Tatlo

1 0 0
                                    

Ngumiti ako sa guard na nag papasok sakin sa building pag tapos kong ipakita ang aking id.

Tiningnan ko ang aking relong pambisig at nakitang alas onse na, tiyak na wala na iyon doon at malaya na akong makakapag linis.

Madali kong tinahak ang maintenance upang makakuha na ng mga gamit panlinis. Tinulak ko ang pinto, mukang nagulat pa nga ang isang lalaki sa loob dahil nakita ko ang pag hawak nya sa kanyang dibdib.

"Jusko po inday, aatakihin ako sayo.." Madrama nyang sabi saakin.

Ngumisi ako sakanya at nag peace bago dumeretso. Nag palit ako ng uniform na required isuot, inilagay ko ang aking bag sa loob ng locker at kumuha ng cart.

Itinulak ko iyon palabas, naabutan ko pa doon yung lalaki. Wait. kumunot ang noo ko kasi nakita ko syang nag papahid ng kung ano sa muka nya.

Pusong babae pala, hindi lalaki.

Naabutan ko pa ulit yung pusong babae na andoon at nag papahid ng kung ano. Tumigil sya sa ginagawa nya at tiningnan ako kaya ako din ay napatigil sa pag tutulak.

"Bago ka?"

Tumango ako.

"Saan kang floor?"

"Top." Simple kong sagot pero siya ay parang nagulantang, nanlaki ang mata nya.

"Trulity?" Maarte nyang sabi at medyo patili pa.

Tumango tango ako. Ibinaba nya ang hawak na press powder at nag martsa palapit saakin, ako naman ay nagulat kaya napabitaw ako sa cart.

"From now on ay best friend na kita..." Maligaya nyang pag aanunsyo.

What!

Nagulantang ako doon at di agad nakapag react. Kumapit sya saakin, nag beautiful eyes pa.

"Besh~" Sabi nya in his I think most girliest tone. "Help kita doon sa pag ki-clean."

Nanlaki naman ang mata ko. For real.

"Talaga?" Maligaya kong saad.

Sya naman ay tumango. "Ligpit ko lang tong mga to." Sabay takbo at salikop ng mga abubot nya. Noong matapos ay nilapag nya lang doon sa upuan at muling lumapit sakin, sya pa mismo ang nag tulak ng cart.

Noong nasa elevator na kami ay tsaka ko lang naisip.

"Janitor ka ba dito?" Kasi ay parehas kami ng uniform.

Bumaling sya sakin ng nanlalaki ang mata, dinuro nya ang bunganga ko.

"Balahura kang babae ka. Janitress ako. JANITRESS." He hissed.

Natatawa naman ako. "Okay. Im sorry.." Tumikhim ako. "So, JANITRESS ka ba dito?" Giving emphasis to the word.

"Yeah."

Noong nasa tamang floor na kami at bumukas ang pinto ng elevator sya muli ang nag tulak ng cart at nauna pang lumabas sakin. Napailing nalang ako at pinag kaabalahan ko nalang na itali ang aking bubok para hindi ito sumabog mamaya.

Itinulak ko ang glass door at doon ko sya nakitang nakanganga sa buong office. Binuka nya ang kanyang mga bisig, pumikit pag tapos ay huminga ng malalim.

Okay. Its official. This human being is weird.

"Uhmmm. What are you doing?" Di ko na napigilan ang pag tatanong matapos ang ilang sandali at ganoon padin sya.

Lumingon sya sakin, nakita ko ang pag kislap ng kanyang mga mata, gumuhit din ang ngiti sakanyang labi.

"Heaven ito besh." Naguluhan ako doon pero di ko nalang inintindi at nag umpisa na sa gawain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For the love of SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon