Matthew's POV:
"Wews, I didn't know na magiging kaklase kita noona" nakangusong sabi ko.
"Are you ok? Bakit parang ang lungkot mo? Ayaw mo nun magiging kaklase mo ko?" nakangiting sabi niya sakin. Malamang magiging kaklase mo talaga ako, kung di ka lang talaga ikaw tumigil nun eh second year college ka na hays...
"Nevermind me" masungit na sabi ko. Nawawala ako sa mood, kala namin kung sino kasi yung kumatok, ayun pala siya lang hayss.. Bakit parang di ko nakita pangalan nya doon sa list? Buset!
"Tell me please? May sumuntok ba ulit sayo? Sa'n ka natamaan?" hawak hawak niya mukha ko at talagang sinusuri nga niya kung may pasa, galos o sugat ako.
Kingina? Ako? Magpapasapak? Kung tutuusin nga mas malakas ako sakanya eh! Psh! Malamang ako ang lalaki sa'ming dalawa, ano ba Matthew?! Magkapatid kami ni Noona, kaming dalawa lang, mas matanda siya sakin ng dalawang taon, I'm already 18 and she's 20.
"Bakit di ka pa pumasok?" sabi ko sakanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko talaga alam kung bakit nababalutan ako ng madilim na aura. Dahil ba sa nangyari sakin? O sa sobrang diri dahil kay Jp? Tangina Matthew! Gumising ka!
"Papasok na ko pag ngumiti ka ulit, kanina nung umalis ka sa bahay nakangiti ka ah? Excited ka pa nga eh! An'yare na sa mukha mo? Nag-iba aura!" Napasandal naman ako sa pader at huminga ng malalim, pagkatapos n'on tumingin na ko sakanya at I tried my best to smile. Para di naman mahalata na nalulungkot ako, hindi pa rin mawala-wala sa puso ko ang pagkawasak niya. Ngumiti namansiya sakin pabalik at iginulo ang buhok ko.
"Let's go?" tanong niya ulit sakin, binigyan ko naman siya ng pansamantalang ngiti at pag nakatalikod na sya babalik ang malungkot na mukha ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa susunod na araw. Parang gusto ko nang magmove on.
May gamot ba ng ganun? Yung pampatanggal ng sakit sa puso?
Winasak na nya ng todo puso ko pakshit!!
Habang nag-iintroduce ang mga kaklase namin ay tuloy pa rin ako sa pag-iisip, mga salitang patuloy pa ring tumatakbo sa isip ko na mga sinabi nya kanina, mga kabang nakakulong sa dibdib ko at ang pagtuloy ng pagsaksak sa puso ko.
"Pstt. M-Matthew ikaw na" bumalik ako sa realidad nang sabihin sakin ni Santi 'yon. Tumingin ako sa mga taong nakatingin sakin, mukhang inaantay nila akong pumunta sa harapan at ipakilala ang aking sarili.
Nang makarating na ko sa harapan ay inipon ko muna ang sarili kong pagtitiwala at muling nagpakilala "My name is Audrin Matthew Javier, I am 18 years old and you're classmate this academic year" ngumiti naman ako sakanila pagkatapos kong sabihin 'yon na syang nagpaingay ng room na napalibutan ng katahimikan kanina.
"Kyaaaahhh!! Shit! Omg! Ayoko na! Puta!!!"
"Omg!! Ang gwapo pushet!!"
"Bakit ang cute nya?! Bakiiitt?!?!"
"His smile!! I can die now, Ara!!"
"Manahimik ka nga! Mas gwapo pa rin si Xandior noh!"
"Stop me! Pareho kaya sila!"
"Ugh! Still loyal to Xandior, speaking of Xandior... Where is he?"
Ayan ang mga narinig kong komentong mula sakanila. Gwapo ko talaga hahahayyss!!
"Iba talaga pag ubod ng gwapo tsh!" natatawang sabi ni Joshua. Natawa naman ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Get Real, Play Safe (ON GOING)
JugendliteraturHindi mo ako kilala, dahil iba ako sa inaakala mo, iba ako sa pagkakakilala mo. Wag mo akong subukan kung ayaw mong maalanganin 'yang buhay mo. Bakit? Once you ask me to have a game with you, you should be get real for you to be able to be saved and...