LWFH ~ Crush

193 14 4
                                    

A/N: Alexander Vaillancourt on the multimedia 👆

____

"Bessssssssy!"- nakakarinding sigaw ng bestfriend ko na si Kathleen. She's always like this when we met.

"Shut up."

"So, what are we doing here?"- hindi pa niya pala alam kung ano na ang nangyayari sa buhay ko lol.

Hinigit ko siya dahil baka may makakakilala samen dito sa restaurant ni dad. 45 mins yung byahe mula sa bahay ng Vaillancourt hanggang dito sa mall, not bad.

Pumunta kami sa isang coffee shop at umupo dun saka nag-order.

"So, ano na?"- tanong ni Kath.

"Tigilan mo ako sa ka so-so mo diyan ha."

"So, ano na nga?"- saad niya na parang nang-aasar pa.

"Tsss. Okay fine, pinalayas ako ni Dad."

Bigla naman siyang tumawa ng napakalakas. As in pati yung mga tao dito tinitignan na kami.

"Huy, umayos ka nga."- saway ko sa kanya. Ka babaeng tao ang ingay-ingay wala man lang ka poise poise.

"Hay nako bessy, hindi na ako magtataka pa kung pinalayas ka ng dad mo."- saad niya saka humagikgik. Tss, kitams? Kaibigan ko pa ba 'to?

"Duh, manahimik ka diyan."

"So, bakit ka pinalayas? And where are you staying right now?"- kanina pa siya sa so-so niya ha! Naiirita na ako :/ pero sasabihin ko ba na nakatira ako kasama ang apat na lalaki na ubod ng kagwapu---kaengotan ang nasa isip?

"Basta, malayo dito."

"Eeeeeeeh! Ang daya naman."- sambit niya saka nag-pout.

"Clubbing tayo?"- pag-iiba ko ng usapan.

"Huh? Ang aga pa oh!"

"Eh saan tayo?"

"Maglibot-libot muna tayo dito."

Tumayo kami saka nagsimula nang maglakad at sisiguraduhin kong malilibot namin ang buong mall, charot. Syempre nakakapagod din yun.

"Maxwell!"- biglang sigaw ng isang napakapamilyar na boses. Napasapo naman ako sa ulo ko ng makita ko silang apat ugh pati ba naman dito guguluhin pa nila ako? Psh.

"Hi Paige duh."- sino pa ba yung tumatawag saken ng ganyan? Si Alex lang naman. Nakita kong nakatulala lang si Kath sa kanilang apat at napalunok.

"V-vaillancourt cousins?"- nauutal na sambit ni Kath. But wait, kilala niya sila?

"B-bessy kilala mo sila?"

"No"

"Yes"

Nagulat na lang ako na sabay sabay silang sumagot ng yes. The fuck?

"No, I don't know them. Ikaw kilala mo ba sila?"- tumango lang ito. Paano?

"Wait, do we know you? You look familiar."- saad ni Keith. Yung pinakamabait at pinakagwapo sa lahat. Yeah, I admit it I have a crush on him dahil sa kanilang apat siya lang yung biniyayaan ng magandang ugali hindi katulad nila, bulok. Hinahangaan ko lang siya yun lang.

"C-classmates tayo nung college."- napaisip naman silang apat. Hindi kami classmates ni Kath dahil iba yung school ko but we know each other dahil magkumpare si Dad at yung Daddy niya.

"Oh yes! I remember it, ikaw yung maingay sa klase na palaging pinapagalitan ng teacher!"- saad naman ni Silver. Napatawa naman ako, yeah she's too noisy.

Bago pa kung saan mapunta ang usapang ito at hinigit ko na si Kath para umalis na. Baka sumama pa yun sa lakad namin no, ang ingay nila kaya!

Nang makarating na kami sa parking lot ay sumakay na kami. Si Kath yung nagda-drive since sa kanya itong sasakyan.

"Kilala mo sila bessy?"

"Hindi."- simpleng sagot ko.

"May crush ka sa kanila 'no?"- dagdag ko pa para hindi niya na ako tanungin pa tungkol sa kanila. Nakita ko kasi kung paano siya matigilan at mamula nung dumating ang apat na yun.

"H-ha? Wala kaya!"

"Asus. Deny mo pa sige."- natatawang sambit ko.

"S-saan tayo ngayon? Saka bakit tayo umalis kaagad?"- I really smell something fishy!

"Sa club nga."

...

Pagdating ko sa bahay ay nakapatay na yung ilaw. 2:30 am na rin kasi. Napasarap ang buhay namin dun sa club, ang saya kaya dun. Saka hindi na ako nagpahatid kay Kath, baka kung anong isipin niya sakaling malam niyang nakatira ako kasama ang apat na engot. Ang ingay pa naman nun.

Pero pagpasok ko pa lang ng sofa ay biglang nag-on yung ilaw saka nakita ko ang apat na lalaki na kinaiinisan ko, well except for Keith maybe. Naka crossed arms pa silang apat.

"What?"- tanong ko sa kanila kasi titig na titig pa rin sila saken. I feel uncomfortable kaya! Nilapitan nila akong apat at pinalibutan.

"Alam mo bang hindi ito ang oras ng uwi ng isang desenteng babae?"- sermon ni Silver.

"And so? Wala kayong pakialam."- saad ko saka inirapan sila.

"Yes we do. Kami ang may-ari ng bahay, at ayaw naming may pumasok pa dito na tao kapag ganitong oras. Istorbo yun alam mo ba yun?"- dagdag pa niya.

"Bakit inistorbo ko ba kayo? Saka soundproof yung rooms niyo!"

"Sa susunod na uuwi ka ng ganitong oras ay hindi ka na namin papasukin pa. At dun ka sa labas matutulog."- saad ni Silver saka umalis sila. Naiwan naman si Alex

"Huwag mo nang ulit gawin 'to."- saad niya saken siya ginulo yung buhok ko. I know nagbabaitan lang yang Alexander na yan kasi nga playboy.

Nakita ko naman si Keith na ngumiti lang sa akin kaya namula naman ako. Shet, ang gwapo niya!

Matapos nila akong sermonan, I mean matapos akong sermonan ni Silver ay pumunta na kaagad ako sa kwarta saka nahiga. Ah, what a long day.

***

Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa banyo para magtooth-brush at maligo. Nakalimutan ko palang magbihis kagabi, kakapahod din kasi kaya nakatulog kaagad ako.

Pagkatapos kong maligo ay nilagay ko yung towel sa katawan ko saka lumabas ng banyo. Pero napatigil naman ako nung makita ko si Keith sa kama nakaupo ito.

"Oh I'm sorry. Di ko alam na naligo ka pala."- saad niya saka tumayo at mukhang aalis na.

"Wait. Anong kailangan mo?"- tanong ko sa kanya. Kaya napalingon naman ito saken. Pero pilit niya pa ring iniiwas yung tingin niya saken. How cute!

"Gusto ko lang sanang humingi ng sorry."

"For what?"

"Dahil kagabi. Pagpasensyahan mo na si Silver, masyadong strict kasi yun at masungit lalo na't bahay niya 'to."- si Silver yung nanermon tapos siya yung humihingi ng sorry? Huwag kang ganyan Keith aabusuhin nila yung pagiging mabait mo kung sakali.

"Si Silver yung nanermon hindi ikaw."

"Kahit na ako pa rin naman yung nakakatanda dito kaya ako na ang magsosorry sa mga pinangaggawa ng mga pinsan ko."

"Wala yun, saka tama rin naman si Silver eh. Hindi yun ang oras na uwi ng isang babae."- sagot ko sa kanya.

"Sige, pasensya sa istorbo."- saad niya saka umalis na. Hay nako Keith

___

Don't forget to vote and comment, lovelots :**

√RosyIce

Living With Four HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon