The Way I Loved You [SHORT-STORY]

2K 16 12
                                    

The Way I Loved You

by supergirlwearspants

PROLOGUE

Dylan Marco Gonzalez

      |  kath, may sasabihin ako sayo.

Dugdug. Dugdug.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi na naman siguro bagong kabahan kapag may nagsabi sa'yo n'yan diba? Wala na kasi akong kaide-ideya kung ano pa ang pwede niya sabihin sakin.

Kathryn Mariz Buenavidez

      | Ano? 

Dylan Marco Gonzalez

      | Gusto din pala ako ni Maj! :">

Parang gumuho ang mundo ko nung sinabi n'ya 'yun sa akin. Pero, bakit ganon? Hindi naman dapat ganito ang mararamdaman ko eh. Pinakawalan ko na s'ya. Pinakawalan ko na ang isang lalaking handang ibigay ang buong buhay niya para sakin. Tapos ngayon, iba na ang minamahal niya.

Wala na.

Tapos na.

Ako sana yung ipinagmamayabang niya sa buong mundo.

Ako sana yung babaeng nasa piling niya ngayon.

Pero hindi ganyan eh. Spell tanga. K-A-T-H-R-Y-N. Ang tanga-tanga ko talagaaaaa!

Naaalala ko pa yung araw na pinakawalan ko siya... Kung pwede lang sanang mabawi yung araw na yun, babawiin ko. Kung pwede ko lang sanang mabawi kung ano 'yung sinabi ko sa kanya nung gabing 'yun.

May mahal na rin akong iba ngayon, mahal n'ya rin naman ako, pero hindi ko pa ring maiwasang isiping...

Sana siya nalang yung pinili ko.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon