CHAPTER 2

414 11 5
                                    

CHAPTER 2

Uwian na namin ngayon. Kasama ko ngayon 'yung dalawa kong forever best friends, sina Mitchie at Celine, mga kaklase ko 'yan mula nung first year palang ako. Nakatambay kami ngayon sa bench sa may garden, nanunuod kami ng mga nag-babasketball sa may open court sa tapat ng garden. Nagkataon naman, andoon din si Marco at Nathan naglalaro ng basketball. Basketbolista din kasi si Nathan, pero mas magaling nga lang talaga sa kanya si Marco. Varsity player nga si Marco, diba? Habang pinanunuod ko silang dalawa, ako pa 'yung mas naiilang sa kanila eh. Basta 'wag lang silang away, ok? Hindi naman sila sigurong mga isip bata para pag-awayan ako. Walang hard feelings - hard feelings dapat. Well, 'yun 'yung tingin ko, ewan ko lang sa kanilang dalawa.

"Oy Kath! Alam mo na ba kung sinong pipiliin mo?"

"Oo nga! Baka malapit na yung school dance natin."

"Aba, kailangan mo ng kadate!"

Oo nga pala, December na oh. Malapit na nga mag-school dance, pero mga ilang weeks pa 'yun ah. Alam n'yo, nung first year ako, naaalala kong kadate ko doon si Nathan. Haaay, isa 'yun sa mga araw na hindi ko talaga makakalimutan. Oo, marami din naman akong ibang nakasayaw, naintindihan naman ni Nathan 'yun. Pero most of  the time, si Nathan lang talaga 'yung kasayaw at kasama ko buong gabi. Binigyan pa nga niya ako ng kwintas nun eh, tapos may nakalagay na "KN". Para kahit saan daw ako pumunta, kasama ko parin siya. :""">

Nung second year ako... wala akong kadate, pero nakasayaw ko din naman si Nathan. Nung moment na kasi yun, nag-away nga kami ni Nathan. Isang beses n'ya lang ako sinayaw, tapos hindi pa kami nakapag-usap noong gabing 'yun. Umiral na naman ang pagka-manhid ko.

"Kailangan pa ba nun?"

"Baka ikaw si Kathryn Buenavidez, kailangan mo 'yun!"

Ganon ba talaga 'yun? Porke't kilala sa batch, kailangan agad ng kadate? Pwede namang wala ah. O________O

"Wala pa akong napipili."

"Bakit naman 'teh? Ayun 'yung choices mo oh!"

Sabay tumingin si Celine at Mitchie sa mga naglalaro ng basketball sa court. Obvious nga naman kung sino 'yung tinutukoy nila. Pero ewan ko, parang ayoko pa talagang pumili eh. Sus, parang kadate lang! Kailangan priority agad?!

"Pag pumili ako, edi parang binasted ko na yung isa. Ayoko naman siyang masaktan."

"Ayaw mo s'yang masaktan o ayaw mo lang mawalan?"

HALA. Hindi naman ako ganyang klase ng babae! Ano 'yun, mangongolekta ng mga manliligaw? Hindi naman ako ganyan ah... hindi nga ba?

"Iwanan mo nga 'yang sakit-sakit na yan. Isa lang din naman matitira sa kanilang dalawa."

Sabagay, may point si Mitchie... Sa dulo, talaga namang may iba-basted ako sa kanila eh. Isa lang naman 'yung magiging boyfriend ko, at isa lang naman 'yung mamahalin ko.

"Edi sino nga? Pili na oh."

"Si Mark."

"Loka-loka! Parehas kaya silang Mark!"

In case hindi niyo napansin, parehas na may Mark itong dalawa kong "minamahal". Si MARCo at si MARK nathan.

"Sinong Mark, yung C o yung K?

"Yung K. Si Nathan..." 

Si Nathan yata talaga eh. Hindi ko lang alam, pero parang s'ya nga talaga 'yung lamang sa puso ko eh. Ewan ko kasi diba? Wala pa naman akong balak na piliin sa kanila, hindi ko pa 'yan naiisip!

"Naloloka ka na ba 'teh? Kay Marco ka nalang!"

"Oo nga. Bet namin si Marco!"

"Hindi ko alam! Parang si Nathan na yata talaga pipiliin ko."

I guess?

"Ano ka ba?! Sino bang laging andyan para sa'yo, diba si Marco?"

"Ang yabang-yabang kaya ni Nathan! Malandi pa. Sasaktan ka lang nun."

"Kaya nga hindi pa ako nakakapagdecide diba?! Huwag nyo muna akong talakan! Tagal pa n'yan oh."

Haaaaaaaaaay. Ayoko na, naguguluhan talaga ako! Kung ganyan lang sana kadaling gumawa ng desisyon diba?

Ang sabi talaga ng puso ko, si Nathan.

Ang sabi ng mga kaibigan ko, si Marco daw.

Diba sabi nila "Follow Your Heart"? Eh pano naman kung mali yung pinupuntahan ng puso mo, susundin mo pa ba?

Sino bang papakinggan ko???

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon