Briana's POV
haaaays.. salamat nakauwi din sa wakas.. ang bait talaga ni daryl dan. nilibre niya ako sa jollibee kanina at binilhan pa niya ako ng bagong cellphone sa mall .
grabe wala akong masabi.
ang bait na nga at ang gwapo pa niya..
pinsan pala sya ng aking love..speaking of my love?? kamusta na kaya sya? hmmm..
nag indian sit ako sa kama ko saka ko kinuha ang aking laptop sa study table ko at pinatong ko sa aking lap..
mag isstalker nanaman nanaman ang peg ko nito.
i'll log in my facebook then search his name..
nanlumo naman ako sa nakita ko..hindi niya pa kinoconfirm ang aking friend request.
wtf!
ganun niya ba ako hindi kagusto? ni kahit friend lang kami sa facebook ..ayaw niya?
grabe sya?!
inis kong pinatay ang aking laptop at pabagsak kong pinatong sa study table ko..
letche.. ang tagal na yung friend request ko na yun ah! almost 3 years na yun eh.. first year college pa ako nong nag friend request ako sakanya.. yun naman talaga yung facebook niya eh. parati kaya updated facebook niya. ugh!
itutulog ko nalang tong pag kabadtrip ko ! tutal tapos na rin akong kumaen matutulog na lang ako..
------
"Briana baby.. mahal na mahal kita..ikaw lang ang pinakamagandang babaeng nakilala ko..iloveyou so damn much"..
waaah...maganda daw ako at mahal niya ako?!..
waaaah!!...gusto kong gumulong gulong sa saya..
wahehe..kinikilig ako..hihihi.."mahal na mahal din kita papa dylan..ikaw lang mamahalin ko habang buhay"
nakita kong lumalapit mukha niya papunta saken.
omg!! ito na ba yon?? hahalikan na ba niya ako?..shit.shit
napapikit naman ako at napanguso.. shit ! ayan na ramdam ko na hininga niya..
basang basa na aking labi.
grabe ! ganito ba sya humalik? ang galing niyang pala dumila.."hahahahahahaha ..... ibang klase hahahaha..woooh..."
napadilat naman ako at napalaki mata ko sa nakita..
agad naman ako napaupo sa gilid ng kama ko at diring diri kong pinunasan gamit ang kumot ang aking mga labi.
shit..kadiri!!..
"HAHAHAHA!!!!! MAMATAY AKO SA KAKATAWA!!! HAHAHAH!!!PUCHA!!"
"KUYA!!!!" sigaw ko sa kaharap ko at kumuha ako ng unan saka ko binato sa mukha niya!..
"HAHAHA!!"
naningkit naman mata ko sa kaharap ko!.. buhat buhat niya pa rin si Bri-dy..
letche sya ! para talaga syang bata!.. kaya naman pala basang basa yung labi ko ..dinidilaan na pala ako ni Bri-dy. -_-"pffft.. hahahaha..talagang nakanguso kapa ahh...hahaha" tawa niya pa rin at binaba na niya si Bridy na nag lakad naman sa labas ng kwarto ko.
"ang mantika mo kasi matulog baby.. kanina pa kaya kita ginigising tsaka tanghali na kaya!" sabi niya at ngumuso pa..ugh! mukha syang pato..
ay! may kailangan to..tinawag niya akong baby eh.."PAKI MO?! ANG GANDA NG PANAGINIP KO! SINIRA MO!..WALA NAMAN AKONG PASOK..KAYA MATUTULOG PA AKO HANGGAT GUSTO KO!.." sigaw ko pa rin sa kanya .. badtrip to! aktong hihiga ako ulit sa kama nang hinila niya naman braso ko paupo sa gilid ng kama ko!.
" Alam kong wala kang pasok baby..! kaya nga ginising kita kasi sasamahan mo ako sa mall mo!.." nakangiting sambit niya saken..
sabi na nga ba eh! may kailangan tong lalaki na to...
pamana ni mama saken yung mall. Since nag aaral pa ako si kuya muna ang mag mamanage don..
tsk... ayaw na ayaw ko pa naman pumunta sa mall na pag mamay-ari ko!..masyado nila akong tinuturing na prinsesa don.. buti nga hindi kami pumunta ni daryl dan sa mall ko .. Kung nag kataon ..lagot talaga ako !.
"AYUKO !.." sabi ko saka ko tinapik kamay ni kuya na nakahawak sa braso ko ..
"PLEAAASSSE" pakiusap niya at nag puppy eyes pa sya..
aissst!..
"oo na..mag bibihis lang ako "
tumayo na ako at nag lakad na sa closet ko .." hindi ka maliligo?" napalingon naman ako sa kanya na napalaki sa mata niya..
"hindi..bakit?" para naman hindi nasanay saken to..
"Yuck !!.. maligo ka nga! ang baho mo na kaya. amoy laway kapa.. kababae mong tao hindi ka naliligo? mag ayus ka din! mamili ka din ng maganda mong su--"
"OO NA! MALILIGO NA AKO!PWEDI KA NANG LUMAYAS DITO SA KWARTO KO !" hindi ko na tinapos sasabihin niya..malamang iinit nanaman tenga ko sa mga sasabihin niya..
madaldal pa naman si kuya kesa sa akin ..
tumalikod na ako sa kanya at kumuha ng towel saka dumeretso sa banyo ko !..
pag katapos ko maligo at mag ayos ng sarili ko.. lumabas na ako at bumaba sa hagdan papuntang sallas.. simpleng red tshirt, pants at doll shoes ang suot ko .. tinalian ko naman ng pataas yung buhok ko..hindi ako nag suklay. kamay ko lang ginamit ko.. tinatamad talaga ako mag suklay ng buhok ko..
nakita ko naman si kuya
nakaupo sa couch habang may katext sa cellphone niya...hinihintay na niya ako.. Ang galing niya talaga mag dala ng damit kahit tshirt at pants lang suot niya gwapo niya parin.."ganyan na ayus mo? hindi ka man lang nag dress at nag suklay! kahit lipstik wala!!.. manang ka talaga".. sambit niya sakin .. sabi na nga ba eh.. paulit ulit niya sinasabi yan
" paki mo?! hindi nalang kaya kita samahan sa mall?! mas gusto ko pa naman mag kulong sa kwarto ko.." nakapa maywang na sabi ko sa harap niya..
"hehe..ang ganda mo talaga baby.. kahit hindi ka mag ayus.. maganda ka pa rin" sus bola.ang ganda pa ng ngiti niya..
hindi ko nalang sya pinansin. nag lakad nalang ako sa parking papunta sa kotse ni kuya..pumuwesto ako sa tabi ng driver seat..
may kotse din ako kaso ayaw nila mama na mag drive ako..wala pa kasi akong license..
pag sakay ni kuya..ngumiting aso muna sya saken bago pinaandar ang kotse niya.. Hindi ko nalang sya pinansin..mukha syang iwan sa itsura niya..tsk!..
Nakakawalang gana talaga pumunta sa mall ko..ayaw ko talaga pumunta don..I sighed ayaw ko kasi ng center of attraction..ughhh!!!!! nakakainis talaga..
after 20 minutes nakarating na kami sa mall ko.. 'BDC MALL' name ng mall ko, naka pangalan saken .. Hanggang 5th floor ang taas ng mall ko..
pinark ni kuya yung kotse niya na para lang talaga sa aming pamilya.. SPECIAL PARKING ika nga..
bumaba si kuya pinagbuksan niya ako ng pintuan..
"tara na baby.." sabi pa niya habang nakalahad kamay niya sa harap ko..
ngumuso ako sa kanya..
alam niya naman na ayaw ko pumunta dito sa lugar na to!.pero ang kulit niya kasi..nakakainis talaga sya!"k-kuya--" umarte akong sumasakit yung puson ko..hoho..
maniwala ka sana.. "a-ansakit ng puson ko kuya..hindi ko kaya maglakad.." namimilipit pa ako kunwari sa sakit.."baby Briana..hindi ka maganda.. kaya wag ka mag inarte dyan...tsaka hindi bagay sayu..ok !!??"
ngising asong sabi niya saka niya ako hinatak papasok sa mall...ngali ngali ko syang mabatokan!.. yung totoo? kapatid ko ba talaga to? ! ang bait niya talaga.. ahh note my full sarcasm.. -_-
pinagbigyan ko nalang syang hatakin ako..
bahala na si batman..
******
yan muna guys..thanks sa nag babasa sana vote naman kau..
mamatz.. ☺☺☺
BINABASA MO ANG
I love Him so Much !!
Fiksi Remajai love him so much !! yan parati ang sinasabi ni Briana Dela Cruz sa kanyang matagal na niyang minamahal na si Dylan Lee. Si Dylan Lee na gwapo , may ari ng school, suplado . Ngunit hindi sya pinapansin ng binata .. sino nga ba sya para pansinin ng...