Chapter 5

20 1 0
                                    

Mica's POV:

(Continuation of Flashback)

Nang marinig ko ang sigaw na yun ay lalo akong nakaramdam ng kaba't takot. Onti kong minulat ang mata ko dahil napapikit nalang ako bigla sa di malaman na dahilan, siguro ayoko na ulit makakita ng gantong eksena?

"Ponyeta ka ah! Muntikan na ko dun! Pakyu ulul!" napatingin naman ako sa presensya ni Mccoy. Thanks god kala ko naman kung ano yun. Huminga ako ng malalim dahil sa sobrang pagkakaba ko kanina. Gugustuhin ko mang makinig kay Mccoy pero di ko matiis eh. Gusto kong pumasok sa gulo, gusto kong makipagbugbugan, tangina! 

I'm sorry Mccoy, sabi ko sayo eh, kinasasanayan ko na ang ganitong bagay. Mahirap iwasan hays.

Napasugod ako ng wala sa tama, bahala na kung may aatake sakin. 

"Mica!" rinig kong sigaw sakin ni Mccoy pero binalewala ko nalang. 

Puno ng galit ang kalooban ko ngayon, dahil siguro maganda na sana araw ko ngayon at sumugod nanaman tong mga alagad ni Brendon? Kagaguhan at kayabangan lang naman laban nila eh. Napakawalang kwenta diba? Katulad rin ng grupo nila, napakawalang kwenta. 

Tapos na sana namin yung laban kung andito sana yung iba naming myembro, pito lang kami at sila ay halos mga trenta. Di ko masasabing lugi kami, matatalo naman namin sila sa ankin naming lakas haha!

*BAAAAAAAGSHHH*

Ramdam ko ang pagpalo sa likuran ko at grabe ang sakit nito. Feeling ko mamamatay ako sa mga oras na ito dahil sa sobrang hilo at sakit.  Napabagsak ako sa lapag at unti-unti ako nawawalan ng malay.

Tanging sigaw lang ni Mccoy ang huli kong narinig "Mica!" at natuluyang mahimatay. 

///

"How can we tell it to her?!" 

Rinig ko at halatang si daddy yon. "Calm down, dad. Please!" rinig ko ring pagmamakaawa ni Matthew. Minulat ko ang mga mata ko, nasisilawan ako sa ilaw pero nilabanan ko yun. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero base sa pang-amoy ko parang nasa ospital ako. Iginalaw ko ang katawan ko pero grabe ang sakit na nadarama ko, sobrang sakit. 

"How can I calm down?! Muntikan na mamatay ate mo! A--"

"And can you just shut your mouth dad?!" 

Naanigan ko ang presensya ni Matthew at ni papa. Ba't nag-aaway ang dalawang 'to? Sinubukan kong magsalita pero hirap na hirap akong ibuka lalo na't tuyong tuyo ang lalamunan ko. Tama ang hinala ko nasa ospital ako. Naalala ko kung ano ang huling nangyari sakin, tanging ang sigaw lang ni Mccoy ang natandaan ko.

Nasa'n si Mccoy?

"D-dad" mahina kong sabi dahil sa hirap kong pagsalita. "Anak, gising ka na" agad siyang lumapit sakin at inayos ko ang sarili ko na kaagad na pumunta si Matthew upang alalayin ako. Binigyan naman kaagad ako ni Matthew ng tubig.

"Ba't nag-aaway kayo?" tanong ko sakanila. Nagkatinginan sila sa isa't isa na para bang may ibig sabihin 'yon.

May tinatago ba kayo sakin?

"Uhm, It's ok. Buti gising ka na" sabi ni dad na lalong nagpataka sakin pero binalewala ko nalang. "May masakit pa ba sayo?" aniya habang sinusuri nya ako. 

"Katawan ko, dad" napapikit ako sa sobrang sakit. Siguro puro pasa na ako. Agad akong napatingin sa damit nila ni Matthew... Bakit nakaitim sila? Ano meron? "Dad, ba't nakaitim kayo ni Matthew?" tanong ko sakanila, nakita ko kung paano lumunok si papa at ganon rin si Matthew.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Get Real, Play Safe (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon