CHAPTER 1: BUNGGUAN
Date: September 5, 2017
" The happiest person you know needs someone to make him/her laugh"
[WARNING: This story contains grammatical and typographical errors so appreciation is highly accepted. This is my first story so don't expect too much from me. I'm just a beginner who wants to share his imagination. Thank you for reading]
~~~~~~~~
SITTY'S Point of View
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Di sana, hindi ako masasaktan ng ganito!! Di sana, hindi ako nagpakalulong sa pag-ibig na hindi naman pala dapat ay sa akin!!" napapaluha ako sa bawat linyang binabato ng bida dun sa lalaki
"Sorry kung pinaasa kita. Ako yung mali" tinatanggap lang lahat ng lalaki ang bawat sampal na nanggagaling sa babae
Ang sakit sakit ng story. Matagal na pa lang niloloko ni Bryan si Ash. Mahal na mahal ni Ash si Bryan pero mauuwi rin pala sila sa SAD ENDING. May pumatak na luha mula sa aking mga mata. Agad ko ng pinatay ang laptop ko kasi hindi ko na kaya. Emosyonal ko 'no
Nakakarelate ako sa nangyayari sa kanya. Yung tipong asang-asa ka kasi akala mo mahal ka niya
Kasi akala mo iniintindi ka niya
Kasi akala mo binibigyan ka niya ng halaga
Pero.... Isa lang yung napakalaking "AKALA"
"SITTYYYYYY!!!!" isang boses mula sa isang babaeng may malakas at nakakarinding pagkatao. Ang bestfriend ko"ANO NAMAN!?!?!?!" sigaw ko pabalik sa kanya
"SITTY!! KILALA KO NA SI BABYLOVES KO!!" sigaw niya sa harap ko with maching tili pa to the highest note. Nakakairita yung bunganga niya. Talo niya pa si Anne Curtis kung ngumawa
"Anong klase ka bang tao?!?! Pati ba naman megaphone, kinakain mo!" sarkastiko kong pagkakasabi sa kanya
"Eh, ano naman sa'yo!"
Nagulat ako sa naging sagot niya. She's crazy. Natawa ako ng kaunti ng dahil dun at nagseryoso
"Anong pakialam ko sa Babyloves mo?!?! At pwede ba pakibawasan 'yang echo mula sa lalamunan mo. Anshakit eh" totoo na 'to. Nakakabingi kasi talaga
"Sus, BITTER!" sabat niya sa akin. Wow! Bitter? Ako? Hindi ba pwedeng hindi lang ako interesado
"Hindi ako bitter Pia. Hindi lang ako interesado na malaman kung ano man ang tungkol dyan sa 'babyloves' mo. Atsaka 'wag mo kong iimbyernahin dyan. Kakatapos ko lang umiyak" sabat ko sa kanya
"Bakit ka na naman umiyak?" tanong niya sa akin
YOU ARE READING
Courting LOVE [ON-GOING]
HumorShe can do anything She is unstoppable She is not so very typical type of girl She is insane She is courting LOVE In short, LOVE'S SUITOR