Every girl in this world wishes for the most romantic and extraordinary Love story they may ever have.
Some have already got their wishes granted,
While some are still waiting for it to happen.
Some take it easy
while some will take every risk just to conquer that thing called LOVE.
...
"TEEEEEEEEEEEEEEET!!!"
Nagising ako sa ingay ng alarm clock.
Natapos ang mahabang pagtulog
Nagwakas ang napakahaba at napakasayang ala-ala.
"Goodmorning Merida, how's your sleep?"
"it was great.."
"good.."
"san ba lakad natin ngayon?"
"lakad ka dyan!. pupunta tayo sa school nung kambal.. graduation day nila ngayon."
"talaga ? ngayon ba yun? .. haha nakalimutan ko eh.. gusto mo bang dumaan muna tayong mall para bumili ng regalo?"
"pwede din naman.. hehe ..
"ano kaya maganda bilhin?"
"shoes?"
"wag choosy yung dalawang yun eh.. water gun nalang.."
"water gun? edi nagkanda-basa-basa lahat ng gamit sa bahay nila nun?"
"hindi naman tatagal ng isang araw yun sa kanila eh"
"haha baliw...pero sabagay tama ka"
"baliw na nga ako. pumatol ako sayo eh."
"ahh.. so pinagsisisihan mo?"
"medyo..."
"ganon?!"
"hahaha.. pinagsisisihan kong nag-antay pa ko ng 2 more years bago kita nilapitan at ginawang girlfriend.."
"aw. hahaha pero pano ka nga ba nagkaroon nun ng lakas ng loob para lapitan na ko?"
"wala. eh kase confident na ko nung mga panahon na yun sa sarili. yung tipong kahit sinong babae ang hatakin ko sasama saken. "
"muka ba kong kaladkarin nun? loka ka ah!"
"hindi naman. Plan A kasi yun, yung hahatakin kita tas magpapasama ko kung saan."
"Plan A? edi may Plan B pa?"
"oo. plan B ko naman nun, uupahan ko yung barker tas kunwari hoholdapin ka nya, sabay ako yung nandun para iligtas ka.. "
"eh yung Plan C?"
"ahh.. yung C magkukunwari akong bakla tas magtatanong ako kung pwede mo ba ituro sakin yung daan papunta sa street nyo.. naiisip ko pa nga na pag iyon yung ginawa ko baka samahan mo pa ko papunta eh"
"wow ha? ikaw bakla? pero tingin mo talaga ganun ako kaapproachable?"
"hinde. Ikaw ano sa tingin mo?"
"tss.. eh hanggang ilang plan ba yang "operasyon: Magpapansin kay Merida" mo? "
"hmmn.. Plans A-Z ... tapos meron pang A-1-10 .. kinapos eh.."
"ganun ka kadesperado saken?"
"haha!.. eh kasi sabi dun sa nabasa ko "sa pag-ibig daw walang aksidente, lahat nakatadhana" "
"tapos?"
"tapos dinugtungan ko.. sa pag-ibig walang aksidente, wala ring ambulansya at lalong walang pasyente, lahat nakatadhana pero kung gusto mo talaga, maiidadan ang lahat sa pillit, kahit masama at pwersahan pa"
"hiyang hiya naman ako sa dinugtong mo.. haha"
"hahah... tara ligo na tayo?"
"osige.. una ka na..."
"sabay tayo"
"ha? loko loko ka ba?"
"hinde.. sabay tayo.. dun ako sa baba tas dito ka sa kwarto. ano bang iniisip mo?"
"wala naman.. kinaklaro lang..."
"ahhh.."
Kiniss ko siya sa pisngi.
"i love you ..."
Sabay kiss nya sa noo ko.
"i love you too.."
Bumangon si ZZ sa pagkakahiga.. tsaka niya kiniss yung tummy ko.
"goodmorning baby.. kamusta ka naman diyan? balita ko madalas mo na daw sinisipa si mommy ah? wag ganun 'nak .. ayokong nasasaktan yung mahal ko .. baby gusto mo ba bilhan din kita ng water gun? o mas gusto mo yung iPad air? "
"huy!.. saka mo nalang bilhan ng kung ano ano yang anak mo pag lumabas na.. ekzoyted ka di naman ikaw iire"
"painless tayo sweetheart. mayaman ang asawa mo.."
..
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
hay..
Sino nga bang mag-aakala na hanggang sa puntong 'to kaming dalawa pa rin?
Ako, ni minsan hindi ko inisip na aabot kami sa ganito. Although the half of me have wished for it, almost everyday i guess.
Ngayon, eto kami... nakahiga sa iisang kama, nakatira sa iisang bubong, bumubuo ng napakaraming pangarap.
Sabi nila people are insatiable, we are never satisfied. But who knows? maybe some of us sometimes do. We experience completeness. In what sense?, incase you don't know, is called HAPPINESS.
Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa bibliya.
Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat.
Hindi tao o bagay o kung ano pa man dito sa mundo ang tinutukoy ng salitang PAG-IBIG, its none other than Love itself. Nothing more, nothing less, just LOVE.
...
Napatingin ako sa mga mata niya. Walang nagbago. Siya pa rin si Zap Zephyre De Luna, ang lalaking mas nakilala natin bilang "ZZ", ang lalaking minahal at patuloy kong mamahalin.
END
~
++++++++++
ANG PAG-IBIG
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting.
Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok,
ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin!
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang kototohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
-- Corinto 13:1-7
++++++++++
written with love and effort
-SeL <3
Date: April 14, 2014