Strangers to Meet

7 1 0
                                    


When you all need is to breathe and shout.
___________________________________________

Uzume's POV

Nakatayo lang ako sa labas ng classroom ko. This is it! Makikilala ko na ang mga classmates ko. Akmang kakatok na ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"New Student??"

"Ayy butiki!!!" napaharap ako ng biglaan sa nagsalita. A guy in his late twenties smiled at me. Kaklase ba namin siya? Pero bakit ang tanda niya naman para maging highschool student.

"Yes po. Kaklase ko po kayo?" tanong ko sa kanya.

"No. Im your teacher." sagot niya na nagpahiya sa akin. Sobra ko kasing assuming. Sana kainin ako ng lupa.

"He-he Sorry po sir. Ang bata niyo po kasi para maging teacher. Peace po tayo ha." nahihiya kong sabi sa kanya na may peace sign pa.

"Its okay. You must be Miss Radforth. Im Mr. Evan Dela Torre. Just call me Sir Evan." pagpapakilala niya. " Let's go inside to meet your classmates."

Binuksan ni Sir Evan ang pinto para magulat lang ako. Sobrang ingay at walang proper sitting arrangement. Mayroong kumakain sa sulok. Mayroon ding naglalaro ng tumbang braso. May nagbabatohan ng papel. Mayroon ding natutulog sa likod. May nagtatawanan sa kabila at mayroon ding magsyota na akala nila nasa motel sila.

Parang hindi nila pansin na pumasok kami ni Sir Evan. Naiwan ako sa pintoan at si Sir Evan naman ay parang balewala lang sa kanya ang nangyayari. Tama ba tong napasukan ko? Ito ba ang magiging mga classmates ko? I need a lot of energy pag ganito ang magiging araw- araw ko.

Blaggg!!!

Napatalon ako sa kinatatayuan ko sa gulat. Hinampas ni Sir Evan ang kanyang mesa ng dalang libro. Nahinto ang lahat sa kanilang ginagawa.

"Good morning dearest class. Arrange your seats at magsiayos kayo." nakangiting utos ni Sir Evan sa mga kaklase ko. Dali daling sumunod ang mga girls na nagpapacute kay Sir. Yes! Our teacher has this very charming face and oozing with sex appeal. Parang batak sa gym si Sir.

Ang mga boys naman ay parang napipilitan lang sumunod. Pero yung natutulog sa likod ay parang walang pakialam.

"Before we proceed to our lesson, let us welcome first your new classmate. Miss Radforth come over here and introduce yourself." baling sa akin ni Sir Evan. Bigla naman akong kinabahan. Parang nanlamig ako ng makita kong nakatitig silang lahat sa akin. Ngayon lang ako nila napansin.

I walk slowly at the center to meet my new classmates. I inhale and face them with a sweet smile.

"Hi. Im Uzume Dayne Radforth. 16 years old. Let's all be friends. Thank you." I said and bow to them. Nang mag- angat ako ng tingin ko ay nasalubong ko ang titig ng isang lalaki. Ang lalaking natutulog kanina ay nakatitig na sa akin. I smile at him. He smirked at me and fell back to sleep.

May bumati sa akin, lalo na yung mga lalaki. Ang ibang girls naman ay nagtataas ng kilay, pero mayroon ding namamangha.

"Please enjoy your stay here at St. Ezekiel. And have a seat Miss Radforth." sabi ni Sir Evan.

I choose to sit beside the girl with eyeglasses. I smiled at her and greeted her.

"Hi Im Uzume. You are?"

"I-m Lyra." nahihiya niyang sagot sa akin.

"Lets be friends ha. Okay lang? Wala kasi akong kakilala dito." tanong ko sa kanya. I feel comfortable at her. I know she's nice.

Nangislap ang mata niya. Parang nagsabi ako ng isang magandang balita. She nod and smile at me.

I smile at her too and face the board to listen to Sir Evan's discussion. This is gonna be the start.

3. Make new friends. √

Joie de VivreWhere stories live. Discover now