CHAPTER 1

553 14 7
                                    

CHAPTER 1

Ako pala si Kathryn Mariz Buenavidez. Isang incoming senior sa isang prestigious private high school sa Makati. Gusto nyo ba akong makilala pa?

Hmm... Maganda ako. Hindi naman sa pagmamayabang, pero oo, maganda ako. Kahit madami namang magaganda sa school namin, ibahin mo pa rin ako. Ako yata ang sinasabi nilang pinakamaganda sa batch namin. Humble naman ako eh, 'wag kayong mag-alala. Nakatapak pa rin naman sa lupa 'yung mga paa ko kahit papano. Kasi alam n'yo, tahimik lang akong tao, pero nakayanan ko pa ring sumikat nang ganon. Anong say n'yo sa beauty ng lola n'yo? Hmm.

At dahil nga doon, nagkaroon ako ng mga manliligaw. Take note: MGA manliligaw. Oo, naging madami sila. Elementary palang ako, dumagsa na sila. Mas dumami nga lang nung nag-first year na ako kasi masasabi nang "legal" ang panliligaw kasi high school na. Ang swerte-swerte ko nga eh, kasi halos lahat ng nagkakagusto sakin, puro gwapo at sikat din! Kinaiinggitan nga ako ng karamihan ng mga babae sa school eh. Kadalasan kasi, 'yung mga crush nila daw, ako 'yung gusto. Weeeell, hindi ko naman kasalanang pinanganak akong maganda.

Pero sa totoo lang, wala pa rin akong sinasagot sa kanila. Sa totoo nga lang, sa lagay na 'to, hindi pa ako nagkakaboyfriend. Strict parents ko eh, tapos ayaw ko pa din naman. Gusto ko kasi, yung first boyfriend ko, yung pang-matagalan na. Kaya ayun, hanggang ligaw lang abot nila sa akin. Kung hindi nila kayang maghintay, edi ok lang. It's their loss, anyway. De joke lang. Hahaha.

At gusto ko rin pala... kaya niya talagang mapatunayang mahal niya ako. Hindi lang puro salita at regalo. Ok, gets?

Isa pang bagay tungkol sakin ay hindi pa ako na-iinlove nang bongga eh. Hindi ko pa ring naiiyakan ang isang lalaki. Hindi naman sa abnormal ako, pero gusto ko lang ma-inlove ako sa taong mamahalin din naman ako. Gusto ko, sila 'yung unang magkakagusto sa akin. At dahil may itsura naman ako, hindi naman nagiging mahirap 'yun para sa akin. Ayoko kasing maghabol sa isang lalaki. Ano ako, cheap? Ang babae kasi dapat hinahabol, hindi naghahabol.

Except ngayon...

Parang nakilala ko na yata ang taong tuluyang nagpapatibok ng puso ko.

Si Mark Nathan Alcantara. :"""> Mayabang, bad boy at astigin. Kaklase ko siya nung 1st year at 2nd year ako. Siya ang first love ko mula pa noon. Not really first love, pero iba talaga s'ya sa mga ibang nanligaw sa akin eh. First year palang kami nun nung nanligaw s'ya. Nung tumagal kami, mag-MU na nga yata 'yung matatawag mo sa amin noon. Napapatunayan niya namang mahal niya ako... May regalo, lagi niya akong sinusuyo, masaya naman ako pag kasama ko siya... Sasagutin ko na nga sana siya nung 2nd year kami, kaso hindi pa ako sigurado. Isang beses nung tinanong niya ako, hindi pa ako um-oo sa kanya. Pagkatapos nun, sinukuan niya na ako. Hindi na kami muling nag-usap nun. Oo, ganon-ganon lang 'yun.

Tapos ang pinakasaklap pa d'yan? Nagkacrush siya sa iba - kaklase pa namin 'yun ha! Ipamukha ba naman sa akin na mabilis rin s'yang makalimot? Masakit. Nasaktan ako sobra... parang balewala lang 'yung mga sinabi n'ya sa akin noong mga pangako kasi ang dali-dali niya lang ako napalitan! </3 Pero inisip kong hanggang doon nalang dapat 'yun. Kung ayaw niya sakin, edi wag! Hindi ko ipapagpilitan sarili ko sa kanya.

