107

99 1 0
                                    

Chapter 107

Mikkan Akira’s POV

“Magingat ka doon anak ah.” For the nth time ay sinabihan ako ni mama na magiingat ako doon sa Korea.

Niyakap ko sina Mama at Papa kasama ang kapatid ko na si Arkin.

“Magingat din po kayo.” T___T Heto na naman tayo. Umiiyak na naman ako.

“Alagaan niyo po si Hera ah.”

Tumango lang sila sa akin at saka ako hinatid sa may kanto. Nandoon na yung taxi na sasakyan ko papuntang airport.

Sabi ni Mr. Lee, siya na daw ang susundo sa akin pagkakababa ko sa eroplano.

Hindi na ako nagpahatid kahit kanino pa. Ayokong may nakikitang umiiyak sa akin bago ako umalis. Mas lalo lang akong malulungkot kapag nagkaganoon.

11AM. Ang oras ng flight ko.

Nandito ako sa may waiting area. Panay ang linga ko sa likod.

Aki.. ano ba?

Aalis ka na. Huwag mo na siyang hanapin pa. Okay??

Hayyyy.

------

Aki Seiji’s POV

“Seiji?!!”

“Hmmmm??”

“Tumayo ka na dyan?”

“Bakit?”

May kung sino ang panay ang kalabit sa akin. Ang aga aga ginagambala niya ako.

“Tumayo ka na dyan.”

Umupo ako sa kama. Noong luminaw na ang mata ko ay narecognize ko na kaagad ang mukha ng lalaking nakaupo sa harap ko.

“Bakit ka nandito Eros?!”

“Alam mo, huwag kang magmukmok dyan. At ang aga-aga nakabusangot ka. Bumangon ka na dyan!”

“Bakit ka nandito?”

“Aalis si Aki..”

“....” Aki? Napayuko ako ng sinabi niya ang pangalan niya.

“Pupunta siyang Korea ngayon..”

O_____O

**

Agad agad akong nagayos ng sarili ko. Kinuha ko kaagad ang kotse ko at nagdrive papuntang airport.

“11AM ang alis ng eroplano. 9AM na. Sana makaabot ka. Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya bago siya umalis. Bilisan mo!”

Naalala kong sabi sa akin ni Eros.

Pero bakit ngayon ko lang ito nalaman?

Arghhh.

Iiwan niya talaga ako dito?

Nagmamadali ako. Dumaan na ako sa mga shortcut na alam ko para lang mapadali ang byahe ko.

10AM.

Pakshet. Sana maabutan ko siya.

“ARGGGHH!” bakit ngayon pa?! Traffic jam.

F.

:/

Aki please, huwag kang aalis. Hindi ko kaya.

-----

Mikkan Akira’s POV

I'm heavily broken

And I don't know what to do

Can't you see that I'm choking

Adore (Be the One I'm Looking For) -- Continuation (^___^)vTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon