Si Lawrence ikakasal?! iyon ang pumasok sa utak ni melissa. nung isang araw lang ay nasa bahay nila ang binata na para bang nanliligaw sa kanya.
Pero ngayon, ilang araw lang ang lumipas ay nabalitaan nyang magpapakasal na ito,
Kaya mo bang gawin Melissa?"
" Ma'am, seryoso ho ba kayo?" balik-tanong nya at hindi makapaniwala.
" Nsa mukha ko ba ang nagbibiro?
gagawan kita ng pabor at gagawin mo rin ang pabor na hiningi ko sayo."
"P-pero.... bakit ho? I mean , bakit gusto nyong hindi matuloy ang kasal n-ni L-lawrence?
bakit nasasaktan sya sa kaalamang may legal nang magmamay-ari sa binata?
Siguro naman kilala mo si Andrea Montesa?"
matagal na inisip ni melissa ang pangalan ng babae.
S-sya ho ba yung n-nurse na.. nobya noon ni Lawrence?
Tama ka. And three years ago ay iniwan nya si Lawrence sa hindi malamang kadahilanan. And now she's back... with her child."
Hindi makapaniwala si Melissa . ganoon kamahal ni Lawrence ang dating nobya at handang pakasalan kahit may anak na ito.
P-pero tiyak ho na mahal pa rin ni Lawrence si Andrea dahil hindi nya ito aalukin ng kasal kung wala na syang pagmamahal dito.
mapait na ngumiti si Elena. malakas ang pakiramdam ko na hindi na tulad ng dati ang pagmamahal ni Lawrence para kay Andrea. dahil lang sa bata kaya nya ito pakakasalan.
Napailing na tumitig sa amo si Melissa, but why? for sure, h-hindi anak ni Lawrence ang bata."
sya daw ang ama ni Paul sabi ni Andrea. at sa hindi ko malamang dahilan , kung bakit agad na nag pauto si Lawrence sa babaeng yun.
Aral na ibinuka ni Elena ang mamahaling pamaypay at nag paypay . Three years na nawala si Andrea dito. hindi man lang naisip ni Lawrence na maaring hindi kanya ang batang yan.
simple lang ang dahilan, Mrs. Alcantara mahal pa rin ni Lawrence hanggang ngayon si Andrea!
"What's your decision , Miss Rodriguez? muling gagaling ang kapatid mo kapalit hinihiling kong maliit na pabor sayo.
Walang maisip na decision si Melissa., nang malaman nyang may sakit ang kanyang kapatid ay nangako sya na gagawin nya lahat gumaling lang ang kapatid.
At ngayon dumating na ang pagkakataon sa pamamagitan ng alok ni Elena, tatanggihan nya paba ito.
Look Melissa, pag pumayag ka , dalawang buhay nag maisasalba mo, una ang buhay ng kapatid mo, maisasalba mo sya sa maaga niyang pagkamatay. at ang huli ay kay Lawrence anong malay natin, baka may balak lang na masama ang Andrea na yan sa anak ko kaya sya bumalik dito. saka lang namin malalaman yun pag tuluyan silang nakasal, at ayoko ng hintayin pang mangyari iyon kay Lawrence, ang makita siyang nag durusa sa piling ni Andrea at alagaan at palakihin ang batang hindi naman talagang kanya.
Huminga ng malalim si Melissa, hindi simpleng bagay ang pinapagawa nito sa kanya. kailangan niyang pag-isipan ng mabuti kahit alam nyang malakinh pabog ang maga-gawa niyon sa buhay nilang magkapatid.
" P-pag-iisipan ko ho.."
'Im giving you two days para mag-isip. gusto kong pagbalik ko ay may matalinong decision kana.
Iyon lang at iniwan syang nag-iisip ni Elena..
titig na titig si Melissa sa kapatid na payapang naka himlay sa puting kkama, maputla ang labi nito at unti-unti ng nalalgasan ng buhok.