LWFH ~ Love him or hate him?

104 4 0
                                    

PAIGE

Kanina pa ako tulala dito sa veranda sa kwarto ko. Nalilito pa rin kasi ako sa sinabi ni Alex. Do I really love Silver?

Kasi kapag naiisip kong mahal ko siya ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Ano ang ibig sabihin non?

*Booooogsh*

Napabalikas naman ako sa narinig ko. Tunog ng nabasag na vase or salamin. Kaya agad akong lumabas ng kwarto ko at tahimik lang naman dito.

*Boooogsh*

"Ay! Baboy!"- sigaw ko dahil sa gulat. Sa kwarto yun ni Silver ah? Dahan-dahan akong lumapit at idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng silid ni Silver. Nagulat ako nang may nabasag ulit. Kaya dahan-dahan kong binuksan ito dahil baka ano na ang nangyayari sa loob.

At nagulat ako dahil sobrang kalat ng kanyang silid ay puno ng mga basag na bote at vases. Nakatayo at nakatalikod si Silver saken at nakatingin lang ito sa cellphone niya.

Pero ang mas nakakagulat ay hinagis niya ang cellphone niya at nagulat ako nung muntik niya akong matamaan. Tinignan ko ang cellphone niya dahil sa paa ko ito nag landing. Hindi ito namatay, nagulat ako sa nakita ko. Picture ko ito at ni Alex na magkahalikan sa pool.

Pero bakit may ganito siya? Siya ba ang kumuha ng litrato? Nilapitan ko siya at nakatingin lang ito saken. Mugtong-mugto ang mga mata at maraming dugo ang kanyang damit.

"Silver..."

"Umalis kana dito."- seryosong sambit niya.

"Silver... Okay ka lang ba?"- I know that was the stupid question ever. Pero bahala na.

"You think I'm okay?! Look at me! You think this is okay?"- sigaw niya saken at padabog akong tinalikuran.

_____________

A week had passed and sobrang tahimik ng bahay. Hindi kami nag papansinsan ng mga boys and lately Alex is bringing different girls everyday.

I don't know what's really wrong with them and nakakapanibago lang. Alex is back calling me Paige duh and he's back teasing me. But after I confessed to Keith and after the confrontation with silver ay hindi na nila ako pinansin, but not for Keith dahil super bait niya pa rin sakin.

And it's still confuses me the things that Alex said, I don't really know what I feel about Silver. And I think that's what I'm going to find out.

I'm here sa dining room at kumakain ng bread habang malalim ang iniisip. Habang umuupo ako dito ay nakita kong papalapit si tito Jacob sa akin.

"Hi tito, what brings you here?"- nakangiting bungad ko sa kanya.

"Paige. Why is the house is so silent? Asan yung mga lalaki?"

Yeah, even tito nahalata din niya lol

"Keith was on his job, Alex is nowhere with his whores, Oliver nasa room niya and I don't know where Silver is tito."

"Oh okay, Pasaway nanaman ba si Alex? Is he bringing his girls here?"

"Uh yes tito."- I rolled my eyes. He just chuckled, sanay na siguro sa kagaguhan ni Alex.

"So I am here to inform you, I mean all of you na tomorrow is opening of my resort. And I want you to tell this to them and sabihin mo na sa ayaw at sa gusto nila dapat sila pumunta. At para na ring mag unwind kayo, mukhang hindi na fresh yung air dito sa pamamahay ko eh hahaha."- hindi na nga talaga tito lol and going to a beach will be best, and besides I love beaches I can feel peace.

"Oh sure tito. Anong oras po?"

"By 6 ipapasundo ko na kayo dito, hindi na ako makakasama sa inyo dahil pupunta na ako dun. Hoping to see you all there iha."- saad ni tito and ngumiti lang ako.

"Umm, tito is dad will be t-there too?"- ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkausap at nagkita. Ni hindi nga niya ako tinatawagan para kamustahin eh.

"Yes he will iha, after all we are business partners. Why is there any problem?"- yeah , what do I expect business partners nga sila diba?

"W-wala naman ho."- saad ko at pilit na ngumiti kay tito Jacob.

___________

This is so weirddddd........

Ilang araw na kaming tahimik kumakain and hindi nag papansinan kapag nasa hapag na kami. Tinignan ko isa isa ang mga lalaki na nasa harap ko. Walang ganang kumain not the usual way they eat what I cook for them.

"Hindi ba masarap?"- tanong ko sa kanila pero tinignan lang nila ako. Isa isa ko silang tinawag para tanungin kung okay lang ba yung niluto ko.

"Keith?"

"No, it's delicious as it is Paige."- sagot niya saken at saka ngumiti I smiled back.

"Oliver?"

"Same as Keith says."- saad niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Alex?"

"Okay lang naman."

"Uh, S-silver? Okay lang naman diba?"- tinignan niya lang ako at bumalik lang siya sa pagkain ng niluto ko. Bahala na.

"Uh, so guys, pumunta kanina dito si Tito Jacob. And he told me tomorrow by 6 ipapasundo tayo dito at pupunta tayo para sa opening ng resort nyo."

"Oh, sure pupunta kami Paige. You will be there too?"- tanong ni Keith sakin habang nakangiti.

"Yes I am."

"That'll be fun."

______________

After naming kumain ay isa isa na silang pumunta sa kanilang mga room. Usually kasi pumupunta sila sa sofa then manunuod ng tv and magnanakaw ng chocolates pero bago pa makaalis si Silver ay tinawag ko na siya.

"U-uh S-silver, can we talk?




















It's really good to be back everyone! ☀

Living With Four HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon