Uzume's Pov
The next day, maaga akong pumasok. Sumakay ulit ako sa jeep at tinakasan ang mga bodyguards ko. Sobrang saya talaga sumakay sa jeep. Para akong kinikilig.
While walking inside the school may biglang umakbay sa akin sa magkabila kong balikat. Pag tingin ko nasa kanan si Red at sa kaliwa si Blue. Nakangiti sila sa akin.
"You're like a sun that shines my day Uzume." sabi ni Blue sa akin.
"You're my air that keeps me alive Uzume." banat naman ni Red. Tiningnan siya ng masama ni Blue ngunit ngumisi lang ang kakambal niya.
"You're the fire that keeps me warm Uzume." banat muli ni Blue.
"You're the star that shines my darkest night." hindi rin nagpatalo si Red.
"Teka lang Red!! Bakit mo ba ako ginagaya??? Suntokan gusto mo??" sita ni Blue kay Red.
"Dali para malaman natin kung sino ang magaling bumanat!" tanggap naman ni Red sa hamon ng kambal.
Huminto ako at pinigilan silang dalaw. Natatawa ako na ewan. Ang cute nilang mag- away pero hindi naman pwede na lagi silang nag- aaway. They're brothers, and ofcourse twins. They should be allies. Partners in crime.
"Hey!! Calm down twinnies." I said and I earned a disgusting look from them. I laughed on their reactions. Namumula ang tenga nilang dalawa. I really want them to get along well.
I have a brother. I love him and I'm his princess. But we barely see each other. He studied at New York. At pasko at bagong taon lang kami magkasama. Kaya nakakainggit ang kambal na ito. They're bound to be together because of their twin connection.
"You're like a yin- yang. " sabi ko at nagsimulang maglakad muli. Sumabay naman sila sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "You may be differ in so many things. You may not blend each other well. You may argue in your own preferences in life. You may have rivalry. But at the end, you two are not whole without the other one. You will be incomplete if you loose each other. You will be empty if the other one vanish."
Natahimik silang dalawa. Alam ko tumatak sa kanila ang sinabi ko.
"Uzume, bumabanat ka ba sa amin?" tanong ni Red na nagtataka.
"Sa tingin ko Red bumanat siya." sabi naman ni Blue.
Tumawa ako sa sinabi nila.
"At sa lagay na ganyan, kayo lang ang may karapatang bumanat?" tanong ko sa kanila.
"Wengya! Talo tayo sa banat niya bro." sabi ni Blue. Tumango naman ang kakambal niya sa kanya bilang pagsang- ayon.
"Pwede kayong magkulitan, bastah huwag lang kayong magkasakitan. Love each other. Treasure each other. It' s a blessing to have a sibling, especially a twin. Iba ang connection niyo. I'll be happy if you both do that."
"Uzume anu ka ba?? Naninindig na mga balahibo ko sa mga sinasabi mo." pinakita pa ni Red ang balahibo niya sa braso niya.
"Dumudugo naman yung ilong ko." sabi naman ni Blue. Napatawa na lang ako sa kanila.
Nakarating kami sa room na nagtatawanan. Napatingin sa amin ang mga kaklase namin. Pag- upo ay nag fist bump pa ang kambal sa isa't isa na ipinagtaka ng mga kaklase namin. Madalas kasi bangayan ang salubong nila sa buong klase.
Lumapit sa akin sina Jane, Lyra at Liz.
"Anong nangyari dun sa dalawa? Bakit parang BFF sila?" tanong ni Jane.
"Oo nga. Walang batukan, o di kaya hamunan ng away." sabi naman ni Lyra.
"It must be doom's day." sagot naman ni Liz.
"No. It's a twinnie reconciliation day." sagot ko sa kanila.
I look at Red and Blue. Nagtatawanan sila at nagkukulitan. I'm thankful na kahit kahapon lang kami magkakilala ay nakinig sila sa akin. Sabay silang napatingin sa akin at ngumiti. I smile back at them.
I feel so happy to fix something special. Very special.
YOU ARE READING
Joie de Vivre
Fiksi UmumWhen you already saw your light and hope, but lost it with a blink of an eye. When you already learn to smile and laugh, but see the tears running down in your eyes. When you learn to be strong and stand tall, but was drag down into another fall. W...