Nandito ako ngayon sa hallway naka-upo habang hinihintay ang bestfriend kong si Eunice. Marami ding ibang estudyante ang nakatambay dito pero malayo sila ng konti sa akin."Hey Riene!"- may narinig akong tumawag sa akin. Kaya lumingon ako sa kung sino man ang tumawag ng pangalan ko mula sa di kalayuan.
Nakita ko ang kaklase ko na humahangos papunta sa harapan ko.
"Riene Ollipus. Hay salamat at nakita din kita, nandito ka lang pala." - nasisiyahan niyang sabi.
"Bakit mo ba ako hinahanap?"- pagtatanong ko pa sa kaniya. "Umupo ka dito sa tabi ko."
"Ah! Hindi na. Di naman ako magtatagal. Ano lang kasi, ito."- may ipinakita siyang sobre sa akin. "Kaka-dismissed palang sa atin kanina ni sir at agad na kayong umalis lahat kaya naiwan akong mag-isa sa room. Nakuha ng sobre na ito ang atensyon ng dalawa kong mata. Nakita ko lang sa ilalim ng armchair mo. Saktong may pangalan na nakasulat sa iyo. Sinabi pangang kindly read: Riene Ollipus kaya madali kitang hinanap." Inabot niya ang sobre sa akin kaya kinuha ko ito.
"Segi alis na ako, pupunta pa akong library."
"Segi. Thank you."- saad ko saka siya umalis sa harapan ko.
Tiningnan ko ang sobre na hawak ko ngayon. Kulay puti lang sya. At nandito nga ang pangalan ko na nakasulat.
Kindly read;
Riene OllipusMabilis kong binuksan ang sobre. Isang pirasong papel lang ang natanaw ko kaya kinuha at binasa ko ito.
I can't deny the fact that everytime I see you, you completed me, my day.
Just with your presence, I am fully happy. You makes me smile every single day.I'm becoming crazy.
I don't know why I'm feeling this way. Yes, you're just simple yet you touched and made my heart beats so fast.
Please reply. Notice me.
♡BBY-TO REINE
Wala akong ideya kong ano ang sasabihin ko pagkatapos mabasa ang nakasulat. Hindi ko alam at kilala ang pangalang BBY (may ganoon?). Sinusuri ko din ang pagkakasulat pero hindi ko talaga masabi kung kanino galing ang sulat na ito.
Napatingin nalang ako sa paligid. Baka nandito lang ang sumulat ng sulat na ito. Pero wala namang niisang tao ang nakatingin sa akin ngayon. Hindi naman ako kilala dito sa eskwelahang ito.
"Ang gwapo beh."
"Cool nila talaga!"
"Yuan! Astig mo!"
"Kaya nga ako dito nag-aaral kasi puno ng mga kyot ang school na ito. Kyaaaah!"
"Ahhhh. I love you!!"
Narinig ko na naman ang mga bulong-bulungan at tilian ng mga babae dito sa hallway. Sino pa nga ba ang pinagpe-piyestahan kundi ang mga lalaking kilala dito sa campus na sina Yuan, Ethan at Jeru.
Tiningnan ko silang tatlo na prenteng naglalakad sa gitna. Maya-maya pa'y agad nalang silang napatigil sa harapan ko. Lalo na si Yuan na tutok na nakatingin sa akin. Isa talaga siya sa mga kinaiinisan ko. Kumukulo lang siguro ang dugo ko kapag nandyan iyang lalaking 'yan. Wala kasing ibang magawa kundi gumawa ng kalokohan. Tandang-tanda ko pa noong mga araw na iyon kung saan ay matapos kong sumagot sa naging katanungan ni Sir sa lecture session namin ay prente na sana akong umupo nun nang pagkakaupo ko'y dumiretso ako sa sahig kasi lang naman--- agad niyang hinablot ang upuan ko kung kaya'y ako ang laman ng tawanan ng buong klase.
BINABASA MO ANG
In a Piece of Paper (ONESHOT)
Fiksi RemajaIsulat mo lang sa pirasong papel ang nararamdaman mo. One Shot Story (Salamat kay AUGUST, ang sumulat sa tula na ginamit ko sa one-shot story kong ito. Again, Thank you! / Ikaw lang (pangako) Retrieved January 13, 2018 from https://hellopoetry.com...