Warm Of Friendship

9 1 0
                                    

Uzume's POV

Nang hapong iyon ay kinukulit na ako sa klase ng kambal na si Red at Blue. They even ask if I have a boyfriend. Nagkasagutan pa dahil nauna daw ang isa at gaya- gaya daw yung isa naman. I just laugh with them. Ang cute nila. Tumigil lang silang dalawa ng dumating ang teacher namin.

Nang mag- uwian ay kasama ko pa rin si Lyra, Liz at Jane. Tumulong ako sa kanila para maglinis ng room. Ang mga boys ay sobrang kulit at kalat.

"Taga saan ka pala Uzume?" tanong ni Lyra sa akin.

"Sa Forbes Heights." sagot ko sa kanya habang pinupulot ang mga nagkalat na libro.

"Wow!!! Richkid ka pala Uzume." sabat ni Shin.Yes. They're still here. May practice pa daw sila ng football eh. At nagpapalipas oras sa room. Pero ang totoo kinukulit lang nilang apat si Lyra at Jane.

"Hindi naman sa ganun." I answered him with a smile.

"Sleep over tayo minsan sa inyo Uzume." singit ni Jane habang nag- eerase ng board.

"Sa bahay ka na mag sleep over Jane." sabat ni Reese sabay akbay kay Jane.

"Pervert!" sigaw ni Jane sabay layo kay Reese. Pero nag blush siya.

"Hokage moves dre." natatawang sabi ni Jim.

"Sige. Sabihan ko lang si Nana para malinis ang bahay. Pero baka next week end lang ha. Kakarating lang namin nung isang araw eh."

"Sama kaming mga boys ha." sabat naman ni Mak.

"No pets allowed daw sa bahay ni Uzume. Kaya hindi kayo pwede." sagot ni Liz sa kanya.

"Wengya! Liz naman ehh. Minsan ka na nga lang magsalita panlalait pa sa amin lumalabas sa bibig mo." sabi ni Shin habang nakabungot kay Lyra.

"Totoo naman. Para kang aso kung makabuntot kay Lyra ohh" sabat ni Jane. Inaayos niya na ang mesa ni Sir Evan.

"You're wrong Jane. This is what you called 'Follow your dream'" sagot ni Shin sabay kindat kay Lyra. Napayuko naman si Lyra sa sobrang kilig at hiya.

"F*ck!! Bumanat ka Shin??! Ang korni mo!!" tukso ni Mak sa kanya

At nagtuksohan na sila. Sumasali na rin si Jane at Liz. Si Lyra naman ay nahihiya pa. Lalo na kay Shin na laging may banat para sa kanya. Ang cute nilang tingnan.

This is the people I wanted to be with. Yung pinaparamdam sa akin ang saya na tunay. I admit I dont really have friends in Europe. People there look and talk expensive. Parang laging memorize ang mga sasabihin. Parang bawal magkamali. Everything is perfect but fake.

"Ang cute niyo guys." I just said out of the blue na nagpatigil sa kanilang lahat.

"Nakz Uzume. Huwag mo sabihing crush mo ako dahil cute ako." sabi ni Jim.

"Ogag!!Niyo nga diba??Ibig sabihin tayong lahat." sagot ni Reese sabay batok kay Jim.

Napatawa kaming lahat. I am so happy to meet this kind of people. I will cherish them.

"Thank you for being good to me guys. Kahit baguhan lang ako dito, you welcome me warmly. Isa lang ang hiling ko." I told them na nagpakunot ng noo nila ng may pagtataka.

"Ano yun Uzume?"
"What is it?"
"Huwag lang pera, wala ako nyan."
"Sige ba."

"Let's be friends till the end." I said with a smile that made them quiet. It's my first time to make friends at kinakabahan ako. I am afraid of rejection.

"Yes! Friends!" sabay nilang sigaw at yakap sa akin.

And finally, I feel the warm of friendship for the first time.

Joie de VivreWhere stories live. Discover now