Chapter 4: SIKRETO NI PAG-IBIG

3 0 0
                                    

CHAPTER 4: SIKRETO NI PAG-IBIG
Date: September 14, 2017

"Masamang sumugal! Alam mo kung bakit? Kasi walang kasiguraduhan kung mananalo ka o hindi! Maghihintay ka, aasa ka at masasaktan ka sa bagay na hindi mo alam kung mangyayari ba!- Fear Deguzman from The Parting (WAGFILWAG Part II) by JoeyJMakathangisip"

[AN: Another chapter na naman. May strict scene po in this chapter. Magugulat kayo sa kung ano ang mangyayari kasi.. basahin niyo muna. I dedicated this chapter for everyone who is waiting for my update. Thank you a lot CL's Masters]

~~~~~~~~~~

SITTY'S Point of View

Iiyak na ba ako? Matutuwa? Magagalit? Matatakot? Mandidiri? Kasi naman eh, wala akong kaalam-alam kung bakit ako hinihila ng lalaking 'to

Si LOVE

Oo, kilala ko na siya. Kanina sa classroom nakita ko siya at buti na lang hindi niya ako napansin. Busy siya sa pakikipagharutan sa katabi niya. Nalaman ko ang name niya nang marinig ko ang bulungan ng dalawang impaktong babae sa di kalayuang pwesto namin

~ FLASHBACK ~
"Ang pogi talaga ni Love nuh! Sarap niyang halikan" sabi nung malaking mata na babae, natakot ako sa kanya. Akala ko pinanlilisikan niya ako ng mata

"Yung labi niya! Tapos kapag ngumiti pa. Pwede na akong mamatay kung hahalikan niya ako" mas nagulat ako sa katabi ni laki mata. Mukhang kabayo, lalaki ba siya o babae? Nakakatakot siya

"Tanga, never kang hahalikan niyan. Eh ang panget mo kaya" ani ni Big Eye Girl

"Mas lalo ka naman!" bawi ni Horse Face Girl

At nagsagutan silang dalawa. Hala! Mga mahilig sa away. Nabalitaan ko kanina na nakafirst offense 'yung dalawang yon. Buti hindi sila pinarusahan

~ END OF FLASHBACK ~

Masaya ako kanina kasi hindi niya ako napansin sa habang nasa classroom kami. Pero si Tadhana talaga may gustong patunayan. Sapakan na lang

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

Pagod na akong lumaban sa panghihila niya. Ang lakas niya, hindi ko siya kaya

Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Ay snober! Wala ba siyang bibig na pwede niyang gamitin sa pagsagot sa tanong ko

"Hoy! Love! Sagutin mo ako!" tawag ko sa kanya. Ngayon, tinawag ko siya sa pangalan niya. Uupakan ko na 'to kapag di parin nagreply sa tanong ko. Nag-aral pa naman ako ng taekwondo.. pero hindi ako marunong sumipa. Inshort, joke lang yun

Hinarap niya ako with his serious face, kaso wala parin yung hinihingi kong sagot. Tinulak niya ako sa pader. I think nasa likod kami na area ng university. Wala masyadong tao at tahimik. Malinis din, walang basura. Ang hangin, feeling mo hinehele ka nito. Maganda ang atmosphere sa part na ito. Nawala ang pagdadamdam ko nang..

Bumalik ang tingin ko kay Love. Suddenly, he pinned me to the wall by his right arm. Nashock ako sa ginawa niya. Ano kayang nainom nito at nag aassume ako na, may balak siyang gawing masama sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nainis ako sa ginawa niya. Teka, manyakis!

Hindi ko na napigilan na sampalin siya "Manyakis ka! Anong gagawin mo sa akin?" galit ako sa kanya. Galit na galit. Kung dati ay first level palang, ngayon umaapaw na. Hindi na kailangan ng gitna. Diretso sa maximum level agad

Napahawak siya sa parte ng mukha niyang nasampal ko. Nararamdaman ko na ang luha kong unti-unting bumababa mula sa aking mata patungo sa aking pisngi

Hindi pa ako kailanman naboso ng kahit na sino. Ang lakas naman ng apog ng lalaking 'to na ganunin ako. Kahit tingin lang 'yun, abuse na yon para sa akin. Mababaw mang isipin pero pambabastos na para sa akin 'yun

Courting LOVE [ON-GOING]Where stories live. Discover now