CHAPTER 3: BAKLANG PAFALL
Date: September 11, 2017"Ang TADHANA ay parang bata, mahilig MAGLARO. Pero alam mo, sana magMATURE na ang TADHANA. Para MAISIP NIYA na ang pagiging MAPAGLARO, ay NAKAKASAKIT na- unknown"
[AN: I'm always thank you everyone for appreciation. I also thank you for reading and supporting my story. Matagal po ang pag-uupdate ko kasi wala pa akong WiFi, so kailangan ko muna magload para makaUD lang. Stay strong kaCL]
~~~~~~~~~~
SITTY'S Point of View
"Totoo ba 'to? Ang ganda naman" sambit ko nang mapanhik ako sa isang restaurant, nakita ko na napakaganda at nakakarelax ang atmosphere dito
"Thank you for appreciating my effort, I made these just for you" napamula naman ako sa sinabi niya. Nakakakilig naman siya pero bakit ang labo niya? I mean, hindi ko makita yung mukha niya ng malinaw. Ang weird naman but keribels lang, kinikilig talaga ako
Pinaupo niya ako, at siya pa ang nag-urong ng upuan. Napaka-gentleman naman ng lalaking 'to. Ang sweet pa kasi nageffort siya para pagandahin 'tong place na 'to. At ako naman, I think we're dating.. Hindi naman sa nagaassume pero hindi naman ata ako manhid para sa mga bagay na 'to. Isa pa, siya ang dream guy ko
Sweet, ma-effort, gentlemen and mayaman pa. Nako! Mabubuhay ako sa kanya. Yes na ba ako?
"Kain na muna tayo. May surprise ako sayo after this" aniya nang magsimula na rin siyang kumain. Kumain na rin ako. Sunod-sunod kong sinubo.. yung kutsara na may pagkain. Ang sarap ng meal. Siya ba nagluto nito?Pahingi pa. Ano ka ba Sitty? Patay-gutom besh? Hahaha.. but I can't help it. Marami ang nagugutom sa panahon ngayon. Sayang ang pagkain na 'to kapag hindi naubos
"Let's have picture" sabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa may handbag ko and itinutok ang front camera nito sa amin. "Smile!" sabay ngiti
Nang matapos na namin ang pagkain. May binigay siya sa akin but.. "Eto yung surprise ko sayo, 'wag mo munang bubuksan 'yan not until I said so" explain niya sa akin. But why? Siguro.. I can't wait
Dinala niya ako sa side at hinawakan niya ang bewang ko. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, so hinawakan ko rin ang mga makikisig nitong balikat. Inshort, sasayaw kami. Nagstart bigla ang music. It so romantic, nadadala kaming dalawa sa musikang sinasabayan namin. Patuloy kami sa pag-indayog. Ang special ng araw na 'to para sa akin. Matapos kaming sumayaw sa gilid, may sinabi siya.. pero hindi ko narinig
"Ano 'yun?" tanong ko
"Ahh.. wala" sabi niya
Uuwi na kami. Papalabas na kami at pumunta na sa kanyang kotse. Yaman talaga. Malapit na kami sa lugar kung saan naka-park 'yung kotse niya. Bigla niya akong hinarap sa kaniya ng walang kaalam-alam. Nagulat ako sa ginawa niya. Kahit hindi ko maaninag 'yung mukha niya, namula ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, nagiging abnormal talaga 'tong puso ko. "I can't help falling in love with you Sitty" manly na pagkakasabi niya
Gosh! Kung alam mo lang na nakaka-inlove ka rin. Hindi ako makapagsalita, walang ibang reaksiyon bukod sa gulat, kilig at saya. Syempre, nakakadismaya din kasi hindi ko talaga siya maaninag. Bakit? Ang weird talaga
Nagsimulang lumapit 'yung mukha niya. Anong gagawin niya? Hahalikan niya ba ako? Omygash! Hindi ako ready? Help me!
Pinikit ko na lang ang mata ko
Nararamdaman ko na 'yung hininga niya. Ang bango. I almost feel that our face is just an inch apart. Bakit ang bagal? Bilis!
*ring*
Bigla akong napabangon sa higaan ko. Aish! Ano 'yun? Bakit walang kiss? Bakit walang butterfly? Bakit?
Bigla kong sinampal 'yung sarili ko to verify kung panaginip lang ba 'yun
YOU ARE READING
Courting LOVE [ON-GOING]
HumorShe can do anything She is unstoppable She is not so very typical type of girl She is insane She is courting LOVE In short, LOVE'S SUITOR