N - First Dance

17 3 0
                                    

Aaaayy! Sarap mag-unat mas lalo kapag umaga. Maaga akong nakalabas ng bahay para pumasok sa school. I've been waiting for this day —na hindi ako male-late— to come.

Pagka-akyat ko mula sa first floor hanggang sa third floor, bumungad agad si Earl sa pintuan. Nakikipag-chikahan sa ka-tropa niya. And as usual, sitting on the table which is bawal. Nakaharang tuloy siya sa logbook. Kainis!

Dahil sa inis ko, pasigaw ko tuloy nasabi ang "Excuse po!" Nagulat tuloy siya at muntik na mahulog —hindi sa'kin— sa ibang side hehe.

Medyo kinabahan ako dahil baka mabagok ang ulo niya at ako pa ang magpa-ospital. Wala pa naman akong pera. Hay, pulubing Sky.

During our discussion, nakikita ko siya sa peripheral view ko na tumitingin siya sakin. Not because I assume pero nahahalata ko kasi. Minsan kapag nagre-recite katabi niya, napapatingin ako sa kanya which he did, too. Iniiwas ko na lang tuloy ang tingin ko.


"Okay, iiikot niyo yung babae then, step step, tak tak. Okay?" sabi ni Lhia sa mga lalaki. May project kami sa PE and kailangan sumayaw.

Ipagpa-partner kami para sa unang part. And guess who's my partner, si Earl. Nakakainis pero kailangan. Medyo katangkaran din naman kasi ako kaya kailangan ng mas matangkad pa na lalaki. And si Earl na lang natira sa pila at ako kaya no choice. Good luck sa'kin!


Hindi ko alam kung maiinis ako kay Earl o matutuwa dahil kinausap ako eh. "Hindi ko alam yung step sa una, hehe." sabay kamot ng ulo. Natatawa ako sa sarili ko dahil tinuruan ko siya. Nababaliw na ako. Mas pumogi tuloy siya dahil malapitan na kami. As in.


He grabbed my hand and turn me around for me to be closer to his body. His arm's around my waist and he pushed me away from him para kumawala sa yakap niya. Ang dramatic pala ng step namin. Kinuha pero papakawalan din naman pala. Nakakaloka.


"Sky! Tayo na?" sabay hatak sa kamay ko. Nagulat ako nung bigla na lang akong hinatak ni Earl papunta sa stage. Gusto ko sanang sabihin na walang tayo kaso hindi kami close eh.


Titignan pala kaming lahat kasama sina David at Elise —dahil sila ang nangunguna at magaling sila sumayaw, and mag-jowa sila— para sa unang part. Syempre ako, todo galaw para sa project at grades kahit makalas na ako.

After the PE project, ito naman: Pista sa Nayon. Sa classroom lang kaya no hassle. Todo design nga kami ng room para manalo sa pabonggahan.


"Huy Sky! Smile!" sigaw ni Earl, then I smiled to the camera. Nakatulala pala ako. Salamat dahil sa sinabi ni Earl, hindi ako mukhang ewan sa picture. Ang pogi niya sa barong, I imagined na ikakasal na siya sa iba and I'm just one of the 'manonood' ng pinakamasayang araw sa buhay niya. And ka-boom! Sumabog na naman ang puso ko sa sakit.



Nakakapagod ang araw na 'to. Gusto ko ng umuwi pero nay isang subject pa.


Unfortunately, tulog daw ang teacher namin sa faculty kaya ako, matutulog na lang din. Napa-hikab pa ako sa antok.


"Sky! Look!" natatawang sabi ni Mateo. And he faced his phone sa mukha ko. I saw my face na naghi-hikab. "What the heck?" then pinalo palo ko siya dahil sa hiya. Pinakita pa niya sa mga katabi niya.


Nagukat ako dahil bugalang may pamikyar na boses ang nagsalita sa gilid ko.

"Tingin." sabi ni Earl and syempre pinakita naman ni Mateo. "Delete mo 'yan!" nagmamaka-awang sabi ko pagkatapos niyang ipakita kay Earl. Nakakahiya. Juskopo.


Uwian na yes! Bulong ko sa sarili. But this girls named Argel and Elise called me and told me na sumama sa intrams. It's not intrams na talaga dahil basketball lang muna ang lalaruin. Hassle kasi sa time kung pagsasabayin lahat ng laro.


"Wala naman akong mapapala diyan!" aniya ko. Pero nagpumilit sila kaya napapayag na lang ako. Saglit lang naman.


"Uwi na ako." ...nasaktan kasi ako dahil sa nakita ko. "Wait Sky, sabay na ako. Bawal ako gabihin eh. Bye guys!" pagkaba-bye ni Elise, umalis na kami sa court.

Ang sakit pala, kahit na hindi kami, masakit.

Alam kong walang karapatan pero yung puso ko. Parang binabalatan. Nakita ko si Earl na kasama—katabiyung icon niya sa twitter.

Napakasaya nila kasama mga tropa. Tss, stop acting like a kid, Sky.


Ayos lang naman na may crush ang crush ko kasi wala naman akong karapatan para pagbawalan siya sa nararamdaman.

Nakakaloka lang kasi wala siyang respeto sa nararamdaman ko, just kidding. I'm just too paranoid na may ibang gusto si crush.


Wait. Did I just call him my crush? No way hah.

Hindi ko siya crush. Never. Nagwagwapuhan lang. Period.


Kung pwede lang mawala na yung mabilis na pagtibok ng puso ko 'pag nandiyan siya feels. Kung pwede lang. Para mawala na ang sakit. Pogi kasi eh.

                                                                          

"If the sky is falls down, don't come along"

                                                                           

Facebook: Kris Argel Villamor Lopez
Instagram: @krs_rgl_
Twitter: @krs_rgl_

Ano kayang mangyayari kay Sky?
Alam kong hindi masyadong dramatic at napaka-babaw lang ng problema pero kung ikaw ang nasa sitwasyon? Ano kayang mangyayari sa feelings mo?

Feel free to comment and vote!

READ • VOTE • COMMENT • SHARE

^•^

I'm Secretly In Love with my ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon