Nakatingin lang ako sa mga buton ng elevator habang nag sasalita si Mrs. Lopez, super visor ng maintenance, tungkol sa magiging trabaho ko. Inoorient nya ko ngayon para mamaya ay pupwede na akong mag simula.
"Hindi naman mahirap linisin ang floor na iyon ni boss, kokonti lang ang kalat dahil mag isa lang sya doon sa buong floor."
Lumaki ang mata ko. Buong floor ang lilinisin ko?
"Po?!"
Tiningnan nya ko, ang istrikta nyang mga mata ay nakakatakot kaya medyo napasiksik ako sa gilid.
"Hindi po ba masyado yong malaki at mahihirapan ako kung ako lang mag isa doon?" Ani ko sa maliit na boses.
Umirap sya sakin. "Gaya nga ng sabi ko. Hindi madumi doon. Kokonting mga nakakalat na papel lang ang ililigpit mo, wawalisin at imomop ang sahig..." Tumigil sya sa pag sasalita dahil tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto.
Lumabas na kaming dalawa at dumiretso sa lugar kung saan naroroon ang iba pang taga maintenance.
"Hindi mo naman kaylangan linisin ang mga salamin ng bintana dahil may iba ng gagawa noon."
Madami akong nakitang mga tao, yung iba ay nakaupo, marahil ay nag papahinga. Mayroon din namang mga abala, palakad lakad ang iba pa nga ay may tulak tulak na cart na may lamang cleaning materials.
Panay ang turo nya sakin ng mga bagay na dapat kong tandaan at malaman.
May iba din na bumabati kay Mrs. Lopez at napapatingin sakin.
Noong nasiguro nya na natatandaan at alam ko na ang mga bagay bagay ay inaya nya na ako sa opisina nya. Sumakay ulit kami sa elevator.
"You are on a night shift as you requested.." Sabi nya sabay upo sa swievel chair nya.
Tumango tango ako at tumayo lang sa tapat ng table nya, sumenyas sya kaya naupo ako.
"I do not usually allow my janitress on a night shift, but since you have a valid reason ay pinag bigyan kita."
"Thank you po.." Nag papasalamat ako na pinag bigyan ako dito.
"Gusto ko lang makasigurado na gagawin mo ang trabaho mo at hindi makakasagabal ang pag aaral mo sa trabaho mo dito."
"Opo.." Sabi ko sabay pa ang tango.
"Good..." Pinag siklop nya ang mga kamay nya. "
May binuksang folder si Mrs. Lopez at iniharap saakin, nag abot din sya ng ballpen.
"Here is your contract."
Umisod ako para mabasa ng maayos ang kontrata.
"Minimum ang sahod mo at dapat ay eight hours ang oras ng pasok mo pero ayaw ni boss ng may pahara hara sa opisina nya habang nandodoon sya kaya okay lang na dumating ka kapag mag lilinis ka na at pupwede ka ng umalis pag natapos mo na ang trabaho mo. Si sir naman ay usually umaalis ng ten pm sa opisina."
Nagulat naman ako doon.
"Talaga po?" Tumango ito. Maganda ang offer na yon at talagang nakakatuwa kasi ay makakapag pahinga ako ng maayos kapag maaga akong natapos sa pag lilinis ng opisina.
"Tuwing a-kinse at katapusan ang sahod mo kagaya ng iba.." Tango lang ako dahil medyo pamilyar na ko sa ganito. Ilang taon na din naman along nag tatrabaho at kalimitan ay ganoon.
Tinanggal ko ang takip ng ballpen at pumirma sa kontrata.
Hindi ko na masyadong binasa dahil tiwala naman ako kay Mrs. Lopez.

BINABASA MO ANG
For the love of Set
Literatura FaktuMy Mother died while giving birth to me. Father died because of car accident My sister was raped and killed and my brother died because of heart failure. I vowed not to love again for I brought death to all my loved ones, then she came. Amanet, my b...