako. Kamusta na kaya siya doon? Namimiss din kaya niya ako?” sinadya kong hindi magparamdam. And that was one of my biggest mistakes.

I missed her so much. Everything seems so perfect when I’m with her. I remember all the days when I’m with her. Yung araw na sinagot niya ako, yung araw na una ko siya hinalikan, yung araw na nagstargazing kami, yung araw na umupo lang kami at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko at marami pang moments. 3 years? Malayo na din ang narating namin. And i don’t want to give up on us. So babalik ako. At sana ay mapatawad niya ako sa  mga ginawa ko sa kanya.

Sa pagbalik ko, I’ll never leave her again.

I always love her. Forever.

Euan

Bumalik siya ng pinas last to years? Pero nasaan siya? dalawang taon na ang nakakalipas pero bakit hindi pa siya bumabalik? Bakit?!

Hindi ko napigilan ang umiyak. Nakita kong nabasa ang pages ng diary ni Euan. Hindi ko siya magets. Bakit kailangan niya akong iwan. Namiss pala niya ako. Bumalik siya. oo. pero nasaan siya ngayon? Two years? Kung nakabalik na siya bakit kahit anino niya ay hindi ko nakita??

I was completely lost kaya binasa ko ulit siya.

February 17, 20**

February?? Six months na ang nakalipas bago iya ulit magsulat?

What date is it?? I don’t actually remember.

Naalala ko lang ay pupuntahan ko na dapat siya. may hawak hawak akong roe noon. Blue and violet. Favorite colors niya kasi iyon.pinangako ko pa noon sa sarili ko na hinding hindi ko siya iiwan. Habang tumatawid ako ay may biglang sumigaw sa likod ko ng “Tumabi ka!” saka ko lang nalaman na may paparating na kotse sa may gawi ko. pagkatapos noon ay wala na akong maalala. Naririnig ko ang mga taong nagkakagulo but their voices began to fade and everything went black. Ang tanging nasa isip ko lang noon ay si Heart.

Nagising na lang ako sa hospital. Ang una kong nakita ay si Mama. Sabi niya sa akin anim na buwan akong comatosed. Nagulat ako syempre, pero wala na din akong nagawa.

Umiiyak siya.ganoon din siguro ang gagawin ni Aki kapag nakita niya ako ngayon. iiyak lang siya.

Aki, sorry kung hindi ko man lang sinabi sa iyo.kahit sina Mama ay sinabihan ko na wag ito sabihin sa iyo. Ayaw kong magaalala sa akin. Ayaw kong makita kang umiiyak. Gagaling ako. Babalikan kita.

Hindi ko napigilan ang pagiyak ko.

“Huwaaaah!” sinigaw ko ang nararamdaman ko.

Paanong nangyari ang mga bagay na ito? Bakit ganoon? Nasaan iya ngayon? bakit wala man lang ako kaalam alam na naaksidente siya? bakit wala man lang nagsabi sa akin?

I felt betrayed. Ako lang ba ang hindi nakakaalam nito? ang galing mo Euan. Ang galing mo talaga magtago ng sikreto sa akin. Sa loob ng dalawang taon? Wala man lang akong kaalam alam?

Adore (Be the One I'm Looking For) -- Continuation (^___^)vTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon