LWFH ~ Meet them

378 16 4
                                    

I'm packing my things right now, wala si dad ngayon at aalis ako sa kung anong oras kong gustong umalis. Bahala na siya, sabi niya kasi maghihintay si Jobert saken sa baba yung driver namin.

Bumaba muna ako at pumunta sa kusina. Dadalhin ko lahat ng chocolates ko.

"Baby..."- napatili naman ako dahil narinig ko ang boses ni kuya yes, si kuya Christopher but I call him kuya Chris. Dali dali akong pumunta sa sala at nakita ko siyang naka formal suit pa rin. Galing na naman siya sa trabaho.

Siya yung pinaka hinahangaan ko sa lahat dahil kahit hirap na hirap siya sa business ni dad dahil hindi niya forte ang hotels and restaurants. He's an engineer, but dad forces him na imanage yung hotels.

He's the best kuya in the world. Hindi na nga yan nakakapagbibigay ng time para sa sarili niya. Ni hindi rin niyan nagka-girlfriend, the last time he courted a girl and it didn't turned out good dahil wala siyang naging time para sa girl.

"Kuya!"- sabi ko saka niyakap soya ng mahigpit.

"Sinabi na saken ni dad."- alam na pala niya na aalis na ako ngayon.

"Kuya, hindi na ba magbabago yung isip ni dad?"

"You know him well, I know hindi na. Pero kapag nakaipon na ako, aalis na tayo sa puder niya. Saka baka mas mabuti na lang siguro muna kung doon ka, magpa-miss ka muna kay dad."- he said and giggles. Kuya is definitely hot and drop dead gorgeous kung hindi ko lang kuya to siguro nilalandi ko na 'to pero joke lang! Hahaha

"As if he'll miss me!"- sagot ko naman saka tumawa. Sanay na kami sa kalupitan ni dad, at tinatawanan na lang namin yon.

...

"You'll take care okay?"- paalala ni kuya. Ngayon na ang alis ko, tumawag kanina si dad at beastmode na naman siya dahil hindi pa daw ako umaalis. Di naman siya masyadong atat eh no?

"Yes kuya."- and for the last time I hug him.

"I love you baby."

"I love you too, kuya."

Dinala na ni Jobert ang bag ko sa sasakyan at sumunod na din ako sa kanya. Lumingon ako muna kay kuya bago pumasok sa sasakyan saka kumaway.

He smiles and wave back. Mamimiss ko si kuya, ng sobra. Sumakay na ako sa sasakyan at kinuha ang phone ko para magpa tugtog sana.

"Ma'am 3 hours yung byahe mula dito, hanggang doon."- saad ni Jobert, napanganga naman ako. Sobrang tagal naman nun!

"What?!"- napakamot na lang ako ng ulo ko.

And wait, for sure you want to know my full name. I am Paige Maxwell and 20 years old na ako and definitely graduate na ako and si kuya naman ay 22 years old na.

And back to the story, siguro iidlip na muna ako masyadong mahaba ang byahe ko ngayon.

...

Nagising ako dahil huminto kami sa isang guard house, parang nasa subdivision kami.

"Kanina pa ba tayo dito?"- tanong ko kay Jobert. Tumango ito at bumalik sa pag-uusap sa gwardiya

"Bakit hindi pa tayo pumasok?"- tanong ko ulit. Lumingon ito sakin at alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin hindi kami pinapasok nung guard. Kaya naman ay bumaba ako at hinarap amg guard.

"Bakit hinaharang mo kami? Here's my I.D, and now can you please let us in?"- medyo nataranta naman ang guard nung ipinakita ko sa kanya yung I.D ko at binuksan niya naman kaagad ang gate nung subdivision.

"Kanina pa pala tayo dun di mo man lang ako ginising!"- singhal ko kay Jobert.

"E-eh mukhang p-pagod ka po kasi ma'am."- nauutal naman niyang sagot.

"Kahit na! You should've wake me up! Ugh!"- magagalit na naman nito si Dad sakin. He will yell at me because I'm late na 'kuno' eh hindi naman yung school para ma late! Duh.

"S-sorry po ma'am."

Ugh! Naiinis na talaga ako sa buhay ko! Mabuti na lang at may kuya pa ako, siguro kung wala baliw na ako. Heh!

Huminto naman kami sa malaking bahay. Sobrang laki, malawak yung lawn nila sa gilid. Well, mukhang maganda yung magiging buhay ko dito ah? Napangiti naman ako nang nakakaloko.

Pinagbuksan ako ni Jobert ng pinto at lumabas ako saka dumiretso sa loob ng bahay. Well, this house is kinda amazing. I'm sure mag e-enjoy ako dito.

"Dadalhin ko lang po ito sa room niyo."- sagot nung isang kasambahay na sumalubong samen ni Jobert.

Nagpaalam naman si Jobert at umalis na ng bahay dahil mag-gagabi na rin. Sinundan ko yung kasambahay sa second floor at pumasok kami sa isang kwarto. Madilim yung kwarto dahil isang lamp-shade lang yung naka-on. Maaliwalas ang kwarto at mukhang pinaghandaan talaga ang pagdating ko.

Nagpaalam na sa akin ang kasambahay kaya tumango lang ako. Binuksan ko ang cabinet at walang laman ito, mukhang bago. Hmm napangiti naman ako. Buhay reyna na naman ako hays.

Pumunta muna ako sa CR at maganda talaga! Malaki-laki lang ito sa CR namin kasi may Jacuzzi sa gilid at may bath tub rin at the same time. Kumikinang-kinang pa yung mga gamit *evil smile*

Lumabas ako dahil naramdaman ko naman ang pagkalam ng tiyan ko. Kumuha ako sa bag ng chocolates, kitkat yung favorite ko at palagi akong binibilhan ni kuya nito. Lumabas ako ng kwarto para makabisado ko ang pamamahay KO sa loob ng limang buwan.

Kakainin ko na sana yung kitkat pero may umagaw nito at pa simpleng lumakad pababa ng hagdan at nakapamulsa pa ito. Bumalik ako sanulirat ko ng namalayan kong wala na pala yung kitkat ko sa akin!

Nawala na siya sa paningin ko at sigurado akong nasa baba lang yun! Kaya agad-agad akong bumaba para kunin yung kitkat ko.

Nakita ko namang prenteng nakaupo lang siya sa sofa at nanonood ng TV at may kasama siyang lalaki na nagbabasa ng magazine maybe. And who are they? Magnanakaw ba sila? Saan na pala yung apat na mga bata?

"You!"- sigaw ko sa kanya at tinuro siya. Tumingin naman siya sakin at ibinalik niya lang ang tingin sa TV. Aba't walang modo! (A/N: Silver Vaillancourt in the multimedia.)

Bumaba ako at tinangkang kunin yung kitkat sa kanya pero nilamon niya ang lahat ng ito! Ugh! The fuck?! Yung kitkat ko!

"Hoy! It's mine!"- naiinis kong singhal sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa TV. Kaya pinatay ko yung TV at humarang ako sa harap niya.

"Yung chocolate ko!"- sigaw ko sa kanya. Kunin niya na lang yung lahat saken basta huwag lang yung chocolates ko!

"What the fuck?! Bakit mo pinatay?"- nakita ko naman padabog na umalis yung lalaking nagbabasa kanina ng magazine.

"Dahil you owe me a chocolate!"

"What? You want me to bring your chocolate back? Kunin mo dito sa lalamunan ko oh."- sabi niya saka ngumanga. And his teeth was completely white and straight!

"You're so gross! Ugh!"- tumawa lang ito at nilagay ang mga paa sa mesa na nasa harap niya. Kaya padabog na lang akong umalis.

Umupo ako sa dining table at nakita kong may nakahanda ng masasarap na pagkain. Kakain na sana ako nung may magsidatingan na apat  na lalaki.

Yung isa nakapamulsa lang at walang emosyong yung mukha, yung isa naman ay nakasmirk, yung isa naman ay nakasmile yung walang halong smirk, yung simple lang at yung isa naman ay yung lalaking kumuha ng chocolate ko. Apat sila

Don't tell me...

Sila yung babantayan ko?!

"Sino kayo? And what are you doing here?"- napatawa naman yung lalaking naka-smirk.

"Hi beautiful, kami lang naman yung may-ari ng bahay na ito. And who are you?"- sabi niya saka kumindat saken kaya napairap na lang ako. Pero sila? Sila yung nakatira dito?

"Siya yung magbabantay sa inyo."- a manly voice interrupted us.

"Tito?!"- sabay-sabay nilang sagot maliban lang sa lalaking kumuha ng chocolate ko. Dahil dad yung tawag niya.

***

√RosyIce

Living With Four HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon