CHAPTER FOUR:

31 1 0
                                    

 Dito titira si Miss Rodriguez?" ulit ni Lawrence matapos sabihin ni Elena na stay-in secretary nito si Melissa.

You heard me right, Lawrence, siyanga pala, Melissa, nais kong ipakilala sa iyo si Andrea, ang mapapangasawa ni Lawrence.

Alanganing sumungaw ang ngiti sa mga mga labi ni Melissa. hindi pa man ay nakakaramdam na sya ng kunsensya.

nagsalubong ang kanilang mga mata ni Lawrence. kunot ang noo nito na halata ang disgusto ng binata sa paglagi nya roon.

Daddy, nagugutom na ako. hindi pa po ba tayo kakain?

ang munting tinig na iyon ang umagaw ng pansin kay Melissa, napatingin sya sa batang kinalong ni Lawrence.

Okay, honey, go to yaya chedeng. may food na syang inihanda para sayo.

kamukhang-kamukha ni Lawrence ang bata, halos wala ngang nakuha itong features kay Andrea.hindi maiwasan ni Melissa ang mapatingin kay Elena.

nagtatanong ang kanyang mga mata. pero binalewa iyon ni Elena ang makahulugan nyang titig. ibig nyang itanong dito kung bakit pinagdududahan nito ang anak ni Lawrence at Andrea.

Tita Elena, mauna na kami sa dining room, nagugutom na kasi ang bata.

Sige hijo, ipapakita ko muna kay Melissa ang kanyang magiging kwarto.

wala na harapan nila ang tatlo ay saka pa lamang nakuhang mag tanong ni Melissa.

Ma'am....  

Dont tell me uurong ka na sa usapan natin Melissa? alalahanin mo, handang handa na ang iyong kapatid at hindi pa man ay umaasa siyang walang magiging sagabal sa kanyang operasyon.

natigilan si Melissa, paano pa nga ba nya magagawang umurong?

 tahimik na lamang sumunod ang dalaga . isinantabi nya ang pag aalinlangan at iniisip ang magandang mangyayari kapag natapos na ang operasyon ng kanyang kapatid.

Nang sumunod na linggo ay takdang pag-alis nina Elena patungong Italy. doon nito ipapagamot ang kanyang kapatid. sinabi ni Elena kay Lawrence na ilang araw itong mawawala dahil dadalaw ito sa isang kaibigan.

ilang araw din na confine si Melissa sa ospital dahil kailangan nyang makuhanan ng blood marrow na siyang isasalin sa kapatid.

Ikaw na ang bahala dito Melissa, I-on mo palagi ang cellphone na bigay ko sayo. gusto kong bawat tawag ko ay may ibabalita ka sa akin tungkol kay Lawrence.

O-oho, Ma'am kayo na ho ang bahala kay Ate Mariz, wika nya na tila gustong maiyak.

huwag mo syang intindihin,  pag-butihan mo ang pakikipaglapit kay Lawrence, Melissa.

marahan na lamang siyang tumango. pilit niyang pinasaya ang mukha ng makitang inilalabas nn mga staff ng ospital ang stretcher na kinahihigaan ng kapatid.

Melissa, hindi ka ba talaga pwedeng sumama? malungkot ang mukha ni Mariz, mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga.

Sorry ate, pero hindi talaga pwede. huwag kang matakot, anjan naman si Mrs.Alcantara sya mismo ang nag boluntaryong mag-asikaso sayo. isa pa, may kilala syang dalubhasang doktor sa Italy. gagaling ka doon.

isang malungkot na ngiti ang sumingaw sa mga labi ni Mariz, sana nga . sana makauwi pa ako dito sa pilipinas.

Ipag-pi-pray kita . hindi ka pababayaan ng Diyos ate.

 pinayuko ni Mariz ang kapatid. pagkatapos ay hinagkan nito sa noon si Melissa. Ingat ka lagi!"

Ikaw rin!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sundin Ang Tibok Ng Puso..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon