CHAPTER 5

309 12 4
                                    

CHAPTER 5

*Kathryn Mariz Buenavidez is in a relationship with Nathan Alcantara*

The day after nung school dance namin nung ginawa na naming official ni Nathan ang relationship namin. Ang dami ngang naglike eh! Most of the people in our batch kasi, si Nathan ang gusto para sakin.

"sa wakas!!!!"

"Kayo parin talagang dalawa eh."

"stay strong! Nathryn <3"

Tinignan ko yung mga naglike nung update namin... Nagulat nalang ako dahil pati pala si Marco nilike yun! :O

Pumunta naman ako sa profile ni Nathan. Nakita kong nagpost si Marco sa wall niya!

"Dylan Marco Gonzalez

Alagaan mo si kath ha. lagot ka sakin pag sinaktan mo yan. :P"

Tinignan ko yung mga OL sa friends ko... si Nathan, offline. Pero si Marco, online! Awkwaaaaard.

*Dylan Marco Gonzalez posted on your wall*

"Dylan Marco Gonzalez

Congrats Kath! Stay strong kayo ha. Sana masaya ka. :)"

Ang awkward lang basahin nung wall post niya... Hindi ko alam kung bakit ako nagiguilty.

BEEP.

*Dylan Marco Gonzalez sent you a message*

Dylan Marco Gonzalez

      |  kath! :)

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Hi Marco!

Dylan Marco Gonzalez

      |  musta ka?

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Masaya naman. :) Ikaw?

Dylan Marco Gonzalez

      |  masaya na rin ako dahil masaya ka.

      |  sabihin mo lang sakin pag sinaktan ka ni nathan ha?

      |  suntok aabutin nyan sakin!

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oy wag naman! Haha.

Dylan Marco Gonzalez

      |  joke lang naman.. haha

      |  basta, gets mo nman sguro point ko nu?

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oo. :)

      |  Salamat pala ha.

Dylan Marco Gonzalez

      |  saan?

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Sa lahat. Hanggang ngayon andyan ka parin para sakin.

Dylan Marco Gonzalez

      |  oo naman.. basta ikaw.

      |  ay kath.. may sasabihin pala ako sayo.

Kinakabahan ako. Wala na akong kaide-ideya kung ano pa ang pwede niya masabi sakin.

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Ano?

Dylan Marco Gonzalez

      |  gusto din pala ako ni maj! :">

Gumuho ang mundo ko nung marinig ko yun sa kanya. Bakit ganon? Pinakawalan ako ang isang lalaking ibibigay ang buong buhay niya para sakin. Ngayon, iba na ang minamahal niya.

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Oh? Congrats naman! :D

      |  Pano mo nalaman?

Dylan Marco Gonzalez

      |  basta nung school dance.. :)

Kasama ko lang kasi si Nathan... hindi ko na siguro napansin si Marco nung gabing yun.

Kathryn Mariz Buenavidez

      |  Ah... ganon?

      |  Alagaan mo siya ha? :D

Dylan Marco Gonzalez

      |  oo naman.

      |  ako na si batman. ako na kasi bahala sa kanya. :>

Ang corny-corny talaga nitong si Marco kahit kailan! Hahahaha. Pero nakakamiss din pala

siya...

May boyfriend na ako, binasted ko na siya... Pero diba natural lang naman itong feeling para dating crush mo?

Mali.

Mula nung araw na binasted ko si Marco... araw-araw nalang sumasagi sa isipan ko kung ano yung posibleng nangyari kung si Marco ang sinagot ko hindi si Nathan. Hindi ko namamalayang unti-unti kong narerealize kung sino talaga ang laman ng puso ko.

Si Marco yung talagang laman ng puso ko, hindi si Nathan!

Mali ang desisyon ko... dapat pala nakinig nalang ako sa mga kaibigan ko!

Napapasaya man ako ni Nathan, pero iba parin ang sayang mararamdaman ko kapag si Marco ang kasama ko.

Wala na.

Tapos na.

Ako sana yung ipinagmamayabang niya sa buong mundo.

Ako sana yung babaeng nasa piling niya ngayon.

Natatandaan ko pa yung araw na pinakawalan ko siya... Kung pwede lang sanang mabawi yung araw na yun. Mabawi ko sana kung ano yung sinabi ko sa kanya nun.

Pero wala. Ang tanga-tanga ko!!!

The damage has been done.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon