V. Panday

37 4 0
                                        

Sa malayong lugar na ito ay napadpad
Kinabig ng pagkakataon,
Sa pagsusumikap na datapwat pagod
at ngatal ang hiram na katawan
Makapagpasa ng karunungan,
Bunga ng ilang taong nahubog ng karanasan.

Sa lugar malayo sa kabihasnan,
Baon at konswelo ay pasasalamat
Mga bagong kakilala hayag ang pagtanggap
sa munting ambag na kaalaman ;
Mga hatid na halakhak ng mga kabataan
Hangad din ay umibayo, pakpak sa pagimbay.

Sa aking Ama, sa langit ay nakabantay,
Sa Iyong dahilan bakit dito ay napalagay
May ' samong dalanging pagtanggap
Sa patuloy na hamon at pagpanday
Ikaw ang aking tulong saklay
Salita Mo ay maikalat at maisabuhay.






--------------------------------------

---------------------------------

✏Dhang Razon
August 1, 2016
Cover Photo: Inventory sheet and coffee
while helping train the new team for a newly opened Shakey's store in Sta.Cruz, Laguna. 

Thank you for reading. Please feel free to link, like, quote, show your support when you vote.
❤Love. DR❤

Jedidiah's Book of VerseWhere stories live. Discover now