Uzume's POV
Dahan- dahan akong bumaba ng hagdan. 5:30 pa lamang ng umaga ay nakabihis na ako papuntang paaralan. Ayaw kong may makakita sa akin. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Everything is clear. Dali- dali akong tumakbo papunta sa pinto. Pero bago ko pa man mabuksan ay may narinig na akong tumawag sa akin.
"Magandang umaga iha. Aalis ka na ba? Bakit sobrang aga mo yata?" tawag sa akin ni Nana Clara. Siya na ang nag- alaga sa akin mula ng maliit pa ako.
Mabilis akong lumapit kay Nana at inakbayan siya.
"Nana maaga akong aalis ha. Quite ka lang." seryoso kong bulong kay Nana sabay yakap sa kanya.
"Nakung bata ka. Sabi ko na nga ba't tatakas ka na naman sa mga bodyguard mo. Iha kailangan mo sila para sa kaligtasan mo." pangaral sa akin ni Nana. Pero binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. Alam kong di niya ako matitiis. Napabuntong hininga na lamang siya at may binigay sa akin galing sa likod niya. " Oohh eto ang baon mo. Aalis ka lang ng di nakakain. Ingatan mo ang sarili mo Uzume."
"Salamat Nana kaya mahal na mahal kita ehh. Alis na po ako." nakangiti kong paalam sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Tumalikod na ako at dali daling lumabas ng bahay.
Hindi pa masyadong maliwanag. Pero hindi naman ako natatakot. Nilakad ko lang hanggang sa makalabas ako ng subdivision. Ganito ang gusto ko. To be free. I want to be happy in my own way. I put the headset in my ears and listen to my favorite song. Gusto kong damhin ang lamig ng bagong umaga. Gusto kong makita kung paano sinisimulan ng iba ang kanilang araw.
Nang makarating ako sa gate ng subdivision ay nakita ko si Mang Ramon. Matagal na siyang guard dito at napakabait.
"Good morning Mang Ramon. Namiss ko kayo."
Napalingon sa akin ang guard.
"Uzume ikaw na bah yan? Naku magandang umaga rin. Ang tagal nating di nagkita ahh. Nakauwi na pala kayo dito." balik na bati ni Mang Ramon sa akin.
"Opo. Noong isang araw lang po ako dumating."
"Bakit ang aga mo naman yata? At bakit naglalakad ka lang?" tanong niya sa akin ng may pagtataka.
"Hehe. Exercise po ito at ayaw ko pong ma late sa eskwela. Kaya po mauna na ako. Dadaan po ako dito palagi at makikipagkwentohan sa inyo. Paalam po."
"Ohh siya sige. Mag- ingat ka ha." paalala ni Mang Ramon sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa sakayan ng jeep. First time kong makakasakay sa jeep at talagang excited ako. Nang makaupo na ako ay pinagpatuloy ko ang pakikinig ng music. Unti unting napupuno ang jeep. At ibang ibang tao ang nakikita ko.
May isang ale na ang daming dalang gulay. Sigurado namalengke siya. May isang lalaki naman na talagang nakaporma, ngunit mukhang kinakabahan. Siguro may job interview si kuya at first time niya. May dalawang matanda naman sa harap ko na sweet pa rin sa isa't isa. Parang ganito ang tinatawag na forever. Ang iba ay mga estudyante rin tulad ko. May college na at mga highschool rin. Iba ay inaantok ang iba naman ay mukhang masaya. Nakakamangha silang pagmasdan. Napangiti na lamang ako sa aking nakikita. Umalis na ang jeep at talagang dinama ko ang first time kong sakay dito.
This is what I want to see. The reality of life. I want to be part of this real life. Away from being the princess of my dreamy life. Away from elegance and blind world I live . I want to be simple. I want a simple yet happy life.
1. Ride in a public vehicle. √
YOU ARE READING
Joie de Vivre
General FictionWhen you already saw your light and hope, but lost it with a blink of an eye. When you already learn to smile and laugh, but see the tears running down in your eyes. When you learn to be strong and stand tall, but was drag down into another fall. W...