Pagdating naman nung pasukan nung 3rd year na kami, kahit hindi na kami magkaklase, nanligaw na naman siya sakin. Tignan n'yo nga naman, hindi pa rin niya ako natiis. Sinukuan niya rin kasi yung "crush" niya kasi "crush" lang daw 'yun. Iba daw kasi ang crush sa pagmamahal, tapos ako naman daw ang mahal n'ya. Ayun, bumalik ulit kaming dalawa sa dati naming gawi. Hindi ko naman kasi maipapagkait sa sarili kong may nararamdaman pa rin ako sa kanya, basta hindi ko lang mapapahalata. Baka kasi mauwi lang ulit sa pagkakamali ang desisyon ko eh.

Hindi ko naman siya pinapaasa... sadyang wala pa talaga akong desisyon. Hindi ko nga alam kung handa na ba akong magkaboyfriend eh. Sabi naman kasi nila, first love never dies diba? Kaya eto, tignan mo naman ang nangyayari sa amin. Hanggang ngayon, kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako maka-get over kay Nathan. May mga pagkakamali pa rin naman s'yang nagagawa sa akin. Madalas kaya sa aming magkatampuhan o mag-away, ang gulo n'ya rin kasi minsan eh! Napansin ko pang hindi siya consistent pagdating sakin... Kung mahal mo talaga ako, edi ipakita mo! Hindi naman sa choosy ako, pero minsan kasi akala mo parang wala kaming pinagsamahan.

Or even worse...

Minsan aakalain mong hindi kami magkakilala...

Tuwing nagkakasalubong kami sa corridor o kung saan man, dinededma n'ya lang ako. Dinadaanan n'ya lang ako, kahit "hi" man lang, wala akong nakukuha mula sa kanya. May isang beses nga noon, nakikipaglandian s'ya kasama 'yung kaklase n'ya sa tapat ng classroom nila na parang hindi ko sila nakikita. Eh diba nga, doon s'ya dapat magmatino kapag wala ako? Nakakainis lang! Hindi man halatang affected ako, pero affected talaga ako! 

Oh diba? Minsan parang gusto mo nalang kalimutan 'yung mga ganyang tipo ng mga lalaki, pero hindi pa rin magawa-gawa. Para akong rubber band sa kanya - kahit gaano ko mang subukang lumayo, hindi ko kayang hindi bumalik. Diba, kapag ini-stretch mo 'yung rubber band, babalik din s'ya doon sa dati n'yang porma? Yun.

Kita n'yo na kung gaano kagulo 'yung lovelife ko kahit na-sentro lang s'ya kay Nathan? Lalo pa 'yang gumulo nung may isa pang dumating sa buhay ko.

Siya naman si Dylan Marco Gonzalez. Bagong transferee siya nung 3rd year na kami galing sa isang sikat na all-boys school sa Makati. Naging instant heartthrob s'ya mula nung pagtapak na pagtapak n'ya sa campus namin. Madaming babae ang naghabol sa kanya, halos lahat nga ng kaklase ko crush s'ya eh. Ilang tao na rin 'yun ha, gusto n'yo isama ko pa 'yung buong school? Huwag na, hindi rin keri ng powers ko sa sobrang dami. Kaso sabi n'ya, nung nakita daw niya ako, tumigil daw ang mundo niya. Oo, alam ko, ako na talagang may mahabang hair. Tulad ni Nathan, gwapo rin siya. Mayaman pa, tapos matalino. Lead vocalist ng banda nila, tapos varsity pa s'ya sa Basketball! Oh diba, agad-agad? Kita n'yo naman kung gaano kalakas itong lalaking 'to.

Nasa kanya na talaga lahat. Ako nalang daw ang kulang. Charot. Well, sa kanya naman nanggaling 'yun eh. :""""> Hindi n'ya talaga akong nabibigong pakiligin. Sobrang ramdam ko na mahal na mahal niya ako. Hindi nga siyang nahihiyang sabihin sa buong mundo na ako ang mahal niya. Ang laki nga ng pinagkaiba nila ni Nathan eh. Mas mabait siya, dakilang good boy naman kasi ang peg. Lagi siyang andyan para sakin. At di rin tulad ni Nathan, kailan man, hindi pa niya ako sinusukuan.

Parehas naman nila akong napapasaya...

Meron silang mga qualities na wala doon sa isa.

Pero sa lahat ng naging manliligaw ko, silang dalawa talaga ang tied para sa puso ko. Hindi ko na tuloy alam kung sinong pipiliin ko sa kanila!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon