Chapter 2

37 2 0
                                    

Santi POV:

Nasilawan ako sa liwanag na nanggaling doon sa bintana ko. 

Sino nanaman nagbuklat ng kurtina ko?!

"Gumising ka na diyan! Papasok ka na!" halatang si Blythe ang sumigaw. Minulat mulat ko yung mga mata ko at tinatamad na bumangon dahil siguro sa puyat ko kagabi. Habit ko na ang magpuyat, malamang ngayon ay nakakaramdam ako ng antok dahil sa aga ng pag-gising ko psh! "Babangon ka diyan o kakaladkarin kita?!" sigaw ulit nya

"Babangon na." normal na tugon ko sakanya. Wala ako sa mood ko para makipagsigawan. Ang aga aga ayoko naman ipangbungad na sigawan ang kaganapan sa FIRST DAY OF SCHOOL KO, the hell!

"Babangon rin pala eh! Maligo ka na at pagkatapos mo magbihis bumaba ka at mag-almusal!" 

Kailangan nya ba talaga sumigaw? Ke-aga aga eh naninigaw na! Bakit hindi pa siya nakabihis? "May pasok kayo?" tanong ko sakanya "Wala, bukas pa kami ni Blake" sagot naman nya sakin at himala normal na boses siyang sumagot sakin.

Kaya rin naman pala niyang di sumigaw eh!

Gaya nga ng sabi ni Blythe ay Grade 10 na ko ngayon, si Blake naman ay 2nd year college at about sa business ang kurso nya habang si Blythe naman ay graduating na ng college this year sa kurso niyang nurse.

Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko. Tinatamad akong pumunta sa banyo ko dahil tamad na tamad talaga akong pumasok ngayon! Wala akong nararamdamang excitement. Hindi ko alam kung bakit, hays. Nang makatapos na 'kong makaligo ay pumili na lamang ako ng susuotin ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng di makuntento sa susuotin ko, fvck! Una kong napili ay black pants and black shirt. Parang pupunta naman ako sa patay nito?! Second option ko naman ay Black pants tapos white shirt. 'Nyeta parang ganun na rin, nakaputi at nakablack! At sa pinakahuling pili ko ay denim pants at white shirt. 

Much better...

Itinali ko lahat ng buhok ko at kinuha ang glasses ko sa table ko at ang mga gamit ko. May pagkalabo rin ang mata ko, hindi naman sobrang labo, hindi ko lang talaga mabasa yung mga nakasulat sa board.

Nang maisuot ko na ang sapatos ko ay bumaba kaagad ako, dahil nakaramdam rin ako ng gutom. Umupo ako sa upuan para kumain. 

"Morning" bati ko sakanilang dalawa. Napangiti nalang sila sakin. Wow ha? Ngiti? Anong meron at nginitian na nila ako?

"Enjoy your first day of school and please Santi, huwag na huwag mo dadalhin ang ugali mo doon. Focus on your studies, aim for the goals." ani Blake. Tumango nalang ako sakanila. I can't say na hindi ko madadala ang ugali ko doon. Pero sige, ngayong araw, titignan ko muna paligid ko if it's safe na hindi ipakita yung ugali ko, but.. once na may mali... pasensyahan nalang. Di ko matitiis ang sarili ko. 

Tumango nalang ako sakanila at tinuloy ang pagkain ko. " Make us proud naman, we all know na kaya mong pumasok sa top, naging valedictorian ka nga nung elementary eh, so there's a big chance na makakapasok ka." sabi ni Blythe "Titignan ko, ibang iba na ang highschool sa elemantary, Blythe" tinignan ko sya ng makahulugang tingin nang sabihin ko 'yon. Ayoko naman mag-expect sila na gagawin ko talaga sinabi nila dahil first of all, there's a possibility na madisappoint ko sila by my actions. Di ko na alam kung paano matitiis ang pagiging matino ko in this situation, dahil nakasayanan ko na kung ano ako ngayon. Ibang iba na ako noong elementary 'kesa ngayon. 

"Kahit na! Makakaya mo yan Bliss if you really do and pag pinagsikapan mo! Wag mo kasi ipuntirya ang katamaran mo! Ka--"

"Noona, stop it. Wag mo muna i-pressure si Bliss, first day na first day nya oh? All we need to do is to have a trust with her" ani Blake at nagpapasalamat talaga ako pinatigil niya si Blythe magbunganga sa harapan ng hapag-kainan. There you again with the trust! Pukinginang TRUST yan! Kahit anong tiwala pa ang aasahan nyo sakin, wala talaga kayong makukuha...

Get Real, Play Safe (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon