CHAPTER 4

329 10 8
                                    

CHAPTER 4

Kinabukasan.. pagkauwi ko galing sa school, nag-online na ulit ako sa FB.

Pagkabukas ko palang sa Facebook.com mismo, nakita ko na agad sa pinaka-ibabaw ng news feed ko yung status ni Marco.

"Dylan Marco Gonzalez

If loving you means letting you go, then I will. :("

Owwwwsh*t. Ang daming likes, tapos ang dami na ring nagcomment! Puro tungkol saming dalawa yung nakita ko. Malamang, sino pa ba? Ako naman ang alam talaga nilang gusto ni Marco eh, onti lang naman nakakaalam nung tungkol kay Maj. Grabe talaga nung mga nakita ko sa comments. Yung mga tipong, bakit daw niya ako susukuan, bakit daw siya susuko pagkatapos ang lahat...

Tapos alam n'yo ba kung ano 'yung sagot niya sa kanila?

"dun kasi siya sasaya..."

"hindi ko siya mapapasaya eh.."

Ouch lang... parang nagiguilty naman akong basahin yung post na yun. Wag na nga lang. Nag-scroll pa ako sa mga posts sa news feed ko. 'Yung mga pwedeng i-share, i-like... pero 'wag lang related doon samin ni Marco. Ewan ko ba eh.

BEEP.

*Nathan Alcantara sent you a message*

Nathan Alcantara

      |  ui kath..

Nako. Isa pa 'to.

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Bakit?

Nathan Alcantara

      |  tma ba ung nbbsa ko sa status ni marco?

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Si Marco tanungin mo, wag ako.

Nathan Alcantara

      |  di nga?? binasted mo na sya?

Mukhang mapipilit na naman akong mapagdesisyunan ang isang bagay na hindi pa ako handang pagdesisyunan...

Nathan Alcantara

      |  kath...

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oh?

Nathan Alcantara

      |  basted na si marco?

Si Marco kasi... kung titimbangin mo, s'ya talaga 'yung pinaka-mabigat sa mga manliligaw ko. S'ya yung mahirap na kakumpetensya. Kaya kung binasted ko na s'ya, edi mas madadalian na 'yung iba. Eh dahil pinagsigawan n'ya na sa buong mundo na sumusuko na s'ya... mukhang nabuhayan ng loob nang bonggang bongga si Nathan.

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oo.

Nathan Alcantara

      |  edi.. cno pnili mo?

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Ikaw... :P

      |  Nathan, parang gusto din yata kita eh.

Nathan Alcantara

      |  o?? yes!!!!!

      |  edi tayo na??

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oo... :P

     |  Sana. Hahaha. Bawal pa kay mommy at daddy. :>

Nathan Alcantara

      |  yeeeees!!!!

      |  mahal din ako ng babaeng mahal ko. <3

      |  i love you kathryn mariz p. buenavidez :**

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  I love you too Nathan! :*

So, ito na nga talaga 'yun. Si Nathan na nga ang pinili ko... Parang kami na rin! :""">

Pero bakit parang...

Hindi ako naging masaya sa desisyon ko?

Mahal ko nga si Nathan, sinabi ko na sa kanya. Hindi ba dapat ako masaya nito?!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon